Chapter 1

714 49 18
                                    

Chapter 1: Pretty boys

Malakas na tugtugin ang bumungad sa amin pagpasok ng bar. Nakakahilo ang malilikot at patay sinding ilaw.

The whole place is  inspired by Greek culture. Ang pwesto ng dj ay may dalawang posteng may ukit ng greek design. Maging ang mga mesa ay tila maliliit na bersyon ng posteng nasa pwesto ng dj. Ang ceiling ay purong salamin. Dominated din ang lugar ng asul at itim.

Amoy na amoy ko ang sigarilyo sa bawat mesang lalampasan namin.

Mula sa itaas kung nasaan ang VIP area, tanaw na tanaw namin ang napakaraming tao sa dance floor. Masaya nilang sinasabayan ang kanta.

"Dito tayo, Helga." Hinawakan ni Millen ang braso ko at iginiya ako papunta sa mahabang sofa. Nasa gitna nila ako ni Eula na napag-alaman kong girlfriend pala ni Troy.

Huling pumasok ang mga lalaki ngunit wala si Jaro. Iniabot ng waiter ang menu sa amin ngunit hindi na ako nakisali sa pag order. Wala rin akong alam sa mga inumin dito. Ang tanging alak lang na natikman ko ay iyong light beer na pinuslit ko pa kay kuya noong huling kaarawan niya.

Dumating ang pulutan naming sea foods at korean foods. Apat na tower drinks din ang inilapag sa mesa. Napasipol si Troy. "Millen, ikaw nag-order 'no?"

Ngumisi si Millen. "Paano mo nalaman?"

"Zombie na naman ang flavor eh. Kaumay na, Len, magsawa ka naman." Humalakhak si Troy. Maging si Aljur ay natawa dahil sa sinabi ng kapatid.

Umirap lamang si Millen at imbes sumagot ay kinuha na lang nito ang baso at nilagyan ng inumin. Inabutan niya ako ng isang basong may laman nang alak 'saka siya ngumiti. "Congrats, ice darling. Cheers to our victory."

Inumpog niya ang kanyang baso sa baso ko. Ganoon din ang ginawa ng iba saka namin sabay-sabay na tinungga ang aming mga baso.

Ngumiwi ako nang matikman ang pait ng alak. Ibinaba ko kaagad ang baso. Bahagya silang natawa nang makitang wala pang kalahati ang nainom ko.

"After this shot sayaw na tayo?" Untag ni Eula. Tumango ang mga kasama namin. Bumaling ang atensyon nila sa akin nang hindi ako sumagot.

"Ahm, mamaya na siguro ako?" Nahihiya kong usal.

Ngumisi si Millen 'saka ininom ang natitirang alak sa kanyang baso pagkatapos ay inilapag niya ang baso sa mesa. "Nah, bawal ang kj."

Hinila niya ang kamay ko saka siya naglakad patungo sa dance floor. Sina Wennie at Eula ay nakabantay sa likod ko kaya wala na rin akong nagawa kun'di ang sumama sa kanila.

Bago kami tuluyang bumaba ay sandali kaming huminto sa veranda para silipin ang nangyayari sa dance floor. Nakarinig kami ng anunsyo at hiyawan ng mga tao.

"Sinong magshoshowdown?" Ani Millen.

"Wolves at Beat Masters daw." Ani Aljur na siyang pinakamalapit sa veranda.

Kumislap ang mga mata ni Millen. Makahulugan silang nagkatinginan nina Eula at Wennie.

"We shouldn't miss this. Magandang laban ito." May excitement sa boses ni Wennie.

Maya-maya'y inaya na nila akong pumunta sa dance floor. Hinila ako ni Millen upang makasiksik kami sa pinaka-unahan. Halos takpan ko ang mukha ko dahil ilang beses na akong muntik masiko.

Umawang ang bibig ko nang tuluyan na kaming napunta sa pinakaharap. Iyong si Jaro ay kasali sa grupong tinatawag na wolves. Doon ko lang napansing may tatak na wolves sa likod ng kanyang jacket.

"Woooh! Go wolves!"
Malakas ang cheer ni Millen. Nagflying kiss pa ito sa isa sa myembro ng wolves.

Nagsimula ang tugtog kaya lalong nag-ingay ang mga tao, akala mo ay nanonood sila ng isang NBA championship game sa lakas ng cheer nila sa kanilang mga pambato.

Dance For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon