Stellar Academy
A School of Magic
By: JeRein_14✴✴✴
Chapter 24: First Day Of Training
Alli's POV
Posible pa palang lumala ang buhay ko dito. It's only been a day since that scene infront of the Cafeteria pero ramdam na ramdam ko na agad ang hagupit ng buong Academy. I've been pushed 3 times already, got hit by a soccer and basketball, 4 times was I purposely tripped and twice did someone bumped and spilled their drinks on me. Tch. Their bullying intensified. Bakit ba ang hilig akong gawing bully target?! Urgh! Kasalanan to ng bwisit na devil na yun! Kung di niya sinabing girlfriend niya ko, edi sana payapa pa ang buhay ko!
Bakit ba kasi ako nagpauto?!
Grabe talaga. Ang bilis rin naman kumalat ng balita. Nung class ko after lunch kahapon, lahat ng mata nakatingin sakin pagpasok ko ng room. Nalaman agad nila yun. Grabehan. Bilib na talaga ako sa mga estudyante dito. Kala mo mga bubuyog kung magtsismisan. Pag-uwi ko nung hapon sa dorm, agad akong sinalubong nina Jella at Lynne. They bombarded me with questions. Bakit ko daw pilit na itinatanggi na may gusto daw ako kay Zero? Bakit di ko daw sinabi sa kanila? Paanong naging kami? Aish! Sa inis ko, nagkulong na lang ako sa kwarto. Ni hindi ako lumabas para mag dinner. Mukhang naguilty din naman sila eh. They apologized earlier and cooked me breakfast. Simula nung pag walk out ko sa kanila kagabi, naging maiingat na sila. Never na nilang nabanggit yung tungkol samin ni Zayne. Good.
Matapos mag-ring ng bell na hudyat nang tapos ng last class namin ngayon, hindi ako agad tumayo. I pretended to busy myself with my things. Kunyari inaayos ko yung gamit ko pero ang totoo nyan, iniintay ko lang sila maubos. One of my classmates passed by my table and purposely pushed off my bag, successfully scattering all my belongings. Narinig kong tumawa sila nung kasama niya bago tuluyang umalis ng room.
"Those j*rks! Ayos ka lang, Alli?" Tanong sakin ni Jella. Yumuko siya at tinulungan akong magligpit ng gamit. Mukhang nagpaiwan siya dito, along with Anica and Lynne na papalapit sa pwesto namin.
"Yeah. Hayaan niyo na lang sila." Sabi ko.
"Hayaan? Alli, are you for real? They're going too far! Binubully ka na nila simula nung dumating ka dito which was almost two months ago! Don't you think it's time to tell Headmaster?" Suggest ni Lynne. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Magsumbong? It never crossed my mind. Palagay ko kasi, masyadong grave pag ginawa ko yun. Ayoko rin kasi ng gulo.
"No need, guys. Kaya ko to. Tsaka lilipas rin yan. Tiwala lang." Pangungumbinsi ko sa kanila.
"Alli? Seryoso ka ba? If so, you're being a big idiot." Nagulat naman ako sa sinabi ni Anica. Idiot? Ako?
"Sang-ayon ako kay Anica. Masyado kang mabait, Alli. And they're taking advantage of that. Sinasaktan ka nila dahil alam nilang hindi ka lalaban!" Sabi ni Lynne.
"Kung ayaw mong magsumbong. Sige. Kami na lang ang gagawa. I'm sure—"
"As i said, there's no need for that." Pagputol ko kay Jella. Alam ko na kasi ang balak nila. Hindi man nila sinabi sakin pero basa ko sa galaw nila. They're planning this all along. Matagal na nilang gustong magsumbong.
"Alli—"
"I appreciate the concern, guys. I really do. It's just... May kailangan muna akong gawin.."
"Pero hindi mo deserve to!"
"I know. Kaya naman, let me do this first." Tiningnan nila ako na may halong pagtataka.
"Ano ba yang kailangan mong gawin? Ano bang pinaglalaban mo ha?" Tanong ni Lynne.
"Just.. Just let me prove myself to them. It'll take time but let me stand up for myself. Gusto kong maintindihan nila na hindi dapat kinakalaban ang isang Alli Quartz."
~••~
"Don't let your guard down. Sharpen your senses. Pakiramdaman mo yung paligid mo. Instinct and Reflex. Learn to listen to them." Pag-iinstruct sakin ni Zayne. After school, agad akong dumiretso rito sa gubat kung saan napagkasunduan namin na magiging training spot ko. Napag-usapan na namin lahat kahapon. Miski schedule ko. Every day of the week. During weekdays, after school to 7 pm. During weekends, 10 am till 6 pm. Hindi naman mahirap tandaan since isang buong linggo niya ko pahihirapan. Tch. Wala naman ako sa posisyon para magreklamo. Sabihin na natin na tinutulungan ko siya sa 'girl' issues niya, pero di hamak na mas malaking pabor ang hinihingi ko sa kanya. Aminado ako dun.
Nakaupo ako ngayon sa isang clearing na malapit sa maliit na lawa na nakita ko noon. I long abandoned my school uniform and changed into a pair of leggings and a slightly over sized shirt. Kasalukuyan akong nagmemeditate while Zayne was throwing random instructions at me. Ewan ko ba. Pagkadating ko, agad niya kong pinaupo at pinagconcentrate. He keep yapping about how focus and concentration is important when controlling your element or ability. Yada yada~
I zoned out after 2 minutes. Nagfocus lang ako sa paligid ko. Kahit nakapikit ako, aware pa rin ako sa surroundings ko. Ang sarap sa feeling, sa totoo lang. Napakapeaceful ng paligid. I just wish na ganito na lang—
My 7th sense activated, enabling me to dodge a raging fireball that was clearly directed at me. Napabuntong hininga ako dun. If i was even a second late, paniguradong tustado ako. Goodbye Philippines na ako.
"You're not listening, Arissa." Sinamaan ako ng tingin ng 'tutor' ko which i gladly returned. Siya pa ang galit? Siya kaya tong lunurin ko sa kumukulong tubig habang nagmemeditate?! Tingnan natin kung sinong hindi magagalit?!
"Was that fireball necessary? Muntikan na kong matusta!" Pagmamaktol ko sa kanya.
"I needed to capture your attention. The fastest way would be directly attacking you." Tinaasan ko siya ng kilay. Catching my attention? Naks. Ang ibang girls dyan nagkakandarapa makuha ang attensyon ng devil na to. Pwes, dun na lang siya! Paniguradong nasa 'yo ang full attention ng mga fangirls mo! Tch. What a j*rk!
"You're the one rambling about focus and concentration. Pano ako makakapagconcentrate kung daldal ka ng daldal dyan?" Bulong ko sa sarili ko.
"What was that?" Sinamaan niya ko ng tingin. Naku. Mukhang narinig ako ng kampon ni satan.
"Wala.."
"Tch. Yung madaldal mong teacher orders you to do 20 push ups, 50 sit ups and 100 jumping jacks." Shitzu.. Narinig niya ko!
∞★♛★∞
It's been a long time!!
Please follow me,
Read,
Comment or PM,
And vote!
Love lots,
★JeRein_14
BINABASA MO ANG
Stellar Academy (School Of Magic)
FantasyStellar Academy A School of Magic By: JeRein_14 ✴ ✴ ✴ Description: Isa lamang siyang normal na babae. At least yun yung pagkakaalam niya... Lahat ng paniniwala niya, biglang nagbago ng dahil sa isang aksidente at sulat. Sa isang iglap, naglah...