Stellar Academy
School of Magic
By: JeRein_14✴ ✴ ✴
Chapter 21: Cornered
Alli's POV
Panibagong araw nanaman. Haist. Lunes na. Start ng bagong linggo. May mga nambubully pa rin sakin. Di naman kasi basta-basta mawawala yun. Siguro naman mapapagod din sila. Just give it time, Alli. Huhupa rin yan. Hanggang ngayon, di pa rin ako nakakapagdesisyon tungkol sa pinag-usapan namin ni Zayne. Hindi naman sa ayaw ko siyang tulungan pero ayoko lang talaga sa kanya. Unfair ba ko? Selfish? Ang sama lang kasi ng first impression niya sakin tas parang biglang bait. Kahina-hinala lang talaga. Either he's sincere or faking it. Maalin sa dalawa, I'm not sure if I'm willing to find out. Truth is, I want to avoid him. Pakiramdam ko magiging malaking bahagi siya ng buhay ko dito. May it be good or bad, di ko alam. Natatakot rin naman akong malaman.
"-lli! ALLI! EARTH TO ALLI!" My eyes snapped forward when I heard my name being called. Huh? Bakit parang mukhang badtrip sina Jella at Lynne? Wait. Are they glaring at me?
"W-What?" Tanong ko. Bakit ang sama nilang makatinggin sakin? Did I do something wrong?
"Kanina ka pa namin tinatawag, Luka! Namaos na ata ako sa kakasigaw ng pangalan mo!" Inis na sabi ni Jella.
"Where was your mind off to this time? Zero Paradise or Ice Land?" I shuddered at the thought. Hanggang ngayon kasi, inaasar pa rin nila ako kay Zayne at Aries. Nakakapandiri lang. Lalo na kapag shiniship nila ko sa kakambal ko. Yuucckkk! I want to tell them so badly! Pero nangako ako kay Headmaster! Kaasar!
"Sorry. I spaced out. I'm just thinking of ways on how to murder my annoying bestfriends." Pananakot ko sa kanila. Hindi naman sila mukhang apektado. Ningisian pa nga nila ako. Nandito kami sa hallway patungo sa first period namin. May 30 minutes pa naman bago tumunog ang bell.
"Sino ba kasi sa kanilang dalawa ang gusto mo? Bakit ayaw mo pang sabihin samin?!" Pagliligalig sakin ni Lynne. Nakakinis na ha. Hindi ba nila matanggap na wala ni isa sa kanila?!
"Wala nga kasi!" Iyamot kong sagot.
"Impossible! Two of the hottest and strongest students of Stellar are after you!" Grabe naman yun. Kung ipagtulakan ako sa dalawang ungas na yun kala mo bagay lang ako. Tch. Pasisigawin ng dalawang 'to. Sarap pag-untugin!
"If you ask me, you should go with Baby Zero! He's a hot badboy! Bagay na bagay kayo since good girl ka! Yieeee!!" Sambit ni Lynne sabay hampas sakin ng mahina. Binigyan ko naman siya ng asar na tinggin.
"Unfortunately, i'm not asking you." Bara ko sa kanya. Tumawa naman si Jella at inakbayan ako.
"You don't like Zero? That's good! He's nothing but trouble anyway! Mas bagay naman kayo ni Ice!" Banat naman ni Jella. Bumasangot lalo ang mukha ko sa sinabi niya. Utang na labas naman oh!
"Mas lalong ayoko! Tch. Lubayan niyo nga ako!" Tinabig ko palayo ang braso ni Jella at lumayong bahagya sa dalawa. Nakakasuffocate na kasi sila eh. Masyado silang nag-eexpect sakin. I can't date either of them! Aries is my twin while Zayne? Errr, let's not go there.
"Teka. Ibig bang sabihin, mas pinapaboran mo si Baby Zero?!" Mistulang nagliwanag ang mata ni Lynne nung sinabi niya yun. Kelan ko naman pinaboran yung mokong na yun?
"Huh?"
"Mas busangot kasi ang mukha mo nung binanggit ni Jella si Ice. Kung ganon, mas gusto mo nga si Baby Zero!" Feeling ko sasakit ang ulo ko sa pakikipagusap ko sa dalawang 'to. Kaya lang naman mas busangot ako kay Aries ay gawa ng mas nakakadiring isipin yung sinasuggest niya. Ewwww..
"You're delusional! I don't like them that way! Kaya tigilan niyo na ko tungkol dyan!" Sinamaan ko sila ng tinggin bago nauna sa kanilang maglakad. Ayoko ng pag-usapan pa yun. Lalo lang masisira yung araw ko. Tch.
