Chapter 13

377 23 11
                                        

*kapag nariyan ka bumabagal ang ikot ng mundo. Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso...*

Mahina akong napamura nang marinig ang malakas na tugtuging nagmumula sa sala. Napakahapdi pa ng mga mata ko. Sinalat ko ang alarm clock ko sa ibabaw ng mesa.

"Holy shit!"

Napabalikwas ako ng bangon nang makitang alas otso y media na pala ng tanghali. Imposibleng nagloko ang alarm clock ko. Ni minsan ay hindi pa ito pumalya. Alas singko ng umaga pa man din ang training. Ipinatong ko itong muli sa mesa 'saka dali-daling tumakbo sa ibaba. Naabutan ko si kuya na naglalampaso ng sahig. May papikit-pikit pa itong nalalaman habang sinasabayan ang kanta.

Lumapit ako sa speaker at hininaan ito. Dismayado siyang bumaling sa akin. "Tss. Chorus na, bunso! Wrong timing ka talaga."

Mahina akong tumawa. "Pinakeelaman mo ba 'yong alarm clock ko, kuya? Bakit hindi tumunog?"

Tumayo siya ng maayos 'saka kinuha ang baso ng juice mula sa center table. Sandali siyang uminom ng kaunti bago nagsalita. "Oo. Para hindi maabala ang tulog mo."

Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Kuya naman! May training ako ngayon!"

Muli siyang uminom ng juice 'saka inilapag ang baso sa mesa. "Wala daw sabi ni Millen. Tumawag siya kanina. Wala raw kayong training."

Kumunot ang noo ko. "Huh? Bakit biglaan?"

Dinampot na ni kuya ang balde na pinagpipigaan niya 'saka siya naglakad patungo sa kusina. Nakasimangot lamang akong sumunod sa kanya habang nakahalukipkip. Dumiretso siya sa lababo at naghugas ng kamay.

Pagpasok pa lamang sa kusina ay naagaw na kaagad ng isang basket na puno ng carrots ang atensyon ko. Kunot-noo akong lumapit dito. "Kuya, saan galing 'to?"

Narinig ko ang pagpatay ng gripo. Lumakad siya patungo sa akin 'saka siya sumandal sa mesa. "'Ba malay ko. Pagbukas ko ng pinto sa labas kanina, nandoon na 'yan. May note pa nga 'yan. Tignan mo sa pinto ng ref. Nilagay ko do'n." Untag niya bago dumiretsong muli sa sala.

Nabaling ang tingin ko sa ref. Kaagad kong natanaw ang kulay pink na papel na nakamagnet sa pinto nito. Lumapit ako sa lagayan ng baso at kumuha ng isa bago dumiretso sa ref. Kumuha na muna ako ng tubig bago ko tinignan ang note.

Kinuha ko ang note 'saka ako sumandal sa mesa.

"EAT CARROTS."

Unti-unting lumandas ang matamis na ngiti sa labi ko nang mabasa ang nakasulat. Hay, Jaro. Siguradong sa kanya ito nanggaling. I can hear him shouting these words on my mind. What a grumpy old man. Dinaig pa ang nagmemenopause.

"Helga."

Halos tumalon palabas ng dibdib ko ang puso ko dahil sa gulat. Nabitiwan ko tuloy ang basong hawak ko at tumalsik ang isang bubog sa paanan ko. Sabay kaming napatingin ni Lovern sa dugong dumadaloy sa binti ko.

Bakas ang pag-aalala at lungkot sa mg mata niya. Humakbang siya palapit sa akin kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

"Tara. Doon ka muna sa sala." Tumindig ang mga balahibo ko sa batok nang marinig ang baritono niyang boses. Hindi na ako nakatanggi pa nang hawakan na niya ang likod ko upang igiya ako patungo sa sala.

Hindi ko siya magawang tignan nang tuluyan na akong makaupo sa sofa. Yesterday's memory is still fresh in my mind. Hindi ko man gustong isipin ay kusang pumapasok sa isipan ko ang masasakit na salitang binitiwan niya.

May dinukot siyang puting panyo sa kanyang bulsa at inilagay niya ito sa sugat ko. Maya-maya'y tumayo siya at tumalikod sa akin. Napabuga ako ng hangin. Bakit kami umabot sa ganito? Nasanay akong puro kalokohan lang ang umuubos sa oras namin pero ngayon, ano na? Parang nagkaroon ng malaking pader sa pagitan naming dalawa.

Dance For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon