Chapter 8
Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin ang huling sinabi ni Jaro. Idagdag pa ang huling mga salita niya bago siya tuluyang umalis. He drove me home kahit na nagpumilit akong magcommute. Maybe he's just doing some "kawang-gawa" that's why.
"Success means being the person you really wanted to be. If it's just other people's will, then it's not success at all, it's just a title, Helga. Nothing but a title."
He looks so carefree pero ang mga prinsipyo niya sa buhay ang nakakagulat. I never met someone like him. Napakafirm ng paninindigan niya sa mga bagay bagay.
Days passed na naging abala ako sa eskwela dahil malapit na ang sem break namin. Di tulad ng mga may dalawang semester lang sa isang taon, ang Eastern ay trimester kaya mas maaga ang aming sem break.
Pagdating ng linggo ay day off ni kuya at ni Lovern. We've never seen each other for about two weeks. Marahil naging abala siya sa trabaho kaya hindi siya nakakapunta sa bahay para makipaglaro ng basketball kay kuya.
Alas nwebe na ng umaga nang maisipan kong bumaba at mag-almusal. Sa hagdan pa lang ay nadidinig ko na ang tunog ng bola at ang kantyawan nina kuya mula sa maliit na half court sa tapat ng bahay namin.
Kinuha ko ang cereals at nag init ako ng gatas. Habang naghihintay na uminit ang gatas ay naramdaman ko ang mga yabag papalapit sa kusina. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.
Narinig ko ang pagbukas ng kabinet at ang tunog ng nag-umpugang baso. Nasulyapan ko si Lovern na kumukuha ng tubig sa dispenser. Tila ba lumiit ang kusina para sa akin. Hindi ko siya kayang tignan. Ano pa bang bago? Simula noong narealize kong hindi na lang kuya-kuyahan ang tingin ko sa kanya, naging ganito na ako.
Naramdaman ko ang paghakbang niya palapit sa akin. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang magdikit ang mga balikat namin. Jusko, masikip ba ang kusina?! Bakit hindi ako makahinga ng maayos?
Tumikhim siya.
"Kumukulo na 'yan, pare."Tumindig ang mga balahibo ko nang marinig ang kanyang boses. Unlike Jaro, mas deep ng kaunti ang boses ni Lovern. Wow. Did I just compared them? Great.
Tila wala ako sa sariling hinawakan ang handle ng takore gamit ang kamay ko. Huli na nang mapagtanto kong mainit nga pala ang hahawakan ko. "Aray!" Halos pumalahaw ako dahil sa sakit.
"Shit! Shit!" Mura niya. Mabilis niyang inagaw ang kamay ko at itinapat iyon sa gripo. Nawala bigla ang hapdi ng napaso kong palad. Dahil sa tubig o dahil hawak niya ang kamay ko?
Natulala lang ako sa kanya. Nakakunot ang kanyang pawisang noo. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siya. I never thought he'll be this cute kapag may nakatuping panyo na nakatali sa kanyang ulo. Ang iba kasing may gano'n nagmumukhang albularyo.
"Huwag mong lalagyan ng toothpaste ito ah? 'Hindi totoong gagaling ito kapag nilagyan ng toothpaste. Lalo lang lalala. Nasaan ba nilagay ni Howell ang medicine kit?" Hindi pa rin nawawala ang iritasyon sa boses niya.
Nanatili ang tingin ko sa kanya at para bang hindi ko naintindihan ang kung anumang sinabi niya.
Lumingon siya sa akin nang inulit niyang muli ang sinasabi pero hindi pa rin ako sumagot. Nadako ang mata niya sa labi kong may maliit na ngiti. Unti-unting nawala ang kunot sa kanyang noo at ang labi niya'y dahan-dahang umarko.
"'Wag mo kong tignan ng ganyan, pare. Baka isipin kong may gusto ka sa akin." Malumanay at mapanuya ang kanyang tono. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Kaagad kong binawi ang kamay ko 'saka ako nagtatatakbo patungo sa kwarto.

BINABASA MO ANG
Dance For Me
ChickLitShe will dance 'til the end of the song. He will move 'til the music stops playing. Sa pagtatagpo ng kanilang mga landas, ang sayaw nila'y magiging isa. But is love enough for them to keep grooving in destiny's dance floor? Photo credits to: Kimber...