Stellar Academy
A School Of Magic
By: JeRein_14✴ ✴ ✴
Chapter 5: Rumors
Alli's POV
"OMG! I can't believe it!" Nabasag ata eardrums ko sa biglang pagsigaw ni Lynne sa tabi ko. Anyare sa babaeng to?
"Huy, Lynne! Mag-ayos ka!" Saway sa kanya ni Jella. Kakalabas lang namin ng cafeteria, papunta sa susunod naming klase. Ewan ko ba dito kay Lynne at bigla-biglang naghysterical. Parang gusto pa ata gumawa ng eksena.
"Ano ka ba, Jella! Hindi mo ba nakita?! Si Zero yun! Z-E-R-O! Ghhhaaadd! Ang gwapo niya!" O..k. Mukhang may saltik nga talaga tong babaeng to. Teka. Zero? Where did i heard that from?
"Tsk. And so?"
"Bulag ka ba?! Hindi mo napansin yung ginawa niya?!"
"Nakita ko. Magkasama tayo, duh. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang saya mo. Di ba masamang pangyayari yun?"
"Masama?! Anong masama?! Si Zero yun, Jella! He's cold to everyone! Pero despite that, he helped our Alli here! Isn't that a good sign?" Teka, napasama pangalan ko dito? Ako ba pinaguusapan nila? Ba't nga ba ko nadamay? Nananahimik yung tao eh! -_-
"More of a reason why she should avoid him! He's bad news. Baka gulo ang dala niya. Buti na ang maiwasan." Iwasan ko? Sino? Yung number zero? Pwede rin. Bawas ng alalahanin sa Math..
"Tch! You're such a KJ, Jella! you're getting in the way of my new OTP!" Ok.. sure ako na ako nga pinag-uusapan nila. Pero sinong Zero yun? At OTP? I-pair up ba naman ako sa taong di ko kilala. Teka.. mahilig pala siya sa anime? [A/N: OTP means One True Pairing. Madalas gamitin ng mga Otakus or Anime Fans sa pagpapair-up ng paborito nilang loveteams.]
"Teka. Hep. Wait. Halt. Stop. Ano tong pinagsasabi niyo? Ako ba pinag-uusapan niyo? Sinong Zero?" Sabat ko sa usapan nila.
"Eh? Sorry, Alli. Remember your first day here. Yung tungkol sa Super Novas? Na Zero ang pangalan ng leader nila? Well, Zero is probably the strongest student here in Stellar Academy. Fire ang ability niya. He's undeniably good looking but dangerous. He's also the guy who helped you earlier." Processing... Buffering.. Loading... 100% Complete. Teka. Siya yun?!
"So? What's the problem with that? Tinulungan niya ko. End of story. Sigurado naman akong makakalimutan na niya ko by the end of the day. It's not like we'll talk or see each other again. So, what's the big deal?" It's true. Sa pagkakadescribe nila sakin, he's probably the jerk, arrogant, and cocky type. Yung tipong walang pakialam sa ibang tao bukod sa sarili niya. I know his type too well. Laganap ang ganyan sa dati kong school.
"That's good, Alli. But you're missing the point here.." sabi ni Jella.
"Huh?"
"Since he's the top student and not to mention the most popular guy in school, maraming nagkakandarapa sa kanya. Fangirls kumbaga. Sa dinesplay niya kanina sa cafeteria, di malayong isipin nila na may something sa inyo ni Zero. They'll go after you, Alli." Kinabahan ako sa sinabi niya. What the hell?! Wala pang 24 hours na naging official student dito sa SA ay nakagawa na agad ako ng maraming kaaway? Seriously?!
"T-Teka.. Kala ko ba sabi niyo w-walang bullies dito? Yun y-yung sabi niyo nung first day ko dito!"
"We said no one will bully or make fun of you just because you don't know your special ability. Di ibig sabihin nun di ka na mabubully dahil sa ibang rason or dahilan. I'm sorry, Alli. Di naman namin alam na may mangyayaring ganto. Di namin to inexpect." Paghingi ng tawad ni Lynne. Di ko naman sila masisisi kung ganun nga.
BINABASA MO ANG
Stellar Academy (School Of Magic)
FantasyStellar Academy A School of Magic By: JeRein_14 ✴ ✴ ✴ Description: Isa lamang siyang normal na babae. At least yun yung pagkakaalam niya... Lahat ng paniniwala niya, biglang nagbago ng dahil sa isang aksidente at sulat. Sa isang iglap, naglah...