Chapter 11
Nanatili ang tingin ko kay Lovern. Hindi maipinta ang mukha niya na tila ilang sandali na lang ay mananapak na siya ng tao. Umawang ang bibig ko ngunit wala ni isang salitang gustong lumabas.
Hahakbang sana ako palapit sa kanya nang maramdaman ko ang pagpisil ni Jaro sa balikat ko. Nabaling ang tingin ko sa kanya. Wala na ang kanyang masayang mukha. Napakablangko. Iyon lamang ang salitang naisip ko para ilarawan ang ekspresyong ipinapakita niya sa akin. Mahina siyang umiling. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa ginawa niya.
"Love, nandito ka lang pala."
Maya-maya'y isang pamilyar na tinig ang pumukaw sa atensyon ko. Napalingon ako sa kinatatayuan ni Lovern. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makitang nakapulupot sa kanyang braso ang kamay ni Ryzel. Hindi ko alam ang gagawin ko nang makitang nakatingin pa rin siya sa akin kahit kinakausap siya ni Ryzel.
Muli kong naramdaman ang pagpiga ni Jaro sa balikat ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Bahagya siyang yumuko upang maabot niya ang tenga ko. "Let's eat. Kanina pa ako nagugutom. Come on." Pagkasabi niya'y muli siyang umayos ng tindig 'saka matamis na ngumiti sa akin.
Parang tinutunaw ang puso ko. Sa isang iglap ay nawala ang sakit na gumapang sa katawan ko nang dahil kina Lovern at Ryzel.
Mahina akong tumango kay Jaro dahilan upang lalong lumapad ang ngiti sa kanyang labi. Nagsimula siyang maglakad habang naka-akbay pa rin sa akin.
Pigil ko ang hininga habang palapit kami sa entrada ng shop. Hangga't maaari ay ayaw kong iangat ang tingin ko upang hindi na makita ang titig na ipinupukol sa akin ni Lovern. Though I don't see it, I know he's staring sharply at me right now.
Patuloy kami sa paglakad hanggang sa malagpasan namin sila. Akala ko'y makakahinga na ako ng maayos ngunit hindi pala.
Mabilis na kinain ng malalaking hakbang ni Lovern ang distansyang nagawa namin ni Jaro. Tila tatalon palabas ng dibdib ko ang puso ko nang maamoy ko ang pabango niya. Ang matipuno niyang dibdib ang tanging nakita ko. Nagdadalawang isip akong tumingala para salubungin ang tingin niya.
"Sino 'to, Helga? Boyfriend mo? Alam ba ni Howell 'tong ginagawa mo?" Mahinahon ngunit puno ng awtoridad nitong sabi. Napalunok ako dahil sa narinig. Kung umakto siya'y dinaig pa niya ang mga kapatid ko.
Nag-angat ako ng tingin 'saka pilit nilakasan ang loob na tinitigan siya. "Kaibigan ko siya, Lovern. Wala akong masamang ginagawa kaya walang dapat ipag-alala ang kapatid ko."
Umigting ang panga niya. "May kaibigan bang ganyan? Sinong niloko mo? Baka naman ilang taon mo nang itinatago itong ginagawa mo kay Howell? Aba, Helga, baka naman ilang lalake na ang dumaan sa'yo?"
Tila nagpanting ang tenga ko sa narinig. Nag-alab ang sama ng loob ko, anong akala niya sa akin? Gano'n lang kadaling makuha? Iyon ba ang gusto niyang iparating? Ni minsan ay hindi ko naisip na pag-iisipan niya ako ng masama. Kaagad na tumama ang palad ko sa pisngi ni Lovern ng hindi ko namamalayan.
Natutop ko na lamang ang bibig ko matapos kong marealize ang nagawa ko. Masama ang titig na ipinukol niya sa akin nang muli siyang humarap sa akin. I can feel the pain and anger thru his eyes.
"S-sorry, Lover-"
Isa-isang nag-unahan ang mga luha ko sa pagbagsak habang pinagmamasdan ko ang likuran niyang unti-unti nang lumalayo. I felt a lump in my throat. Para bang hindi ako makahinga ng maayos. Maging ang mga kamay ko ay hindi ko maigalaw para punasan ang mga luha ko.
Never in my life na naisip kong magagawa ko iyon sa kanya, pero mas lalong hindi ko naisip na ganoon lang kababa ang magiging tingin niya sa akin. Isa't kalahating dekada na kaming magkaibigan. Kabisado na namin ang buhol ng bituka ng bawat isa--iyon ang akala ko.

BINABASA MO ANG
Dance For Me
ChickLitShe will dance 'til the end of the song. He will move 'til the music stops playing. Sa pagtatagpo ng kanilang mga landas, ang sayaw nila'y magiging isa. But is love enough for them to keep grooving in destiny's dance floor? Photo credits to: Kimber...