Stellar Academy
School of Magic
By: JeRein_14✴ ✴ ✴
Chapter 9: Meeting Him
Alli's POV
Second week ko na rito. At hanggang ngayon, ako pa rin ang talk of the town. Kumalat na rin kasi yung tungkol sa '7th Sense' ko. Tch. As if meron nga talaga ako nun. Worse, gusto ata akong tulungan ng mga school mates ko sa pagactivate nun. Batuhin ba naman ako ng bagay-bagay habang dumadaan ako sa hallway or cafeteria. Nakaranas pa nga ako na batuhin ng soccer ball nung maligaw ako sa soccer field. Buti na lang naiwasan ko. Psh. Kung nagkataon, sa clinic ang baksak ko.
Lunch na pero wala akong ganang kumain. Baka kasi paliguan na naman ako ng pasta tulad kahapon. Tsk. Grabe sila. Buti na lang nandun sina Jella at Lynne para tulungan ako. Hayst. Mukhang bully target nanaman ako.
Imbis na magpunta sa cafeteria, dumiretso ako sa rooftop para magpahangin. Sabuti na lang walang tao dito. Sumandal ako sa railings at tiningnan ang view. Wow. Wala akong ibang matanaw kundi gubat. Gaano kaya kalayo to sa civilization? Habang nagmumuni-muni ako, bigla nanaman nakaramdam ng panlalamig ang katawan ko. Tulad ng sa gym, kusang gumalaw ang katawan ko. Lumingon ako in time para makita ang isang bola ng apoy papunta sakin. Out of reflex (?), umiwas ako.
"So, totoo pala ang sabi-sabi. Meron ka ngang 7th sense." Hinanap ko yung may-ari ng boses. Lalaki. Nakatayo sa kabilang dulo ng rooftop, naglalaro ng fireball. Teka. Bakit parang familiar siya? Saan ko nga ba siya nakita?
"S-Sino ka?" Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Tch. Ano namang nakakatawa?! Yung muntik na niya kong masunog ng buhay?!
"You don't remember me? Didn't I saved you from humiliation back at the cafeteria on your first day?" Ano raw? First day ko? Wait.. siya yung ungas na yun?!
"You're Zero?" Raising an eyebrow at him, pinanuod ko siyang lumapit sakin. Pinatay na rin niya yung apoy but I didn't let my guard down. Malay ko bang saktan ako nito.
"The one and only. You're Arissa, right?" Sinamaan ko siya ng tinggin. Kakakilala lang namin pero first name basis agad? Tch. I hate being called by my first name. Ang girly pakinggan! Wag niyo kong sisihin kung medyo boyish ako. Ganun ang nagiging resulta pag lumaki ka kasama ang dalawang kapatid na lalaki.
"My name's Alli. So, stop calling me that." Tumawa siya at tuluyang lumapit sakin. Before I know it, nasa harapan ko na siya. Yung kamay niya nasa magkabilang gilid ko, nakahawak sa railings na sinasandalan ko. God, sobrang lapit niya. Dahil sa mas matangkad siya sakin, nakatingala ako while siya nakatunggo. Gusto kong umatras pero wala nakong pupuntahan. Gusto ko siyang itulak pero mas malakas siya. Fudge lang. Ano gagawin ko?!
"I can call you whatever I want. Keep that in mind." Sabi niya. Dahil nga sa wala na kong magawa, sinamaan ko na lang siya ng tinggin.
"Whoever gave you the right to do that?!" Inis na sabi ko. Nanlaki naman ang mata ko nung hawakan niya yung chin ko. Akala ko hahalikan niya ko pero buti na lang hindi. Instead, he tilted his head and whispered in my ear.
"I did. Now, be a good girl ang leave. This is my territory." Nainis ako sa sinabi niya. Tch. Arrogant jerk! Matapos ko siyang samaan ng tinggin, tinulak ko siya palayo at naglakad papuntang pintuan. Pero bago ko pa man yun buksan, nilinggon ko ulit siya.
"Iyo tong rooftop? Edi iyo na. Kainin mo pa! I don't care! But don't ever think you can just order me around! Hindi ako popular at malakas tulad mo, pero hindi rin ako alila at palamunin mo! You don't have the rights! Get that through your thick-headed arrogant mind!" Padabog kong sinara yung pinto. Dali-dali akong bumaba ng hagdan. Mahirap na. Baka pikon yun at bigla akong habulin. Agad akong pumunta sa susunod kong klase.
~••~
"Anyare sayo kanina? Nawala ka nung Lunch tas nung bumalik sa school, putlang-putla ka. May nangyari ba?" Tanong ni Jella sakin pagpasok namin ng dorm. Katatapos lang ng klase at pagod na pagod ako. Di lang dahil sa nangyari kanina sa rooftop, pati na rin sa pag-ilag sa pambabato ng mga students dito. Hayst. Kelan kaya sila mapapagod? Kasi ako, pagod na pagod na!
"Wala lang yun. Nakakita kasi ako ng monster." Pabiro kong sabi. Pero totoo yun, kaso masahol pa sa monster yung Zero na yun! Napakaarogante! Kala mo kung sinong gwapo! Hampas ko si James Reid at Daniel Padilla sa pagmumukha niya! Nandiri tuloy ako sa sarili ko nung maalala kong nagfangirl ako sa kanya nung first day. Yuck lang!
"Seryoso? Saan?" Takang tanong ni Lynne. Ooppss. Wala akong balak na sabihin sa kanila yung encounter namin sa rooftop. Masyado na silang nahihirapan sa sitwasyon ko. Buti na lang di sila dinadamay sa pangbubully.
"Wala lang yun. Baka ability user lang yun." Palusot ko. Mukhang kinagat naman nila since hindi na sila nagtanong pa. Pumasok na ko sa kwarto ko at agad nagshower at nagbihis. Agad naman akong bumaksak sa kama pagkatapos. Grabe tong araw na to. Sana talaga di ko na makita yung ungas na yun. Buti na lang din talaga di ko siya hinanap nung first week para magpatulong. Ayokong ibaba ang pride ko para sa mayayabang at mahangin na katulad niya.
"The one and only. You're Arissa, right?"
Pano kaya niya nalaman ang first name ko? Mga kaklase ko nga, ang alam Alli lang ang first name ko. Tch. Lakas makastalker ng dating niya.
"I can call you whatever I want. Keep that in mind."
Kaasar ka talaga!! Bwisit ka!
Naputol ang paghihimutok ko nung magvibrate yung phone ko na nakapatong sa night stand. Sino naman kayang nagtext sakin? Tinatamad man, pilit ko yung kinuha. Pagbukas ng lockscreen, nanlaki yung mata ko. Si Aries?!?!
★★★
From: Aries
To: AlliSee you soon, Alli..
★★★
What in the name of unicorns is this?! Anong pinagsasabi ng kakambal ko?!
∞★♛★∞
Zero on the media. He's being played by L Myungsoo!!
Please follow me,
Read,
Comment or PM,
And vote!
Love lots,
★JeRein_14
BINABASA MO ANG
Stellar Academy (School Of Magic)
FantasyStellar Academy A School of Magic By: JeRein_14 ✴ ✴ ✴ Description: Isa lamang siyang normal na babae. At least yun yung pagkakaalam niya... Lahat ng paniniwala niya, biglang nagbago ng dahil sa isang aksidente at sulat. Sa isang iglap, naglah...