~••~
Naglalakad ako mag-isa papuntang Cafeteria. Since wala yung Chemistry Teacher namin, dineclare nang free period. We were given the whole hour to do whatever we wish. Karamihan ay umalis ng room either para bumalik sa kanya-kanyang dorm or pumunta ng cafeteria. I choose neither. Nagpunta ako sa Library at muling nagbasa tungkol sa water ability sa isang sulok. Hindi pa naman ako pumapayag na tulungan si Zayne kaya wala pa rin akong tutor. Hindi ibig sabihin nun ay kailangan ko ng sumuko. I need to enhance my ability. Pinadala ako dito nina Mama in hopes to keep me safe. The least i can do is learn how to use my gift. Sana nga lang makaya ko. Sa two weeks kong pag-eensayo, konting improvement pa lang ang nagagawa ko. Mukhang mahirap talaga mag self-learn. Haist. Humingi na kaya ako ng tulong kay Headmaster? Teka.. Hindi kaya magalit siya kasi tinago ko ito mula sa kanya? Sa kanila? I mean, part na ko ng Royal Descendants, di ba? Hindi ba ko obligue na sabihin ang ganitong mga bagay sa kanila?
Part nga ba? Since the meeting with Headmaster, i haven't seen any of them except Zayne. And it was just by chance. Gets ko na magkaka-iba kami ng klase at level. Pero nakakalungkot lang. I don't really feel belong nor part of the group.
"Will you just leave me alone?! Nakakabanas na kayo!" Huh? Bakit parang familiar yung boses? Curious, sinundan ko yung direksyon kung san nanggagaling yung ingay. Napunta ako sa may harap ng Cafeteria. Teka? Si Zayne ba yun? And was that Lilian clinging to him like a lifeline? Mukhang nakapalibot rin sa kanya ang dalawang alipores ng pekeng barbie na yun. Ano to? Ambush?
"But Babeee!! I want to have lunch with youuu!" Lilian whined, pouting at him as she did so. Gusto kong masuka. Ano akala niya? Kinaganda niya yung pagnguso niya? Excuse me lang! Nagmukha siyang isda! Tch. Ang arte kasi!
"Don't you understand the word 'no'?! Are you stupid or something?!" Tila inis na inis na sabi ni Zayne habang pilit na inalalayo ang sarili sa lintang barbie. Though, his efforts was futile. Ayaw talagang bumitaw ng witch. Imbis na panghinaan ng loob o maoffend sa pang-iinsulto sa kanya ni Zayne, lalo pa itong kumapit ng mahigpit. Kitang-kita ang discomfort sa mukha niya. Don't get me wrong. I didn't mean to eavesdrop, let alone watch the whole scene. Nakaharang kasi sila sa Cafeteria kaya hindi ako makapasok.
"But i want to, babe! Mas masarap kumain pag ikaw ang kasama!" Sabi ni Lilian. She batted her fake eyelashes at him. Yung mga alipores naman, mukhang naiingit sa leader nila pero walang magawa kundi manood lang. Siguro may gusto rin sila kay Zayne.
"I'm not some dessert, Lizzy! Would you just let go already?!" Gusto kong matawa sa reaksyon ni Lilian nung maling pangalan ang itawag sa kanya ni Zayne. Psh. I'm sure he did that on purpose, probably to annoy or offend her. Pero mukhang hindi ito gumana.
"It's Lilian, babe! How could you forget?" She pouted once again. Aish. Hilahin ko kaya ang nguso nito?! Kala mo naman napa-oh, shitzu! Nanlaki ang mata ko nung may napansin ako sa pag-iiba ng mood ni Zayne. I narrowed my eyes when i saw him clench his fists and jaw. Mukhang nagtitimpi na talaga siya. Naalala ko tuloy yung sinabi niya.
"Being the Descendant of the God of War, I'm known to be violent and impatient. Believe me when I said it's true. May reputasyon ako sa pagiging mainitin ang ulo at pagiging agresibo. I tried talking to them pero sobrang kulit nila. I'm afraid that I'll end up actually hurting them the next time they corner me"
Aish! Kaasar! Fuckaging Tape lang! Anong gagawin ko?! Baka nga saktan ni Zayne ang mga 'to! Wait. No.. I can't let that happen. I have to do it. Kahit na alam kong pagsisisihan ko yun mamaya.
∞★♛★∞
It's been a long time!!
Please follow me,
Read,
Comment or PM,
And vote!
Love lots,
★JeRein_14
BINABASA MO ANG
Stellar Academy (School Of Magic)
FantasyStellar Academy A School of Magic By: JeRein_14 ✴ ✴ ✴ Description: Isa lamang siyang normal na babae. At least yun yung pagkakaalam niya... Lahat ng paniniwala niya, biglang nagbago ng dahil sa isang aksidente at sulat. Sa isang iglap, naglah...