Chapter 10: Sparring Battle

270 15 0
                                    

Stellar Academy
School of Magic
By: JeRein_14

✴ ✴ ✴

Chapter 10: Sparring Battle

Alli's POV

  Nabobother pa rin ako sa text ni Aries. 'See you soon'? The heck is his problem. Pero teka.. Sabi nina Jella imposible daw na hindi mamana ng mga anak ang abilities ng magulang nila. Kung tama nga ang hinala kong ability user sila, maari bang katulad ko sila? Posible ba na nandito sila sa SA? Pero bakit di nila sinasabi sakin? Or bakit di ko sila nakikita? Katext ko nga si Aries nung isang araw eh! Ba't hindi niya nabanggit?!

  "Ayos ka lang, Alli?" Nilinggon ko si Anica na nasa left side ko. This past week kasi, nagiging close na rin kami. Simula nung incident sa Gym class, nagsimula na kaming mag-usap. Marami kaming pagkakatulad. Mahilig magbasa at iwas sa tao.

  "Yeah. Medyo puyat lang." History class namin ngayon. Nasa second row kami, si Anica nasa tabi ng bintana, katabi niya ko then nasa right side ko si Lynne na katabi naman si Jella.

  "Sure ka? May sparring battle tayo mamayang Combat Class. Baka matawag ka. Wag ka kaya munang umattend?" Suggestion niya. Na-touch naman ako sa concern niya.

  "Sparring Battle?

  "Monthly, nag-oorganize ang Combat Teacher natin ng Sparring Battle. It usually goes on for a week. 3-4 battles per day. Siya ang naggagawa ng listahan ng magkakalaban kaya lahat makakasali."

  "Pwedeng hindi umattend?"

  "Not really. Requirement yun actually. Pero since one week ka pa lang nagtatraining sa combats, baka pwedeng i-excuse ka ni Sir? Since unfair kasi years nang nagsasanay yung iba sa klase." Napa-'ah' na lang ako. Sana nga makaligtas ako. Since wala pa kong ability at masama pa ang impression sakin ng mga kaklase ko, baka pahirapan lang ako ng magiging sparring partner ko.

  "Kailangan bang gamitin ang abilities?" Tanong ko kay Anica.

  "No. It's the opposite, actually. Bawal gumamit ng abilities. Kadalasan kasi, nagkakasakitan since hindi maiiwasan ang pikunan or personalan. Kaya higpit na pinagbabawal ang paggamit ng abilities para less ang danger." Teka, may chance ako. I've been studying martial arts for 10 years now! Black Belter pa ko.. Maybe I'll survive this time?

  "Aattend ako, Anica. Don't worry."

  "Sigurado ka? Pwede naming pakiusapan si Sir."

  "Hindi na. Baka kasi magalit yung iba nating kaklase. Mapagbintanggan pang may special treatment ako." Nag-aalangan man, pumayag na rin siya. Buti na lang naging kaibigan ko si Anica. Mabait at maalahanin. Sina Cassy at Faye kasi, noisy at mahilig mambara. Pero kahit ganun, nagkakasundo pa rin kami. Si Lynne naman, ginagawa akong battered bestfriend. Tuwing may dumadaang gwapo, lakas makahampas. Meanwhile, si Jella yung mature at 'Ate' type. Magkakaiba ang personality nilang lima pero in a good way. Ang unique ng relationship ko sa bawat isa.

~••~

  "Good Morning, Canis Major. As you all know, ngayon na ang start ng Sparring Battle. Kaya sana, nakapagpractice kayo ng husto. Nakagawa na ko ng listahan ng magkakapartner pero since may new student kayo, naging odd number na ang section niyo. Miss Quartz?" Nagulat ako nung i-special mention ni Sir yung surname ko.

  "Po?"

  "Do you want to join this month's battles or skip ka na lang? Nasa one week pa lang ang training mo, di ba?" Ramdam ko yung pressure habang tinitinggnan ako ng buong klase. Gosh. Center of attention nanaman ako!

  "S-Sasali po ako, Sir." Mahina kong sagot pero dahil sa tahimik sa loob ng room, narinig niya yun. Buti na lang. Ayoko na kasing ulitin.

