Chapter 7

438 41 12
                                    

Chapter 7

Ibinulsa ko ang cellphone ni Jaro sa pantalon ko. Muntik ko pa itong mabagsak dahil nanginginig ang aking palad. Nasobrahan na ba ako sa kape at ninenerbyos ako ngayon?

Nakita ko ang pagpunta niya sa gilid ng range. Nakapamulsa siyang tumitig sa akin nang makahanap siya ng magandang pwesto. Wala akong mabasang ekspresyon sa kanyang mukha. Tutok lamang ang mga mata niya sa akin as if he's waiting for me to move.

Nang ilang sandali na ang lumipas at hindi ako natinag sa kinatatayuan ko ay sumenyas siya na tila sinasabing huminga ako ng malalim.

Bahagyang kumunot ang noo ko. Why is he doing this? O mas magandang tanong, ano bang ginagawa niya dito?

I wanna know, but I don't have the guts to ask him... Not yet. Maging ang kung anong ibig sabihin ng huli niyang sinabi ay hindi ko kayang itanong. Mahirap na, baka mamaya ay nagkamali lang pala ako ng dinig, masabihan pa akong assumera.

Sa huli, sinunod ko ang sinasabi niya. Pinikit ko ang mga mata ko saka ako humugot ng malalim na hininga. Don't be affected. It's just him, Helga. Just him...

The beat of the song is faster than my taste. Tila kanta itong hindi ko kayang sabayan. Sinubukan kong isipin ang mga steps ko na tutugma sa kanta pero ang hirap, hindi ko magawa. Sobra akong nangangapa.

Iritado akong lumapit kay Jaro. His brows met when I handed him his phone. Tinitigan lamang niya ito. Pasimple akong umirap. "Hindi ko gusto ang tugtog."

Naningkit ang kanyang mata. Maya-maya'y umarko ang gilid ng kanyang labi. " Ayaw mo o hindi ka lang sanay?"

Damang-dama ko ang pang aasar sa tono niya. "Come on, wala pa akong nakitang figure skater na gumamit ng ganyan kabilis na beat. Hiphop is different with figure skating, Jaro."

Nagpakawala siya ng mahinang tawa saka nagpakulambaba sa isa niyang kamay. "That's the point. Nobody ever tried to use this type of song. Kapag natutunan mo ito, you're gonna make history. You're gonna make your name remarkable. Isn't that what you want?"

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Well, he has a point, but the thing is, it's risky. Too risky.

Nagpakawala ako ng buntong hininga. "I get your point but I just can't risk my chance para lang magkaroon ako ng kakaibang performance. It's not that easy." Sapilitan kong kinuha ang kamay niya at ibinigay ang cellphone at earphone niya.

Hindi siya kumibo. Nang lingunin ko siya ay nakatitig siya sa akin habang may makahulugang ngisi sa kanyang labi. "What's with the smile, huh?" Umarko ang isang kilay ko.

He pouted as if he's trying not to laugh. Umiling iling siya. "Well, I thought you're stronger than that. I guess, you're just like everybody else. Tsk, tsk. Kaya bihira ang nagtatagumpay sa buhay, iilan lang ang may lakas ng loob na gawin ang mga bagay na imposible para sa kanila."

Umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Ano daw? I am what? God, the nerve of this guy!

Humalukipkip ako at umayos ng tindig. "Para sabihin ko sa'yo, mas malakas ako kaysa sa inaakala mo."

Muli siyang nagpakawala ng mahinang tawa. "I hope so, Hega. I hope so. Kung gusto mo talagang manalo sa nationals, you better consider this. Just like what I've said, stop following the crowd. Where's difference there kung nakasunod ka lang ng nakasunod sa iba? You better step out of your comfort zone or else you'll miss the only chance you have. Trust me, Helga."

Sinubukan kong kumalma. Ano bang alam ng isang ito sa ginagawa ko. I've been doing this for years tapos isang gaya lang niya ang magdidikta sa akin?

Dance For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon