Chapter 14
"Your eyesight doesn't require you to wear glasses BUT you need to take some supplements para maagapan na rin natin ang paglabo ng paningin mo."
Pumilas si Dr. Aromin sa kanyang prescription paper 'saka itinuon doon ang buong pansin. Naramdaman ko ang pagpiga ni Jade sa palad ko. Matamis ang ngiti niya sa akin nang balingan ko siya.
Marahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok kong napunta sa mukha ko 'saka iyon inipit sa aking tenga.
"See? It's nothing, Jade." Untag ko.
Nagpakawala siya ng buntong hininga. "At least nalaman natin, hindi ba?"
Pilit akong ngumiti 'saka marahang tumango.
Isang linggo na rin akong kinukulit ni Jade na magpakonsulta. Madalas na kasi ang pagsumpong ng sakit ng ulo ko dala ng panlalabo ng mga mata ko. Ayaw ko sana pero noong nakaraang araw na muntik na akong mabuwal sa gitna ng practice ay napagdesisyunan ko nang pumayag sa gusto ni Jade.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko nang igiya na kami ng assistant ni Dr. Aromin palabas ng clinic.
Pagdating namin sa labas ay kaagad nagpalinga-linga si Jade upang humanap ng taxi. Panay ang paypay niya sa sarili habang nakaangat ang isang braso.
"Didiretso na ba tayo sa inyo?" Untag niya habang diretso pa rin ang tingin sa mga dumadaang sasakyan.
Bago ko pa man siya masagot ay naramdaman ko na ang pagvibrate ng cellphone ko. Kinapa ko ito sa loob ng sling bag ko.
"Kasama ko na si Millen. Nasa main gate lang kami ng EU, granny." -Grumpy Grandpa
Magtitipa pa lamang ako ng reply nang muling magvibrate ang cellphone ko.
"P.S. I brought some home-made juice. Carrot flavor. LOL" -Grumpy Grandpa
Hindi ko napigilan ang mahinang tawang pilit kumawala sa bibig ko. Nanatili ang malapad na ngiti sa labi ko habang nagtitipa ng isasagot ko sa text ni Jaro.
"Helga, sino 'yan?" Mahinahon ngunit tila may kakaiba sa tono ni Jade. Bahagyang nakakunot ang kanyang kilay ngunit wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya.
Sandaling nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa cellphone ko. Nang muli itong magvibrate ay isinilid ko na lang ito ulit sa bag ko 'saka pilit na ngumiti kay Jade.
"Ah, wala. Kaibigan lang." Untag ko 'saka lumingon sa mga dumaraang sasakyan. Sakto namang may paparating na taxi.
"Ayan na pala, Jade. Tara na."
PAgkahinto ng taxi ay kaagad kong binuksan ang pinto sa likuran ngunit napansin kong hindi natinag si Jade sa kinakatayuan niya.
Bahagyang kumunot ang noo ko sa ipinapakta niya. "Jade? Ayos ka lang ba?"
Ilang segundo pa siyang nanatiling nakatitig lamang sa akin. Nang hahakbang na sana ako papalapit sa kanya ay doon lamang siya kumibo.
"Pupuntahan ko na muna si Lovern sa ospital. Naalala ko, hiniram nga pala niya 'yong paborito kong album."
Bago pa man ako makakibo ay tumakbo na si Jade palayo. Gusto ko sana siyang habulin ngunit napansin ko ang galit na ekspresyon ng driver ng taxi.
Pumasok na ako at tinanaw na lamang mula sa bintana ang papalayong si Jade.
Anong nangyari do'n?
Hindi maalis sa isip ko ang ipinakita sa akin ni Jade. Ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang nagkaganoon. May problema kaya siya? Nagseselos kaya siyang may mga bago akong kaibigan? Siguro nga ganoon dahil dati ay nagselos din siya noong nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Kung sabagay, bestfriends kami. Kahit siguro ako ay ganoon din ang mararamdaman.

BINABASA MO ANG
Dance For Me
ChickLitShe will dance 'til the end of the song. He will move 'til the music stops playing. Sa pagtatagpo ng kanilang mga landas, ang sayaw nila'y magiging isa. But is love enough for them to keep grooving in destiny's dance floor? Photo credits to: Kimber...