  "Are you sure? Hindi ko naman ibabawas sa magiging grade me if ever." Tinaasan niya ko ng kilay as if nagtataka or namamangha.

  "Y-Yes, sir."

  "Ok then. Hindi mo kaklase ang makakalaban mo since odd nga ang number niyo. May nakuha akong student sa 3-Planets para makasparring mo. He'll be here in a few minutes. Is that alright?" Malakas na bulungan ang narinig ko sa room. Taga 3-Planets? Yung Elite Section? I'm so dead..

  "What?! Taga Elite ang makakalaban niya?!"

  "Hindi ko alam kung maiingit o maawa ako sa kanya!"

  "Sino naman kaya?!"

  "Bakit taga Elite pa?!"

  "Quiet down, class! Alam kong nagtataka kayo kung bakit Elite student ang kinuha kong partner niya. Sakto lang ang pairings sa Minor. Hindi naman ako pwedeng kumuha sa upper or lower year level since magkaiba ang lessons." Pag-eexplain ni Sir. May point naman pero bakit sa dinami-rami ng estudyante, ako pa?! Ako nanaman?!?!

  "But sir! Wala siyang panama sa isang Elite Student! Advance ang lessons nila a-"

  "I know, Mr. Wane. Pero wala na rin akong ibang choice. Magandang experience para kay Ms. Quartz yun. Also, he personally volunteered to spar with her. Narinig niya kong nakikipag-usap sa co teacher ko tungkol sa issue at nilapitan niya ko. Since tapos na ang Sparring battle ng Elites, pumayag na ko." Ewan ko ba kung maiinsulto or pasasalamatan ko si Mr. Wane na yun. Urgh. Breath in.. breath out.. Hinga ng malalim at kalma ka lang, Alli. Maaring ito na ang huling oras mo sa mundo kaya think happy thoughts muna. Patawarin mo na lahat ng nambully sayo para makapagrest in peace ka. Aminin mo na rin sa kuya mo na ikaw talaga ang nakasira ng Ipad niya. Pagtapat mo na rin sa Mama at Papa mo na may 7 kang asawa at 4 na boyfriends. (Puro anime characters)

  "Sino po bang makakasparring niya, sir?" Rinig kong tanong ng isang random kong kaklase.

  "Si Ice." Lahat naman nagulat sa sinabi niya. Teka. Ang OA ha. Anong meron sa yelong yun? Ganun ba siya kalala? Brutal ba siya? Gangster? Mafia boss? Ano?!

  "W-What? Sir! Are you sure? H-he-"

  "I know it may sound impossible but it's the truth. Siya mismo ang lumapit sakin at nagvolunteer na maging partner ni Ms. Quartz. Pati ako nagulat. Especially when I saw him smirk when I agreed." Napalunok na lang ako. Ngumisi ang yelo? Pero bakit? May atraso ba ko dun? Ni hindi ko nga kilala yun! Wwaahhhh! Nagsisisi na ko! Ayoko na! Ayoko pa pong mamatay! Hindi ko pa alam kung ano yung ability ko! I-mumurder ko pa yung kakambal ko kasi sinira niya yung paborito kong libro bago sila umalis last year! Magiging sikat na author pa ko in the future! Maghahanap pa ko ng sarili kong dragon para i-train!

  "Sir! I don't th-" pasimula kong sabi pero naputol nung biglang bumukas yung pinto. This is it. Mukhang makikilala ko na ang magiging murderer ko.

  "Oh, he's here." Tanging sabi ni sir. Urgh! Di ko tuloy nasabi na binabawi ko na yung sinabi ko. Na ayoko ng sumali. Fuckaging tape lang! Wrong timing ang entrance ng yelo na yun! Teka. Sino ba yun?!

  Tininggnan ko yung lalaking nagbukas ng pintuan. Ganun na lang ang gulat ko nung makita ko kung sino yun. Oh, fudge! Anong ginagawa ng lalaking to dito?!

  "Don't tell me you're backing out?"

∞★♛★∞

Aries Lync Caspian Quartz on the multimedia..

Please follow me,

Read,

Comment or PM,

And vote!

Love lots,
JeRein_14

Stellar Academy (School Of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon