Chapter 16: Threatened

252 14 2
                                    

Stellar Academy
School of Magic
By: JeRein_14

✴ ✴ ✴

Chapter 16: Threatened

Alli's POV

"Am I wrong to believe that Mr. Caspian had already brief you of the basic things to know such as the Noble families and Royal Descendants?" Panimula ni HM Orlando.

"That I'm a descendant of Neptune? Yes. Na-explain na po ni Aries sakin."

"Good. Mas mapapadali na ang pag-eexplain ko. I'll go straight to the point, Arissa Llizane. Apparently, someone is after your life." Napalunok ako sa kaba sa mga salita niya. Ok.. Masayadong straight to the point. Pwedeng magpaligoy, kahit konti lang? Ang hirap naman ata i-take in nun.

"W-What?"

"That shark your classmate summoned was sabotaged and you were purposely pushed into the pool." Ok.. pwede time out? Gusto ko sanang huminga.

"Po? Baka n-naman po-"

"You see, matagal na dito si Bill. About 5 years na siguro. Water animals is his speciality. Since lumaki siya sa may dalampasigan, malapit siya sa tubig at lamang dagat. Kaya naman, imposibleng mawalan siya ng kontrol sa pating na yun. Also, you had been telling Mr. Caspian that you were pushed into the pool. More of a reason why we should see this as foul play." Sheet of paper naman. May nagtatangka sa buhay ko?!

"Ano pong mangyayari n-ngayon?" Sa totoo lang, natatakot akong malaman. Masyadong magulo na ang lahat. Ang komplikado na ng buhay ko.

"We won't do anything as of the moment. Sa palagay namin, may spy ang Dark society sa Stellar. Maaring student, staff o teacher. All I can say is, be careful. Mukhang alam na nila na ikaw ang huling miyembro ng 77th generation. I wanted to transfer you to the Elite Section kaso ayokong lumikha ng gulo. Promoting you, a student who's yet to discover her ability, to be an Elite will raise too much suspicions and questions. I want to keep this information confidential as much as possible. It will cause a ruckus if the students learned about a spy. Is that alright?" So, ilihim lang naman sa daang estudyante na may taong nagtatangka sa buhay ko. Ok. Seems simple enough. NOT!

"If t-that's what you think is right.." napangiti naman si HM sa sagot ko. Mukhang talagang problemado siya

"Thank you, Ms. Quartz. In return, I would like you to meet a few students who'll be incharge of your safety." Teka, may body guards ako? With a 's'. Wow..

"Sige po.."

"Meet me at my office tomorrow at Lunch Break." With that, umalis na siya. Nakakapagtaka naman. Sino naman kaya yung mga taong magbabantay sakin?

~••~

"Sure ka bang ayos ka lang?" Pang-isang daang tanong nina Jella sakin. Isang araw na ang nakalipas matapos ng insidente sa pool. Grabe lang. Feeling ko may trauma na ata ako sa pool. Hinding-hindi na ko lalangoy dun. Gah! No way highway! Ikamamatay ko na ata next time!

"For the last time, YES! Stop asking me every minute, guys." Inis na sagot ko. Lunch time na. Akalain mo nga naman. Ang laki ng naging epekto ng aksidente kahapon. Halos lahat ng kaklase ko tinanong ako kung ok lang daw ba ko. Nag-sorry pa nga si Bill. Samantalang kahapon ng umaga, makalayo sakin aakalain mong may virus ako! Palibhasa main topic ako ng tsismis dahil kay Aries! Urgh! Hindi ko na alam kung totoong concern o pakitang tao lang. Don't get me wrong. I'm not being judgemental. Nakakaloka lang kasi ang pagshishift nila ng sides at mood.

"Concern lang naman kami sayo, Alli. Hindi biro yung nangyari kahapon." Sabi ni Anica. Kakapasok lang namin ng Cafeteria. Marami nang tao rito. Hindi naman nakakagulat since medyo late na kami dinismiss ng teacher namin.

"I'm fine. Stop worrying, guys."

"If you say so.." Nagpunta na kami sa may counter para mamili ng pagkain. Balak ko na sanang kumuha ng carbonara nung biglang tumunog yung speaker. Lahat ng tao sa Cafeteria, natigilan. Lahat nakinig.

"Calling the attention of Ms. Alli Quartz. Please proceed to the Headmaster's office. I repeat. Calling the attention of Ms. Alli Quartz. Please proceed to the Headmaster's office. Thank you." Lahat ng mata tuminggin sakin, mistulang nagtataka at nagtatanong. Pati ako naguluhan rin. Bakit ako pinapatawag ni HM Orlando? May nagawa ba ko? May nasabi? Teka..

"Meet me at my office tomorrow at Lunch Break."

Sheet of paper lang! Nakalimutan ko yun! Nagmadali akong nagpaalam sa tatlo kong kaibigan at patakbong umalis ng cafeteria. It's 10 minutes since Lunch break. Only means that sampung minuto na kong late sa usapan namin ni HM! Shete at Otso nga naman! Bakit ba ang makakalimutin ko?!

It took me atleast 2 minutes to reach his office. Ganun na lang ang pagtataka ko nung makita ko si Aries na nakasandal sa dingding sa tabi ng pinto ng opisina. Takte! Baka galit na si Headmaster! I mean, pinapage niya pa ko! Oh, Mermaids and Pearls! Save me!

"You're late." Bati sakin ng kambal ko.

"No need to rub it in." Banat ko once nakalapit na ko. Feeling ko isa nanaman tong episode ng bangayan, sagutan at banatan.

"Since when have you been so careless with your time, Alli?"

"Hampas ko kaya tong pagkakapal-kapal na Physics book sa mukha mo?" Banta ko sa kanya. Inirapan niya ko at sinimulan ng buksan ang pinto.

"Manners, sister. Wag mong ipahalatang wala ka nun." Sabi niya, sabay pasok nito sa opisina. Sinundan ko naman agad ito.

"One more word, Aries. I swear, you're gonna die 7 painful, sadistic and brutal deaths." I glared daggers at him. Sinuklian din naman niya ako ng sinsamang tinggin.

"Don't throw empty threats, Alli." Hamon niya. Konti na lang. Konting-konti na lang talaga, ipapackage ko na to at ipapakargo sa barko papuntang Antartica.

"Make that 9. Tch. Doesn't really matter, I'll keep resurrecting you until I feel satisfied and contented." Ipalapa ko kaya to sa alaga kong Tiger? Kakainis. Sarap itakwil! Kung di lang mahal mag arkila ng abogado, matagal ko ng inayos ang mga papeles para ma-itakwil yan!

"*ehem* *ehem*" naputol yung glaring contest namin Aries nung may nag-fake cough. Si HM Orlando. Fuckaging Tape! Ba't andaming tao rito? Sila ba ang mga estudyanteng 'in charge sa safety ko'? Takte lang! Si Zero ba yun?!?!

What is the meaning of this?!

∞★♛★∞

It's been a long time!!

Please follow me,

Read,

Comment or PM,

And vote!

Love lots,
★JeRein_14

Stellar Academy (School Of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon