Chapter 12: Revelations (1)

298 14 5
                                    

Stellar Academy
School of Magic
By: JeRein_14

✴ ✴ ✴

Chapter 12: Revelations (1)

Alli's POV

"Since both of you are still standing, this match is a draw. I have to say, this match was remarkable. Best i've seen in a while. I'll give you an A+ for this, Alli. Tulad din ng pinag-usapan natin, hindi kita bibigyan ng extra credit or additional grade, Ice. Nagvolunteer ka kasi willingly." Napangiti naman ako sa sinabi ni Sir. I'm off to a good start. At nagvolunteer daw si Aries? Wow ha. Siguro dahil narinig niya na ako yung makakalaban niya. He's been dying for a rematch since our last match ended up as a draw. Mukhang ganun din ang kinalabasan nito.

"Thank you po, Sir."

"You deserve it, Ms. Quartz. Though, I have to ask. Obvious naman na hindi ka baguhan sa Combats at Martial Arts. Ilang taon ka nang nag-aaral nito?" Napatinggin ako kay Aries na nagkibit balikat lang sakin.

"Umm, 10 years na po. I started taking lessons since I was 7." Paliwanag ko. Halatang maraming nagulat sa revelation ko. Hindi ko ba alam kung ma-ooffend o matatawa ako. Hindi siguro nila in-expect na isang payat at mukhang mahinang babae tulad ko ay isang batikan na sa hand-to-hand combats at self defense. Well, ika nga nila, don't judge a book by it's cover.

"Wow. That's amazing. Pano mo naman nakilala tong si Ice?"

"Kakam-"

"We've known each other since we were born. Got a problem with that?" Sabat ng kapatid ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Ba't di niya sinabi yung totoo? Well, yung buong katotohanan, I mean. Kinahihiya ba ko ng mokong na to? Ouch lang ha! Ikaw na nga tong nang-iwan at hindi nagparamdam, ikaw pa may ganang mag-inarte! Isusumbong ko talaga tong lalaking 'to kay mama!

"N-No." Mukhang nasindak naman tong teacher namin. Sinamaan ko na lang ng tinggin si Aries. Inirapan lang ako ng mokong. Aba't!

"Can you excuse her for the rest of the class? I'll take her to the clinic before I go to my next subject. Na-sprain siya kanina habang naglalaban kami." Anong pinagsasabi nito? Ako? Nasprain? Kaya ko pang magcart wheel at magback flip no!

"What are you talk-"

"Nasprain ka diba?" Pinandilatan niya ko sabay hatak sa braso ko ng malakas. Naintindihan ko naman yung gusto niyang ipahiwatig kaya naman sinandya kong matalisod. Buti na lang 'naalalayan' niya ko bago pa kong tuluyan matumba.

"I see. Sige, ikaw na bahala sa kanya. Thank you for your help, Mr. Caspian." Nanlaki yung mata ko nung bangitin yun ni Sir. Ba't niya tinawag na Mr. Caspian si Aries?! What the hell?!

~••~

"You've got a lot of explaining to do, mister." Nasa clinic na kami. May nagbalak pa sanang sumunod samin kanina pero isang glare lang mula kay Aries, sumuko rin sila at iniwan kami ng tuluyan. Nagamot na yung mga scratches at sugat namin. Kami lang dalawa ang tao dito. Umalis na yung healers dahil sa lunch break din nila. Hanep di ba? May break din sila.

"I know. Look. Hindi ko intensyon yung sinabi ko kanina. Hindi rin kita kinahihiya bilang kapatid kung yun yung iniisip mo. I needed to hide it for your own safety. Once na malaman ng tagaDark Society na nandito ka, paniguradong pupuntiryahin ka nila. Sorry, Alli. But for now, let's hide the fact that we're twins. Alright?" Ngayon ko lang nakitang ganitong kaseryoso tong tao na to. Taga Dark Society? Sino naman sila? At anong kinalaman ko sa kanila?

"Ok fine. I trust you. Pumapayag ako basta ba sagutin mo lahat ng tanong ko. Deal?" Nagdadalawang isip siya. Ano ba kasing meron?!

"Alright. Ano bang gusto mong malaman?"

"What are you doing here? Where's Kuya Arc?" Alam ko na yung sagot sa tanong na yan pero gusto ko sa kanya mangaling.

"Last year lang namin nadiscover yung abilities namin. Remember nung pinasok ng magnanakaw yung bahay natin? Wala nun sina Mama at Papa kaya walang magproprotekta satin. Aksidente naming nagamit ni Kuya yung abilities namin nung munting ka na nilang barilin. Hindi mo siguro maalala since wala ka nung malay. I accidentally froze the robber's hand while Kuya hit them with lightning. Sobrang takot namin nun. Buti na lang dumating sina Mama. Napakalma nila kami. Kinabukasan, nakatanggap kami ni Kuya ng letter mula sa SA. Ayaw man namin, lumipat pa rin kami dito. As for where kuya is. Pinadala siya ng academy sa isang misyon." Mahaba niyang paliwanag. Naalala ko nga yun. That was last year. May pinuntahan si Mama na fashion show while si Papa naman, isang importanteng meeting. Around 11 pm, gising pa kaming tatlo. Nasa kwarto kami ni Kuya, naglalaro ng video games. Tulog na siguro nun yung mga katulong kaya ganun na lang ang taka namin nung may narinig kaming malakas na lagapak. Parang may nahulog or nabasak. Sinilip ni Kuya pero bago pa man siya makalabas, sapilitang pumasok sa kwarto ang apat na lalaking nakabonet, may mga dalang baril. Yun lang yung naalala ko kasi bigla akong hinimatay matapos akong suntukin sa tyan nung isa. Pag gising ko, nasa ospital na ako. Yun pala yung nangyari nun..

"Misyon?"

"Paminsan-minsan, binibigyan ng Magic Association ang mga outstanding students, more likely the elites, ng misyon. Para sa experience at training. Nasa sakanila kung isang tao or grupo ang iaassign nila. Madalas kaming magkasama ni Kuya sa ganyan. Pero may instances na nagsosolo kami. Sorry, Alli. Hindi ko pwedeng sabihin sayo kung anong ginagawa or saan kami na punta. Confidential kasi yun."

"Ok, then. Bakit ka tinawag na Mr. Caspian ni Sir kanina?" Nagdalawang isip nanaman siya. Pero dahil sa deal, wala siyang nagawa.

"Mom asked me to use it. Hindi ko alam kung bakit pero sabi niya gamitin daw namin yung 'Caspian'. Nagtaka ako nung una pero naintindihan ko rin nung makarating kami dito. Alli, mom is an ability user. She came from a noble family that is well known in Majika, the magic realm. Not just because they're rich but also because they're descendants of Neptune, the God of the Sea." Napanganga ako. N-Neptune?! What the hell?! Ninuno namin ang isang diyos?!

"W-What?"

"Alam ko yang iniisip mo, Alli. No. Hindi tayo literal na apo ng isang diyos. We're not half bloods nor directly related to him. Kaya sila-tayo tinawag na descendants ni Neptune ay dahil ang lahi natin ang pinili niyang basbasan. He blessed and chose us, the whole Caspian Clan."

The hell?!

∞★♛★∞

Please follow me,

Read,

Comment or PM,

And vote!

Love lots,
JeRein_14

Stellar Academy (School Of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon