Stellar Academy
A School Of Magic
By: JeRein_14✴ ✴ ✴
Chapter 4: First Day's Luck?
Alli's POV
Start na ng first day ko ngayon. I had been staying in this school for 4 days now. And so far, wala pa kong bagong nakikilala bukod kina Jella at Lynne. Mabait naman yung dalawa. Tinutulungan nila ako na mag-adjust dito. Kaloka kasi ng mga nakikita ko dito. Imagine mo na lang, habang naglalakad sa hallway, may mga lumilipad na estudyante at bagay. I almost fainted in shock nung nakaencounter ako ng ganun. Buti na lang kasama ko sina Jella.
"Ready ka na, Alli?" Dumungaw si Lynne sa pinto ng kwarto ko. Ningitian ko naman siya at tumango. Mistulang nagningning yung mga mata niya nung nakita niya kong suot yung uniform namin.
"Bakit? Di ba bagay?" Tanong ko habang iniinspect ko yung uniform ko. Cute yung style. Parang inspired sa Korean or Japanese uniform. Nakablack coat, white polo shirt, blue necktie, blue checkered skirt na 2 inches above the knee, black knee socks at black shoes ako. Personally, i think the uniform looks cute. Di ko lang aalam kung bagay sakin or hindi.
"Are you kidding me, Alli?! Mukha ka kayang doll! Bagay sayo!" Namula naman ako sa compliment niya. Hindi kasi ako sanay na kinocompliment or pinupuri. May i have to remind you that i used to be a bully target? Siguro ang tanging nakakaappreciate ng beauty ko ay sina Mama, Papa, Cassy at Faye. Di ko na isasama sina kuya Arc at Aries. Grabe kasi nila ko laitin noon!
"Eh? Di naman ata." Pagdedeny ko. Hahaha, nagmamaganda lang po!
"Tch. Nonsense. Bumagay kaya sayo yung uniform natin! Lalo pa't nakanerdy glasses ka! Wwwaaahhhh! Ang kyut-kyut mo!" Pinangigilan ni Lynne yung pisngi ko. Naka big nerdy glasses nga ako, walang make-up at nakalugay yung halos hanggang bewang kong dark brown hair.
"Tara na nga lang! Baka maniwala pa ko sayo. Malalate na rin tayo!" Lumabas na kami ng kwarto ko. Nakifa namin si Jella sa lamesa at nalamon na. Di man lang nag antay? Pinuri din niya yung ayos ko. Ang ganda-ganda ko daw. Syempre dineny ko lahat. Pero sa loob-loob ko, tuwang-tuwa ako. Pagpasenysahan na. Minsan lang to. Pagbigyan na..
Matapos namin kumain ay agad kaming nagtungo sa room namin. Tulad nga ng sabi nila, magkaparehas kami ng section. Kaming tatlo ay belong sa 3-Canis Major. Buti na lang talaga. At least may kakilala ako dito at di ako magmukhang loner.
Pagpasok namin ng classroom ay agad napawi ang relief sa kin. Bukod sa magulo ang section, maingay at makalat pa. Shocks, room ba talaga to? Mas bagay atang term ang war zone dito.
"That's enough, kids! Settle down and go back to your seats. Have some shame. We have a new student over here!" Nagitla ako nung may nagsalita sa likod namin. Isa siyang teacher na mukhang terror at masungit. Wwaahhh! Medyo matangkad, morena, nasa late 30's na siguro, payat, mataas at halatang ginawa ang kilay, at nakasalamin din siya. Grabe. Mas nakakaintimidating pa ata ito kay Miss Mitchin!
BINABASA MO ANG
Stellar Academy (School Of Magic)
FantasyStellar Academy A School of Magic By: JeRein_14 ✴ ✴ ✴ Description: Isa lamang siyang normal na babae. At least yun yung pagkakaalam niya... Lahat ng paniniwala niya, biglang nagbago ng dahil sa isang aksidente at sulat. Sa isang iglap, naglah...