Stellar Academy
School of Magic
By: JeRein_14✴ ✴ ✴
Chapter 11: Alli vs. Ice
Alli's POV
"Don't tell me you're backing out?" Maangas na sabi ng ka'sparring' partner ko.
What the heck is this guy doing here?! Ngayon ko lang naintindihan ng tuluyan yung text niya kagabi. So, my assumptions were correct! Nandito nga ang mga kapatid ko!
"A-Aries?!" Gulat na sigaw ko, sabay turo sa kanya na para akong nakakita ng alien or multo. So, all this time, nandito pala sila? Sa Stellar Academy sila lumipat last year?!
"Hey, Alli." Nakangiti niyang bati sakin, may pagkaway pang nalalaman. Nag-init naman yung dugo ko sa kinilos niya. After all this time, alam niyang nandito ako and yet, he didn't tell me?!
"I-'Hey Alli' mo yang mukha mo!" Inis kong sabi, sabay bato ng notebook ko sa direksyon niya. With his fast reflexes, nagawa niyang masalo yun bago pa man tumama sa mukha niya. Ewan ko ba kung bakit pero mukhang frozen yung tao sa paligid namin. Pati si Sir. Lahat pabalik-balik ang tinggin samin ni Aries, nanlalaki ang mga mata at lahat nakanganga.
"Tch. Whatever. Are you gonna back out or not, Stupid?" Ningisian ako ng magaling kong kakambal. Inirapan ko siya bago sinamaan ng tinggin. Is he challenging me?
"You're on, Idiot" Ngayong nalaman kong si Aries naman pala ang kalaban ko, para akong binunutan ng tinik. It's not that he's weak or anything. He's actually the opposite. Kampante ako kasi hindi ito ang unang beses na maglalaban kaming magkapatid. Sa katunayan, magkasama kami sa Martial Arts class namin. Parehas rin kaming black belter. He may be stronger physically but I'm faster and more agile than him. Madalas kaming pagtapatin nun at hindi ko na matansya kung sino ang merong mas maraming panalo. Since Combat class at Sparring Battle to, parang old times lang..
"Umm, you two know eachother?" Takang tanong ng teacher namin. Bahagyang naputol ang glaring contest namin ni Aries at sabay namin siyang nilinggon.
"Yeah, bakit parang gulat na gulat kayo?" Takang tanong ko hindi lang kay sir, kundi sa buong klase. Again.. bulungan here and there. Mukhang natauhan na sila.
"What?!"
"Did she just call Prince Ice by his first name?!"
"Bakit nakikipag-usap si Prince Ice sa kanya?!"
"May relasyon ba sila?!"
Nanlaki yung mata ko sa sinabi nung isa. Kami?! May relasyon?! Yuck! Kapatid ko siya! What more, kakambal! Urgh, kinikilabutan ako!!
"Well, you see Ms. Quartz, Ice here doesn't usually interact with other people. Especially with girls. Kaya naman, nakakagulat." Paliwanag ni sir. Tumaas naman yung kilay ko sabay tinggin kay Aries. Kelan pa siya naging anti-social? Isa siya sa mga naging popular guys sa dati naming school. So, why? At saan nanggaling yung alias niyang 'Ice'?
"Can we start the spar already? May hahabulin pa kong klase after nito." Elite Section nga pala siya. Pero paano? Sure akong last year lang niya nadiscover yung ability niya. Teka.. Sila nga pala yung mysterious transferees na tinutukoy nina Jella! I remember now. One year pa lang sila dito sa SA pero ang laki na ng development nila. Si Kuya Arc siguro yung Louis na tinatawag nila. Well, it is his second name..
"Of course. Which do you prefer? Training ground or room?" Hindi pala kami dito magspasparring? Saan nga ba?
"Training Ground." Sabay naming sabi ni Aries. Automatic na napalinggon ako sa direksyon niya. Nakatinggin din siya sakin. Mukhang iisa lang ang nasa isip namin. Twin Telephaty lang? Training Grounds means open field and fresh air. Mas gusto kasi namin yun kesa sa kulong na space. Parang nakakasuffocate lang.
