Chapter 15
Malamig na simoy ng hangin, hampas ng alon, at ang malambing na boses ni Jaro ang gumising sa akin. Sinubukan kong kumurap ng ilang beses upang tuluyang magising ang aking diwa. Bumungad sa akin ang tipid na ngiti na nakaguhit sa kanyang manipis na labi.
"We're here." Untag niya.
Umayos ako ng upo 'saka dumungaw sa nakabukas na bintana ng van. Natanaw ko na sa di kalayuan ang mga kasama namin. Sa tabi nila ay ang karatulang may nakasulat na Welcome to Amaya Resort.
Awtomatikong lumandas ang matamis na ngiti sa labi ko nang mabasa ang nakasulat. Kaagad kong binalingan ang naghihintay sa aking si Jaro.
"Bakit hindi mo sinabing dito ang punta natin? Nasa Quezon ba tayo?"
Matipid lamang siyang tumango. Maya-maya'y nilahad na niya ang kanyang kamay. "Let's go. You don't wanna miss Champ's performance."
Ngumiti ako 'saka tumango.
"Okay."Kinuha ni Jaro ang bag ko at isinukbit iyon sa kanyang balikat. Bago pa man ako makakibo ay nagawa na niyang humakbang palabas ng van. Bumuga ako ng hangin bago lumabas.
"You don't have to do that. I can carry my things." asik ko.
Isang nakakalokong tingin ang ipinukol niya sa akin. Mayamaya'y ibinalik rin agad ang tingin sa mga kasama naming naghihintay sa harap ng gate ng resort.
"Nah. With that kind of body, I wonder how you manage to carry a bag this heavy."
Naningkit ang mata ko sa narinig.
"Kapal. Anong akala mo sa sling bag ko? Maleta?"
Isang mahinang tawa ang pinawalan niya. "Isn't it? Ano bang dinadala ng mga babae? Bakit ba ang bibigat ng bags niyo? your closet?"
Nagngitngit na ang mga ngipin ko dahil sa naging tugon niya. Muli siyang bumaling sa akin. nang makita ang itsura ko ay bigla na lamang siyang tumawa at pinisil ang dulo ng ilong ko.
"Stop doing that. You're making me feel something I'm not permitted to feel in the first place."
Tila pareho naming ikinagulat ang sinabi niya.Kaagad akong nag-iwas ng tingin nang binitiwan niya ang ilong ko. Nagpamulsa siya 'saka nagpatuloy sa paglalakad.
Limang hakbang na pero wala nang muling kumibo sa amin. Gusto kong magsalita ngunit sa twing ibubuka ko ang bibig ko, wala ni isang salita ang lumalabas. Nagmumukha lamang akong tanga dahil sa ginagawa ko.
"Mastah J!"
Sabay kaming napahinto nang marinig ang isang babaeng may hawak na bayong. Hindi ko maiwasang pasadahan ng tingin ang kanyang suot. Bumagay sa morena nitong kutis ang simpleng bulaklaking blusa at itim na pantalon. Matamis ang ngiting nakaguhit sa manipis nitong labi. Kapansin-pansin ang taglay nitong ganda ngunit hindi maitatago ng make-up na suot niya ang peklat sa kanang pisngi nito.
Sandaling nangunot ang noo ni Jaro. Tila sinusubukang alalahanin ang babaeng tumawag sa kanya ng Mastah J. Maya-maya pa ay unti-unting nagliwanag ang mukha nito. Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Ngiti na ni minsan ay hindi ko pa nasilayan sa tagal na naming magkakilala.
May kakaiba.
"Trixie?"
Lalong lumapad ang ngiti sa labi ng babaeng tinawag niyang Trixie. Masigla itong tumango 'saka patakbong lumapit kay Jaro. Walang anu-ano siyang umakap kay Jaro. Halos matapakan pa niya ang doll shoes ko dahil sa kakatalon niya habang nakayakap pa rin ng mahigpit kay Jaro.
Wala akong nagawa kun'di ang umatras palayo sa kanila. Nanatili akong nakatayo sa isang tabi, hindi malaman kung ano ang dapat maramdaman dahil sa nakikitang tanawin.

BINABASA MO ANG
Dance For Me
ChickLitShe will dance 'til the end of the song. He will move 'til the music stops playing. Sa pagtatagpo ng kanilang mga landas, ang sayaw nila'y magiging isa. But is love enough for them to keep grooving in destiny's dance floor? Photo credits to: Kimber...