Stellar Academy
School of Magic
By: JeRein_14✴ ✴ ✴
Chapter 15:
Alli's POV
Wala na kong ibang nagawa kung hindi ipikit ang mata ko at intayin ang mapait na kamatayan. While waiting for my gruesome death, bigla akong nakaramdam ng kakaiba. It felt like something inside me was stirring, fighting to surface and come out. Hindi ko siya maipaliwanag. Ang weird lang. Hindi siya katulad ng narararamdaman ko tuwing naactivate and 7th Sense. Mas malakas to. Mas agressive. A sudden strong sensation hit me, snapping my eyes open. Akmang kakagatin na ng pating ang binti ko pero parang natigilan to nung tininggnan niya ko.
To my astonishment, biglang sinara nito ang bibig niya at lumayo sa kin ng konti na para bang natakot siya sakin. Huh? Anong nangyari? Kinusot ko ang mata ko para matiyak na hindi ako namamalik mata pero ganun na lang ang gulat ko nung iniling nito ang ulo niya. Parang nagising to at sinamaan ako ng tinggin. Napalayo ako nung bigla siyang lumangoy palapit. I gasped in surprise, releasing the last bits of air I have. Is this it? Mamamatay na ba ako?
Hindi ko nailagan yung ginawang pagsugid sakin nung pating. Kinagat niya yung kaliwang braso ko, dahilan para mangiwi at mapasigaw ako sa sakit. Yung weird na sensation kanina lalong lumakas at tuluyan ng kumawala. Some strong force came out of me, sending the shark away from me. Teka? Ano yun? Anong nangyayari?
"W-What's happening?" Lalo akong nagulat nung lumabas sa bibig ko yung mga salitang yun. I just said my thoughts out loud. Teka..... I looked at the shark, still recovering from what happened. Ibig sabihin, nasa ilalim pa rin ako ng tubig. Pero bakit nakakapagsalita ako? More importantly, am I breathing under water?!?! Fuckaging Tape?!
Sumugod ulit yung pating sakin. Iniharang ko yung kanang braso ko sa mukha ko sa takot. Laking gulat ko nung may malakas na wave ng tubig ang mistulang sumabay sa wasiwas ng kamay ko. Tumalsik ulit yung pating palayo. Hindi ko na ito hinintay na gumalaw ulit, lumanggoy na ko papalayo papunta sa gilid. Nung lumitaw yung ulo ko mula sa tubig, kita ko ang saya sa mukha ng mga kaklase ko.
"ALLI!" Sigaw ng mga kaibigan ko. Pinilit kong lumanggoy papalapit pero unti-unti nang nanlalabo yung paninggin ko. Dala na rin siguro ng pagod, adrenalin rush, at sugat na nagdurugo pa rin hanggang ngayon.
"Sa likod mo, Alli!" Pinilit ko ang sarili ko na lumiggon. I saw a black fin swimming towards me. Nagpanic na ulit ako. Nakarating ako sa pinakadulo ng pool, yung part ng 8 ft. Di ko napansin na ganun na pala kalalim yung naabot ko. Gusto ko sanang umahon sa tubig pero alam kong hindi ako aabot. Ang bilis lumagoy ng pating, may injured arm ako at nasa kabilang side lahat ng mga kaklase ko. Hindi sila aabot para tulungan ako.
Habang nagdadasal sa isip, biglang nagbalik yung weird sensation kanina. Out of instinct, my body turned around and faced the shark. Nakanganga ito at handang kainin ako ng buo. Out of nowhere, a large wave of water came from the right, knocking the shark to the left before it had the chance to devour me whole. Gulat ko itong pinanood. Anong nangyari?
Hindi ko namalayan na lumapit na pala sakin yung mga kaklase ko. Dalawang lalaki ang umalalay sakin paahon. Hinayaan ko na lang sila na hilahin ako sa magkabilang braso. Napangiwi rin ako nung nadali nung isa yung sugat ko.
"Ayos ka lang, Alli?" Tanong sakin ni Jella nung nalapitan nila ako. Not trusting my words, tumanggo na lang ako.
"Good-" hindi na natuloy ni Anica yung sasabihin niya kasi may sumigaw ulit.
"Watch out!" Lahat kami luminggon sa pool. Our jaws dropped when we saw the shark jumped out of the water and lunged at us. Sheet of paper naman! Hindi ba marunong sumuko to?!?!
Balak na sana nina Jella na gamitin ang ability nila nung biglang nabalot sa yelo yung pating. Muli itong bumagsak sa tubig.
"Geez, Alli. I thought I told you to stay out of trouble? Don't you know how to listen?!" Galit na singhal sakin ng kakambal ko. Nasa may kabilang side ito ng pool, pinagpapawisan at medyo hinihingal. Mukhang tumakbo ito papunta dito.
"A-Aries." Dun na tuluyang tumulo yung luha ko. Sa sobrang takot at bilis ng pangyayari, walang oras na umiyak. Now it's finally over, a wave of emotions came crashing down on me. Lahat. Takot, relief, gulat. Lahat-lahat. Near death experience talaga.
"Can someone explain to me what happened here?" Lahat luminggon sa bagong dating. Si HM Orlando kasama yung teacher namin sa PE. Mukhang di sila natuwa sa nangyari..
~••~
Dinala ako ni Aries sa clinic. Gusto sanang sumama nina Jella, Anica at Lynne pero isang glare lang mula sa Kambal ko, agad nagbago isip nila. Tch. Sarap batukan ng mokong na to. How dare he scare my friends just because they're worried about me!
On a side note, nakabandage na yung sugat. Nagamot na ito ng mga healers kanina. Sabi nila hindi naman daw malala. Hindi naman daw bumaon yung ngipin ng pating sa kahit anong ugat or buto. Hindi rin daw magkakaroon ng scar. Buti na lang..
"What happened back there, Alli?" Tanong sakin ni Aries.
"Hindi ko alam. Ang bilis ng mga pangyayari. Umm, my classmate summoned a shark to play a prank on us. Nawalan siya ng kontrol. Then, I got pushed into the water-" pagkwekwento ko pero biglang siya sumingit.
"What?! Someone pushed you?!" Galit niyang sigaw.
"Hindi. Sinadya kong magdive para makalangoy ang pating. Tch. May tumulak sakin. Sigurado ako. Hindi ko lang alam kung sino." Sarkastiko kong banat.
"Not funny, Alli. Are you absolutely sure?" Seryoso niyang tanong. Napataas naman ako ng kilay
"Yeah. Bakit?"
"If so, it means that someone wants you dead."
"W-What?"
"No way this is some accident. Alli, you-" panimula na sana ni Aries kaso biglang nagbukas yung pinto dahilan para maputol yung sasabihin niya. Iniluwa ng pinto si HM Orlando na seryoso ang itsura.
"Allow me to explain, Mr. Caspian." Napalunok na lang ako. Ramdam ko ang kaba at tensyon sa ere. Grabe.. Kung pinuntahan talaga ako ng Headmaster dito sa clinic para labg magpaliwanag, panigurado.. Seryoso at confidential to.
∞★♛★∞
It's been a long time!!
Please follow me,
Read,
Comment or PM,
And vote!
Love lots,
★JeRein_14
BINABASA MO ANG
Stellar Academy (School Of Magic)
FantasyStellar Academy A School of Magic By: JeRein_14 ✴ ✴ ✴ Description: Isa lamang siyang normal na babae. At least yun yung pagkakaalam niya... Lahat ng paniniwala niya, biglang nagbago ng dahil sa isang aksidente at sulat. Sa isang iglap, naglah...