"Ok then. Change into your combat suits. The rest of the class, please follow me. We'll see you there, Ms. Quartz and Ice.." tumanggo na lang kami at agad lumabas ng room. Hindi kami nag-usap hanggang sa makarating kami sa comfort rooms. Mas mabuti kasing tapusin muna namin yung laban bago mag-usap ng tuluyan. Marami siyang ipapaliwanag..
~••~
"Are both sides ready?" Tanong ni Sir. Tumanggo naman kami ni Aries. Nakatraditional na karate suits kami. Yung pangtaas ay pure white na parang robe tas partner na loose pants. Feeling ko parang katulad lang ng dati.
"Prepare yourself, Alli!" Banta sakin ng magaling kong kapatid.
"I'm more than prepared, Aries!" Sabi ko. We smirked and went to battle stance.
"You only have 10 minutes to defeat your opponent. You will be dubbed as the winner once your sparring partner is down or surrenders. No abilities allowed. Kung matapos ang time limit at wala pa sa inyo ang natatalo o sumusuko, then this match will be a draw. Am I clear?" Mahabang paliwanag ng combat teacher namin. Mukhang simple naman yung rules. And knowing Aries, never yang mandadaya.
"Yes, sir!"
"You'll begin in 3." Nagsimula na ang glaring contest naming dalawa.
"2." Ramdam ko ang anticipation hindi lang namin, kundi ng mga kaklase. They were watching us closely. Miski paghinga namin, bantay sarado nila. Grabe ha. Mukhang excited sila sa match na to. Ako rin naman. I wanna see how much he improved..
"1! And go!" We charged at eachother, full speed. Nag-improve siya. I'll give him that. Pero gumaling rin ako. Blows after blows. Ang bilis naming kumilos. Kicks. Punches. Hits. Jumps. Dodges. Alam kong gulat na gulat ang mga tao sa paligid namin. Baka kasi dahil kayang sabayan ng newbie na to ang isang Elite student. May time na napatumba niya ko. He pinned me on the floor. Ginamit niya yung bigat niya para di ako makatayo. Kala siguro ng lalaking to susuko na ko pero dyan siya nagkakamali. I elbowed him on his gut dahilan para magulat siya. Kumawala ako sa kanya at muli kaming nagpalitan ng atake.
Ang tagal naming nagsparring. Since combat class to, walang specific na type ng martial arts ang kailangan. Nagamit ko na yata lahat ng type na pinag-aralan ko. Judo, Aikido, Taekwando at Karate. Ganun din si Aries. Parehas na kaming hinihingal pero parehas kaming ma-pride. No way na susuko ako. Matapos nila akong iwanan ni Kuya last year! Tas ngayon malalaman ko na dito rin sila nag-aaral pero hindi man lang nila ko kinamusta! Sobrang takot ko kaya! Gulong-gulo pa! Urgh!
"That's enough, kids! You run out of time." Ganun na lang gulat namin nung biglang tumunog yung timer. Huh? Naka-10 minutes na?! Ang bilis naman ata?! Pagtinggin ko sa paligid, laking gulat ko na dumami na pala yung nanonood samin. Mukhang Lunch Time na ng 4th year kaya nandito sila, nanonood. Nakadungaw naman sa bintana ng mga classrooms nila yung taga-ibang levels. Teka.. Did we disturbed their classes?! Lahat, manghang-mangha sa laban namin. Nako naman! Center of Attraction nanaman ako nito! Wala pa kong isang buwan dito sa school na to pero sikat na sikat na ko. Not in a good way, though. Una yung tungkol kay Zero, then sa 7th sense and now, this?!
Why is it always me?!
∞★♛★∞
Please follow me,
Read,
Comment or PM,
And vote!
Love lots,
★JeRein_14
BINABASA MO ANG
Stellar Academy (School Of Magic)
FantasyStellar Academy A School of Magic By: JeRein_14 ✴ ✴ ✴ Description: Isa lamang siyang normal na babae. At least yun yung pagkakaalam niya... Lahat ng paniniwala niya, biglang nagbago ng dahil sa isang aksidente at sulat. Sa isang iglap, naglah...