Chapter 2: Jacket
"Bunso, teka lang traffic eh."
Napairap ako nang marinig ang bungad ni kuya nang tawagan ko siya. Tumingin ako sa langit, hindi pa rin tumitigil ang ulan, isang oras na akong stranded sa waiting shed ng school.
"Basta hintayin mo lang ako. 'Wag kang magpapaulan."
"Oo na, kuya. Dalian mo ha?" Iritado kong ibinaba ang tawag saka tinago ang cellphone ko sa bulsa ng aking jacket.
Ilang minuto pa ang lumipas at lalong lumakas ang ulan. Sa di kalayuan ay may natanaw akong dalawang lalaking tumatakbo palapit sa shed upang makasilong.
Pamilyar ang dalawang lalaki, ang isa'y si Dustin at ang isa naman ay ang kanyang hambog na kaibigang si Jaro. Pareho silang naka v-neck shirt lang. Basang-basa na ang katawan nila.
Bumalik na naman sa alaala ko ang pamimintas niya sa choice of song ko noong nakaraang linggo. Nang umalis ako upang magbanyo ay tumakas na ako paalis at nagrason na lang kay Millen na sumama ang tyan ko. Hindi ako kasing galing niya sa pagtatago ng inis.
Nang malapit na sila sa amin ay agad akong nag-iwas ng tingin at nagkunwaring hindi sila nakita. Kumalabog ang puso ko nang maramdaman ang pagtayo ng pamilyar na presensya sa tabi ko. Ang hinga niya ay malalalim at tumutulo ang basa sa kanyang katawan.
"Hey."
Napalunok ako nang marinig ang malambing niyang boses. Kunot-noo ko siyang nilingon. Seryoso lamang ang kanyang mukha at bahagya pang namumutla dala ng lamig.
Bumagsak ang kanyang buhok dahil sa basa nito, and I can't deny the fact that he looks damn hot.
"Pre, punta na ako sa klase ko. Hindi pwedeng umabsent eh." Napalingon kami pareho sa nagsalitang si Dustin. Ngumiti lamang siya sa akin bago tuluyang nagpaalam sa kaibigan.
Napabuga ako ng hangin. Bakit ba kasi nandito itong isang ito hindi naman siya dito nag-aaral? Ang layo ng Saint John sa Eastern.
Muli akong yumuko at pinagmasdan ang basa kong doll shoes.
Napansin ko ang pagyakap niya sa kanyang sarili nang umihip ang malakas na hangin.
"May app ka ba ng grab? Tumirik kasi kotse ko."
Muli akong napabaling sa kanya. Nakahalukipkip siya at halatang nilalamig. Muli akong yumuko. Hindi ko kayang titigan ang kanyang mapungay na mga mata, pakiramdam ko nanliliit ako.
Inilabas ko ang cellphone ko at ibinigay sa kanya.
"Thank you." Aniya. Hindi na ako kumibo pa. Pinagmasdan ko na lang ang pagbagsak ng milyun-milyong butil ng ulan. Napakalamig ngayon. May bagyo kaya? Ilang araw na ring ganito ang panahon. Mabuti na lang at naisipan kong palaging magtabi ng payong at jacket sa locker ko.
"Here, salamat." Inabot na niya ang cellphone ko ngunit hindi pa rin ako nagsalita.
Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. "By the way, I'm sorry if you've got offended on what I've said last week. I didn't mean to make you feel that way."
Bumuntong hininga ako. "Okay lang. Mabilis lang talaga akong mainis."
"Pansin ko nga." Mahina siyang tumawa. Napalingon ako sa kanya. He's looking at me habang may matamis na ngiti sa kanyang labi. Namula ang pisngi ko. May kung anong kumiliti sa aking tyan dahil sa ngiti niya.
"Ahm, may nakuha ka bang cab?" Nilihis ko na ang tingin ko. Nakakahiya amg pamumula ng aking pisngi.
"Yeah, kaso mga twenty minutes pa bago dumating." Walang gana niyang sabi. Maya-maya'y inilabas niya ang kanyang cellphone. Nanlaki ang mata ko.

BINABASA MO ANG
Dance For Me
ChickLitShe will dance 'til the end of the song. He will move 'til the music stops playing. Sa pagtatagpo ng kanilang mga landas, ang sayaw nila'y magiging isa. But is love enough for them to keep grooving in destiny's dance floor? Photo credits to: Kimber...