Chapter 5

486 57 18
                                    

Chapter 5

Namutla ang mukha ko nang marinig ang sinabi ni Billy. Makahulugang sumipol ang myembro ng Wolves. Ngumisi lamang si Jaro sa ginawa ng mga kaibigan. Sinamaan ko siya ng tingin nang humalukipkip lamang siya at tila walang pakeelam sa susunod na mangyayari.

"Excuse me? Anong ibig sabihin nang nasa papel?" Lumapit ako kay Billy.

Ngumiti siya sa akin. Maya-maya'y itinaas niya ang kanyang kamay at ipinitik iyon. Kaagad lumapit sa kanya iyong sexing babae. May dala-dala itong isang hoolahoop. Kumunot ang noo ko. Now what the hell are we gonna do with that thing?

Lalo pang nalukot ang noo ko nang lumapit sa akin si Billy at isinuot iyon sa akin. Maya-maya'y tumingin siya sa aking likuran at sumenyas. Umalingawngaw ang asaran at tilian sa buong paligid.

Nanlaki ang mata ko nang bigla na lamang lumusot papasok si Jaro. Siya ang humawak sa hoolahoop. Sobrang lapit namin sa isa't-isa dahil sa liit ng hoolahoop na ito. I can smell his perfume, and I can say na masarap itong amuyin hindi kagaya ng pabango ng ibang lalaki. Iyong sa kanya ay hindi gaanong matapang. Kahit halatang pinagpawisan siya kanina ay mabango pa rin ang katawan niya. Nagkamali ako, hindi siya amoy baha. 

Sinubukan kong mag-angat ng tingin ngunit nang masalubong ko ang kanyang nakakatunaw na titig ay namula na naman ang mukha ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Parang hihimatayin yata ako sa bilis ng tibok ng puso ko.

Nagsimulang tumugtog ang kanta, lalong nagsitindigan ang mga balahibo ko. Ang kaninang nagpapalpitate kong puso ay mas lumala pa ang tibok ngayon. Hindi ko alam at wala akong kaide-ideya kung anong gagawin namin.

"Anong ibig sabihin nito?" Kunot-noo kong tanong kay Jaro. Ngumis lamang siya at nagkibit-balikat. Naningkit ang mga mata ko. "Paanong hindi mo alam eh ang tagal mo na 'tong ginagawa?" Hindi ko na napigilan at inirapan ko na siya ngunit tanging mahinang tawa lamang ang iginanti niya. Tila aliw na aliw siya sa nakikitang pagkaasar ko.

"Basta, sumunod ka na lang sa akin. Akong bahala sa'yo." Nakangisi niyang sabi. Ngumuso ako at muli siyang inirapan. Kung alam ko lang na ito ang mangyayari, hindi ko an sana inoohan si Millen. Sa susunod nga ay hindi na ako sasama. Swerte pa ako ngayon at hindi kasing lala ng challenge ni Asia ang ipinagagawa sa akin.

Naramdaman ko ang pagtulak sa akin ng kung sino. Hindi ko iyon napaghandaan kaya nawalan ako ng balanse at nasubsob sa matipunong dibdib ni Jaro.

Tumayo ang mga balahibo ko sa batok nang alalayan niya akong makatayong muli ng maayos. Sandali ko siyang sinulyapan. Seryoso na ang kanyang titig sa akin. Unti-unting dumilim ang ilaw, at pakiramdam ko'y lalong lumabas ang ganda ng mga mata niya.

I can't help but admire his features. Napaka-soft lamang ngunit ang lakas talaga ng dating.May kung ano sa kanya na nagiging dahilan upang maging iba siya sa karamihan ng mga lalaki. He has the angst, the moves, and the face of an angel.

"Don't worry, you just have to dance. I will guide you, we will dance together." Naamoy ko ang kanyang mabangong hininga dahil sa sobrang lapit namin. Hindi na ako nakakibo. Tila wala akong naintindihan sa sinasabi niya. Ang tanging laman na lang ng utak ko ay masyado kaming malapit sa isa't-isa at hindi ako komportable ngayon.

Hinawakan niya ang isang kamay ko at ikinapit ito sa hoolahoop. May kung anong kuryenteng gumapang sa buong sistema ko nang magdikit ang mga balat namin. Nakakawindang ang pakiramdam na naidudulot niya sa akin.

Ang pamosong awit na Thinking out loud ang nagdagdag sa kabang nararamdaman ko. It's a love song, it's a freaking love song!

Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Lahat sila ay nakatutok sa aming dalawa ni Jaro at tila naghihintay ng susunod naming gagawin.

Dance For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon