Chapter 10

326 35 19
                                        


Chapter 10

Ang tatlong sunod-sunod na busina ng sasakyan ang pumukaw sa lumilipad kong isipan. Nilingon ko ang pulang vios sa harap ko. Unti-unting bumaba ang bintana nito sa driver's seat. Ang seryosong mukha ni Lovern ang bumungad sa akin.

Tinanggal ko ang earphones sa kanang tenga 'saka ako naglakad patungo sa kotse niya. "Si kuya?"

Umiling siya. "Sakay na. Mag-oovertime daw si Howell. Mamaya pa 'yon makakauwi. Ihahatid na kita."

Tumango na lamang ako 'saka umikot patungo sa shotgun seat kung saan madalas akong maupo ngunit bago ko pa man mahawakan ang pinto nito'y bumaba na ang bintana.

Halos malaglag ang panga ko nang makita ang matamis na ngiti ng babaeng nakapwesto roon. Tumama ang ilaw mula sa kalapit na street light sa kanyang mata. Her gray lenses suit her well. Di hamak na mas maputi ang balat niya kaysa sa akin at napaka itim rin ng umaalon niyang buhok.

"Oops. Is this your usual place? I'm sorry, I can move in the back if you wanted to."

Napalunok ako nang marinig ang malambing niyang boses. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa kanya. Di hamak na mas mabait siyang tignan ngayon kaysa noong nakaraang linggo na nakita ko siya sa ice range.

"No no, Ryzel. You don't have to move. Okay lang naman dyan kay Helga sa likod. Napipilitan lang naman 'yang umupo rito sa harap kapag kami lang dalawa ang nakasakay. 'Di ba, pre?" Ngumisi si Lovern sa akin.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig. Pwede ko bang sabihin sa'yo ngayong hindi ako napipilitan? Na gustong-gusto kong sa harap nakaupo para mas malapit ako sa'yo? Syempre hindi. Kahit kailan, hindi.

Pilit akong ngumiti sa kanila bago ako tumango. Mabigat ang mga paa ko habang humahakbang patungo sa likuran. Nang tuluyan na akong makapasok ay pinaandar na ni Lovern ang sasakyan.

Para akong hindi makahinga habang nasa byahe. The way Lovern look at her, the way he laugh everytime she tries to crack a joke, the way he calls her name, makes me wanna jump out of this damn car.

Ano ba sila? Bakit hindi naman siya nababanggit ni Lovern? Dati naman kapag may chics siya, todo kwento siya sa akin.

May nagbago ba o sadyang masyado ko lang binigyan ng kahulugan ang mga simpleng bagay na ginagawa niya para sa akin? Bakit ba kasi ugaling-ugali ng babae ang umasa? Sana naging lalake na lang ako para kayang-kaya kong sabihing gusto ko siya.

Tinanaw ko ang labas ng kotse. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ngunit usad pagong pa rin ang trapiko. Sa di kalayuan ay nakita ko ang mall. Sinulyapan ko si Lovern na abalang makinig sa ikinikwento ni Ryzel. Ang hirap huminga kapag ganito.


Lumunok muna ako bago umubo-ubo. Tinignan ako ni Lovern gamit ang rear view mirror. Nakakunot ang kanyang noo na tila nagtatanong.

"Ahm, bababa na ako rito. Nakalimutan kong bumili ng kailangan ko para bukas." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang pangangatal nito. Sandali siyang hindi kumibo. Si Ryzel naman ang lumingon sa akin.

"Are you sure? We can wait for you, right Love?" Ani nito 'saka ngumiti.

Parang sinaksak ang puso ko sa narinig. Love? Ano ba iyon? Pet name? I can't take this anymore.

Kahit na halos hindi ko na magawang sumagot ay pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Matipid akong ngumiti kay Ryzel. Nakikita ko sa peripheral vision kong nakatitig sa akin si Lovern ngunit hindi ko siya inintindi. 

"Hindi na kailangan. Balak ko ring mamasyal tutal matagal na akong hindi nagmalling." Dinampot ko na ang gamit ko at sinamantala ang trapiko. "Sige, bye." Narinig ko pa ang pagtawag ni Lovern sa pangalan ko bago ko tuluyang maisara ang pinto. 

Dance For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon