Stellar Academy
School Of Magic
By: JeRein_14✴ ✴ ✴
Chapter 6: Texts
Alli's POV
"Alli! Ano tong narinig ko na sinagot-sagot mo daw si Lilian?!" Bulalas ni Lynne pagpasok namin sa Dorm. Katatapos lang ng klase at pagod na pagod na ko. Stress dala ng school at ng tsismis. Not to mention the intimidating and judgemental eyes that seems to be everywhere! Akala ko ligtas na ko. That i'll finally have some peace and quiet ngayong nakabalik na kami dito. Hindi pa pala.. -_-#
"Lilian? Yung blonde na mukhang plastic na barbie?"
"Yes! That Lilian!"
"Well, yeah. Ang kulit kasi niya! Sinabing di ko nga gusto yung bwisit na Zero na yun, pinagpipilitan pa! Can't she understand that i don't like the guy? Or that we don't even know each other?!" Nakabusangot kong sagot. Nalupagi ako sa sofa at nag-unat. Gusto ko na lang matulog ng mahimbing o kaya kumain. Nakakapagod na kasi ang buhay!
"Ano pa bang inaasahan mo?! Hindi basta-basta si Zero, Alli. He's practically a royalty here. Kaya naman, patok na patok ang balita tungkol sa kanya." Sabi ni Jella bago pumasok ng kusina. Hula ko, para magluto ng hapunan namin. Mag-aalas singko na rin kasi eh.
"Kahit na! Wala akong pakialam kung gwapo man siya o mayaman o malakas! Ayusin niya tong gulong ginawa niya! I don't want to live the rest of the school year being bullied!" Paghihimutok ko. Second day pa lang, pero hirap na hirap na ko. Wwaaahhhh! Gusto ko na bumalik kina mama at papa!
"Then, what are you planning? Search for him? Then what? Talk to him?" Actually, magandang suggestion yung sinabi ni Jella. Pwede rin. Baka sakaling magbago pa ang tinggin ng mga estudyante sa kin kung kay Zero mismo mangagaling ang mga salita. Ang tanong, mapakiusapan kaya siya? He doesn't seem like the friendly and cooperative type. Mukha pa ngang siya ang nagbibigay ng mga utos eh!
"That would be suicidal. Let's say na mahanap ko nga siya. Pano kung di siya pumayag na tulungan ako? Edi pahiya pa ko? What if may makakita pa samin na magkausap? Edi new tsismis nanaman? No choice but to let the rumors die on its own." Malungkot kong sabi. Wala na naman talaga akong choice. Mabuti ng walang gawin kesa naman sa palalain, di ba?
"Mas mabuti pa nga, Alli. The less you interact with him, the better. Sana nga lang matapos na tong gulong to." sabi ni Jella. Um-agree naman ako sa kanya. Sana lang talaga. I hate all the attention. Nakakaconscious at intimidating. Nakakainis..
"Awww, kala ko pa naman may chance ang bago kong OTP.." rinig ko ang hinayang sa boses ni Lynne. Teka, ano bang pinagsasabi nito?
"Ewan ko sayo, Lynne!" Inirapan ko siya ng pabiro at nagdiretso na ko sa kwarto ko. Nagpalit na ko ng damit at pabagsak na humiga sa kama. Mamaya na lang ako lalabas pagkakain na. Ayoko rin kasi marinig ang usapan tungkol tsismis o kay Lilian. Umay na umay na talaga ako.
Habang nakahiga, nangalikot lang ako ng cellphone ko. Since bored na bored ako, naglaro na lang ako ng color switch. I wasn't having the slightest luck dahil 3 ang pinakamataas na score na nakukuha ko. Buti na lang may nagtext kundi naibato ko na tong cellphone ko dahil sa inis at bugnot. Kumunot na lang ang noo ko nung nakita ko kung sino yung nagtext.
★★★
From: Aries
To: AlliSup?
★★★
Teka... blue moon ba ngayon? O baka naman February 29? April Fools? May alien invasion? World War 3? Zombie Apocalypse? O end of the world na?! What the 'effin hell?! Anong sumapi sa kakambal ko para magtext sakin?!
![](https://img.wattpad.com/cover/69542173-288-k35752.jpg)
BINABASA MO ANG
Stellar Academy (School Of Magic)
FantasyStellar Academy A School of Magic By: JeRein_14 ✴ ✴ ✴ Description: Isa lamang siyang normal na babae. At least yun yung pagkakaalam niya... Lahat ng paniniwala niya, biglang nagbago ng dahil sa isang aksidente at sulat. Sa isang iglap, naglah...