Chapter 9

386 35 12
                                    

Chapter 9

Dinampot ko ang libro ko at isinilid ito sa aking bag. Sakto namang nagvibrate ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang makita sa screen ang isang hindi pamilyar na numero.

"Hello?"

Muli kong inulit ang paghello ngunit tanging malalalim na paghinga lamang mula sa kabilang linya ang tangi kong nakuhang tugon bago naputol ang tawag. Lalong nalukot ang noo ko. "Sino kaya 'yon?"

Ipinilig ko ang ulo at inisip na baka nawrong dial lamang iyon.

Dumiretso ako sa ice range para magpractice kahit na wala kaming schedule ng training kay coach. Mabuti na itong handa ako kesa mapapahiya na naman ako sa kanya.

Kinuha ko ang cellphone at headset ko bago ako tumapak sa yelo. May ilang chikiting na nagsasanay ng basics. Hindi ko maiwasang ngumiti. Naalala ko ang mga panahong tinitipid namin nila kuya ang baon namin para lang may ibayad ako ng workshop. Laking pasalamat ko na lang talaga at mabilis akong matuto.

Tumabi muna ako sa gilid para pumili ng magandang kanta. Napapamura ako nang makitang puro Disney theme song ang laman ng playlist ko. Ganito ba ako kaboring na tao at kahit isang masigla sigla at akma sa edad kong kanta ay mayroon man lang ako?

Ibinulsa ko na lang ulit ang cellphone ko. Nakakatawa. Kailan pa ako nanawa sa mga awit na nakasanayan kong sayawin? Siguro ay masyado na akong naaapektuhan sa mga sinasabi ni Jaro.

Speaking of Jaro...

Napalingon ako sa pinakataas na bleacher malapit sa control room ng ice range. Nalaglag ang panga ko nang makita si Jaro na prenteng naka upo doon at deretso ang tingin sa akin. Ang dalawang kamay niya ay nakapasok sa bulsa ng kanyang itim na hoodie. Himala yatang hindi siya nakasumbrero ngayon? Medyo messy ang kanyang buhok pero napakalakas pa rin ng dating. May araw kayang panget ang lalaking 'to?

Unti-unting umarko ang gilid ng kanyang labi. Napalunok ako nang matanaw ang kanyang nakakalokong ngisi. Tumaas ang kilay ko. Ano na naman bang ginagawa nito dito? Stalker ba ito at alam niya kung kailan ako nandito?

"Okay, that's all for today, kids. I'll see you again next week."

Nabaling ang atensyon ko sa babaeng nagtuturo sa mga bata. Kung tatantyahin ay parang hindi naman nagkakalayo ang edad namin. Mas matangkad nga lang siya at ang kanyang buhok ay hanggang bewang. Masaya siyang niyapos at kinawayan ng mga batang tinuturuan niya. Napasulyap siya sa direksyon ko. Pilit akong ngumiti ngunit iniwas niya kaagad ang tingin sa akin.

Bahagya akong nakaramdam ng pagkapahiya at inis. Doesn't she know that's rude?

Nagskate na lamang ako upang alisin ang nararamdaman. Nilingon ko ang pwesto ni Jaro kanina. Wala na siya roon. Siguro ay nabagot na o sadyang dumaan lang at naisipang tumambay. Siguro coincidence lang na madalas kaming magkita dito.

Siguro gano'n nga...

"Hey, disney princess."

"Ay gwapo!" Napuno ng tili ko ang buong range nang mawalan ako ng balanse at kamuntikang bumagsak sa sahig ngunit sa kabutihang palad, may tila kamag-anak ni flash na sumulpot na lang bigla sa tabi ko at sinalo ako.

"Are you okay?" Nakakunot ang kanyang noo at ang kanyang mga mata ay tila alalang-alala.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang mapulang labi. Umawang ang bibig ko ngunit tila may nagbara sa lalamunan ko. Ni isang salita ay walang gustong lumabas.

"Okay ka lang ba, Helga?" Nakataas na ang kanyang kilay.

Tila natauhan ako bigla. Tumayo ako at mabilis na nag-iwas ng tingin. Damang-dama ko ang init ng mukha ko.

Dance For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon