Chapter 12

356 31 12
                                        


Chapter 12

Nakatutok ang mga mata ko sa mga paa naming halos sabay kung humakbang. Nag-angat ako ng tingin. Nakatingin pala siya sa alapaap. Pasado alas syete y media na ng gabi kaya napakadilim na ng langit at tanging ang mga bituin lamang ang nagsisilbing ilaw. Nilingon ko ang karagatan. Napaka-kalmado nito. Kung hindi lang bawal siguro lumalangoy na ako doon ngayon. Sa ngayon ay makukuntento na muna ako sa sariwang hanging dala nito.

"When I don't feel okay, pumupunta lang ako rito. This place is like a sanctuary for me. Everything's at peace. All I can see is beauty." 

Nabaling ang tingin ko kay Jaro. Nakatitig na siya ngayon sa karagatan habang may matipid na ngiti sa kanyang labi. "This place is a masterpiece... So, beautiful... Like you." Untag nito 'saka ibinaling ang tingin sa akin.

Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang naramdaman ang pagkiliti sa tyan ko. Tila kuryenteng gumulat sa buo kong sistema ang huling dalawang salitang lumabas sa bibig ni Jaro.

Nag-iwas ako ng tingin 'saka kunwari'y tinignan ang relos ko. "Late na pala. May training pa ako bukas."

"Even Sundays nagti-training ka?" Seryoso nitong tanong. Muli ko siyang binalingan. Wala na ang ngiti sa labi niya. Ang lukot sa kanyang noo at ang galit niyang ekspresyon ang tangi kong nakikita. 

Lumunok ako bago mahinang tumango. "Kailangan eh."

Umiling-iling siya 'saka maya-maya'y bigla na lang binaliktad ang sumbrero. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Ibinabaliktad lang niya ang sumbrero niya kapag galit siya. 'Yon ang sabi sa akin ni Millen.

Muli niya akong pinukol ng galit na titig. "Uso pa ang pagmamahal sa sarili, Helga. Don't take it too seriously." Nagpamulsa ito 'saka naglakad patungo sa pinakamalapit na bench. Pasimple lamang akong sumunod upang makaupo.

"I need to take this seriously, Jaro. This is my last chance. Besides, this is the only thing I want to take seriously. Nothing else." Kinagat ko ang ibabang labi ko. Why the hell am I explaining myself to him? Kapatid ko ba siya? Jowa? Hindi naman. 

Kunot-noo pa rin siya nang balingan niya ako. Tila gulat na gulat siya sa narinig ngunit maya-maya'y biglang tumaas ang isang kilay niya at lumandas ang mapanuyang ngisi sa kanyang labi. 

"Really? That's the only thing you want to take seriously? Why?" May kung ano sa tono ng pananalita niya. Hindi ko na rin napigilan at tuluyan na ring umarko ang isang kilay ko.

"Because this is the only thing I know will take me seriously. Well, not literally. I mean, I believe that once you fight for your dream, your dream will fight for you, too."

Kitang-kita ko kung paanong lumapad ang ngiti sa mga labi niya matapos marinig ang sinabi ko.  Umiling ito 'saka inayos na ang pagkakasuot sa kanyang sumbrero. Nagdekawatro ito 'saka muling bumaling sa akin. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko mabasa. 

Nakita ko kung paanong gumalaw ang kanyang adam's apple matapos siyang lumunok. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Naramdaman ko na naman ang pamilyar na kuryenteng siya lamang ang nakapagdudulot sa akin.

"What about me? Can I take you seriously, too?" Deretsahan nitong tanong habang nakatitig pa rin sa mga labi ko.

Umawang ang bibig ko dahil sa narinig. Ramdam na ramdam ko na ang pag-init ng mga pisngi ko pero ang tangi ko lang nagagawa ngayon ay ang ibuka ang bibig ko kahit ni isang salita ay wala namang gustong lumabas. My heart's pounding so fast. Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga ng maayos. He's driving me nuts again. Ano na naman ba ang gusto niyang iparating?

Dance For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon