Stellar Academy
School of Magic
By: JeRein_14✴ ✴ ✴
Chapter 14:
Alli's POV
"Grabe siya. Una si Prince Zero, ngayon si Prince Ice naman!"
"Ang slut lang!"
"Kapal. Hindi naman maganda."
"She doesn't even know her ability!"
"She doesn't deserve them!"
"Yuck. Landi ha."
"She's a b*tch!"
I groaned. Sobrang nakakapagod ng makinig sa paulit-ulit nilang pang-iinsulto sakin. Tch. Wala bang bago? At seriously? Obvious naman na sinasadya nilang iparinig sa kin lahat. Magsisimula lang naman sila magtsismisan tungkol sakin pag nandyan ako or pag dadaan ako. Talk about low. Akala ko pa naman ligtas na ko sa pangbubully. Di rin pala. Haayy.. Kasalanan na bang humingi ng bully-free school year?!
It's been 3 days since the sparring battle. Kumalat sa buong campus ang balita. Hanggang ngayon, di pa rin humuhupa. Di ba nila matanggap na kaya kong sabayan sa hand-to-hand combat ang so-called Ice Prince nila?! Speaking of yelo, di ko na ulit siya nakita. Asar! Di man lang ako tulungan i-clear yung issue! Walang kwentang kapatid!
"Don't mind them, Alli. They're just jealous." Buti na lang di ako iniwanan ng tatlong to; sina Jella, Lynne at Anica. If ever, hindi ko kakayanin to mag-isa. Atleast may tao pa ring naniniwala sakin..
"I know. Nakakafrustrate lang isipin na ang bilis nilang manghusga at manakit." Pagbubuntong-hininga ko.
"PE na next natin. Sabi ni Coach, swimming daw tayo ngayon." Swimming? May pool dit—nevermind. May olympic size pool nga pala dito. Urgh.
"Anong swimming wear natin?"
"You still don't have one, right? Hingi na lang tayo kay coach." Yun nga ginawa namin. Simple lang siya. Hindi swimsuit which I'm truly grateful for. Black fitted rash guard top at decent cycling shorts na 2 inches above the knee. At least modest tingnan. Hindi masyadong revealing. Changing into them, nagpunta na kami sa pool. Wow! Grabe! Ang laki!
"Ok, class. I want you to be familiarize with this pool since we will be here more often this year. Tansyahin niyo yung lalim at lamig ng tubig. Ibibigay ko sa inyo ang period na to. You can play in the water, swim or race if you like. Basta sanayin niyo sarili niyo." Lahat nagdiwang sa sinabi ni Sir. Wow! Parang outing lang ha!
Agad kaming lumublob sa tubig. Gaahh! Ang lamig! Tansya ko, nasa 5 feet yung lalim. Ito yung type na papalalim. Siguro nasa 8 feet na yung dulo. Ganun siya kalalim at kahaba. Thankfully, marunong naman akong lumangoy kaya if ever na itulak ako ng mga demonyita kong classmates, hindi ako malulunod. Thank God, isang oras at kalhati ang class na 'to.
"Wwaahhhh!!" Lahat napalinggon nung biglang sumigaw yung isa naming kaklase, si Bea. Nasa edge siya ng pool, nanginginig habang tinuturo yung malalim na part ng pool na bakante. Lahat kami nagtataka sa kanya pero napawi yun nung may nakita kaming itim na fin na mabilis na papalangoy sa min. Lahat nagmadaling lumangoy papaahon ng pool nung madiscover namin na isa yung pating.
"Pating!! Sh*t!" Buti na lang lahat nakaahon na by the time na makaabot sa part namin yung shark. Shete lang! Ang laki! Half the size of a bus. Grabe. Saan naman galing yan?! Di rin kami makapagsumbong kay coach dahil lumabas siya saglit kasi pinapatawag siya ni Headmaster.
"Bwuhahahaha!! You should have seen your faces! Takot na takot!" Biglang hagalpak ng isa naming kaklaseng lalaki. Wait. I know him. He was dubbed as our section's prankster, Bill. Don't tell me siya may pakana nun? How?
"Tch. Not funny, Bill. Tanggalin mo na yang pating bago ka pa maabutan ni Coach." Saway ng class president namin, si Dexter. So, siya nga? Paano?
"Bill has the animal summoning ability. Kaya niya magsummon ng anumang klaseng hayop though hindi sila actual na animal. They are all replicas but they have the same abilities, skills, and talents as the real ones." Ok.. That's cool yet creepy the same type.
I don't know what happened next. Basta feel ko parang nahuhulog ako. Yung tao sa paligid ko lahat nakatingin sakin, either gulat or takot. Before I know it, naramdaman kong tumama ako sa tubig. Was I just pushed into the pool?
"Alli!" Rinig kong sigaw nina Anica, Jella at Lynne. Sobrang bilis nung pangyayari kaya di ako nakapaghanda. Ramdam kong unting-unti nauubos yung hangin sa lungs ko. I used all the willpower I have to swim upwards. Tansya ko, nasa may 6 feet ako.
"F*ck! Bill! Remove the shark!" Sigaw nung isa ko pang kaklase. Teka? Di pa naaalis yung pating? Once my head was fully above the water, I sharply inhaled. Medyo blured pa yung paningin ko pero kita kong nagkakagulo yung mga kaklase ko. Naririnig ko rin yung mga sinisigaw nila.
"Alli! Umalis ka dyan!"
"Yung pating!"
"Tawagin niyo si Coach!"
"Bill!"
"Anyone, do something!"
"F*ck!"
Nung luminaw yung paningin ko, kita ko si Bill na sobrang pinagpapawisan at balisa. Yung takot sa mata ng mga kaibigan at kaklase ko. Yung pagturo nung iba sa may likuran ko.
"Alli! Behind you!" Parang nagising ako sa tawag ni Jella. Lumingon ako sa direksyon na tinuturo nila. All colors drained on my face. Fuckaging Tape! Yung pating! Ang bilis na lumalangoy papunta sakin! Bakit hindi pa rin pinapawala ni Bill?! Teka..
Nilingon ko saglit si Bill. Putlang-putla at halatang nagpapanic. Shete! Wag mong sabihing di niya to makontrol?! Fuckaging tape lang! Bakit sa lahat ng oras ngayon pa nagloko ang ability niya?! Kung minamalas nga naman..
"Langoy, Alli!" I didn't need to be told twice. Agad akong lumangoy papailalim. Pero futile lang yung attempts ko. I can't outswim a water type animal. Let alone a shark! I don't even have training in swimming! Nilingon ko yung humahabol sakin. Ganun na lang ang gulat ko nung halos two feet na lang ang layo niya sakin. Ngumanganga na rin siya.. halatang nagreready na kainin ako.
Neptune! Save me!!
∞★♛★∞
It's been a long time!!
Please follow me,
Read,
Comment or PM,
And vote!
Love lots,
★JeRein_14
BINABASA MO ANG
Stellar Academy (School Of Magic)
FantasyStellar Academy A School of Magic By: JeRein_14 ✴ ✴ ✴ Description: Isa lamang siyang normal na babae. At least yun yung pagkakaalam niya... Lahat ng paniniwala niya, biglang nagbago ng dahil sa isang aksidente at sulat. Sa isang iglap, naglah...