Chapter 3

487 43 14
                                    

Chapter 3

Lutang ang isip ko nang isara ko ang screen door. Narinig ko ang unti-unting paghina ng tunog ng kotse ni Lovern senyales na papalayo na ito.

Nasapo ko ang noo ko. What was I thinking? He'll never see me the way I see him. I'll never be special in his eyes. That's the reality, the reality most people face in this damn world. We fall for people who doesn't deserve our attention pero kahit ilang ulit na tayong masaktan, bakit ba hindi tayo matuto-tuto? Why is it so hard for us to turn our backs on them?

Are we meant to be like this? Are we meant to feel this way until there's nothing left with us but our broken hearts? Life sucks...

Malamya akong nagtungo sa sofa at ibinagsak ang sarili. Tumitig ako sa maliit at lumang chandelier sa gitna ng salas. "Ilusyonada ka kasi..." Asik ko sa sarili.

Ipinikit ko ang aking mga mata at hinilot ang sintido pero kaagad na namang pumasok sa isip ko ang naging usapan namin habang nasa byahe.

"Pero kung sayo naman masasayang ang oras bakit hindi?"

Nalaglag ang panga ko sa narinig. My face turned red instantly. Nag-iwas kaagad ako ng tingin para hindi niya mahalata.

"Pero syempre para na kitang nakakabatang kapatid kaya hindi sayang, di'ba?" Ngumisi siya.

Tila kinurot ang puso ko sa narinig. Mapakla akong ngumiti.

"Yeah, kapatid." Tumawa ako habang umiiling. My heart got broken again by the same person.

They say life's a matter of choice. In every situation, you'll always have a choice. Maybe that does

n't work with me. May choice naman ako, kaso kahit alin doon ang piliin ko, ako pa rin ang talo. My choices will never make me happy. You will never be happy if you'll choose to love even if that person doesn't feel the same way. Bakit ba kasi ang kulit ko?

Piliin ko mang ihinto ang nararamdaman ko, imposibleng mangyari. How can you forget someone you see everyday? Para akong sinisintensyahan ng bitay sa twing nakikita ko siyang may kasamang iba pero ayon pa rin ako at tititigan pa siya--with a fake, wide smile on my face.

Tumayo na ako at nagtungo sa kwarto. Sa hagdanan ay nakasabit ang aming mga family picture, nung mga panahong buo pa ang pamilya namin, walang oras na nakakaramdam ako ng lungkot.

Huminto ako at tinignan ang litrato ni Papa kasama kaming tatlo, ako si kuya Howell, at ang panganay naming si kuya Harvey na nasa U.S. kasama ang aming tiya Mercy.

Napakatamis ng ngiti ni Papa dito. Pitong taon na rin ang lumipas nang mamatay siya dahil sa sakit. Simula nang mawala si Papa, hindi na rin namin nakita ni anino ng aming ina.

Nagtubig ang gilid ng mata ko nang maalala ang madilim na kabanata ng buhay namin. Alam kong may alam sina kuya sa nangyari sa Mama namin pero sa tuwing bubuksan ko ang usapang iyon ay nagagalit sila.

"Hindi dapat hinahabol ang mga taong piniling iwan ka..."

Iyon ang laging litanya ng mga kapatid ko. Malaki ang sakripisyo nilang dalawa para sa akin kaya alang-alang sa ikakapanatag ng loob nila, pinipigil ko na lang ang sarili kong magtanong.

Umakyat ako sa kwarto at dumiretso sa computer. Kaagad akong nagbukas ng facebook para kamustahin si kuya Harvey.

Sumulyap ako sa orasan, madaling araw pa lang doon kaya siguro offline pa si kuya.

Nagtingin na lamang ako ng kung ano-ano. Maya-maya'y naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Sinalat ko ito sa loob ng aking bag.

"Oh, Millen, napatawag ka?"

Dance For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon