Stellar Academy
School of Magic
By: JeRein_14✴ ✴ ✴
Chapter 13: Revelations (2)
Alli's POV
"She told you to use it but why didn't she did the same with me? Wala siyang nabanggit or sinabi. So, Quartz yung ginamit ko." Takang tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya at umiling.
"When Mama left Majika to live in the Human World, she lost all means of communication with anyone in it. Hindi niya alam kung anong nangyayari dito. Sinabi niyang Caspian yung gamitin ko kasi naniniwala siyang mapapadali ang buhay naming magkapatid. Being apart of a noble family and all. Pero di niya inaasahan na magbabalik ang Dark Society, kalaban na organisasyon ng Magic Association. With all the information they gathered, nalaman nila na isa-isa nilang pinapatumba ang noble families para unti-unting magkagulo dito sa Majika. You see, nobles are known as the protectors and guardians of this realm. The protectors ay yung noble families na may basbas ng Gods tulad nina Juno, Minerva, Apollo, Eos at iba pa. Maraming protector ang Majika. However, may siyam na pamilya ang angat sa lahat ng nobles. Sila ang Guardians, blessed by the nine planets. So called descendants nina Mercury, Venus, Earth, Mars, Saturn, Jupiter, Neptune, Uranus and Pluto. They're considered as royalties here. Royal Descendants din ang tawag sa kanila." Bakit parang nagiging complicated ang lahat? Geez.. Ang daming pasikot-sikot nito!
"Huli na nung nalaman ng taga Magic Association ang ginagawa nilang yun. Marami ng maliliit na noble families ang napatay nila. But they're still not contented. Their true intentions are to annihilate the royal nobles. Kasama tayo dun, Alli. Since isa tayong Caspian. Ngayong nandito ka na, kompleto na ang 77th Generation of Royal Descendants. Hindi pwedeng malaman ng kahit sino to kasi sa oras na makarating sa Dark Society ang tungkol dito, hindi sila magdadalawang isip na atakihin ang academy para makuha tayong sampu." 77th? Wow, ang dami na pala. Pero teka. Sampu?
"Sampu? Di ba dapat siyam lang?" Naguguluhan na ko ha! Tinawanan ako ni Aries sabay pitik sa noo ko. Ouch ha!
"We're twins, remember? Stupid. We're both Descendants of Neptune." Napa-'ahh' na lang ako. Makes sense.
"Teka.. Di ba siyam na kayo? Bakit di pa rin umaatake ang Dark Society kung ganun? Parang imposible naman na mahulaan nila na may twins sa grupo."
"Strictly prohibited ang lumabas ng academy nor makapasok ang taga Dark society. They have almost no way of knowing that information. Sa totoo lang, akala ng lahat ng estudyante dito na matagal ng kompleto ang Royal Descendants. Only you, me, Mr. Orlando and soon the 3-Planets would only know." Ok. That makes sense..
"Ano bang mangyayari kung mapunta tayo sa kamay ng Dark Society?" Naging seryoso nanaman ang facial reaction niya.
"They'll steal our magics/abilities for their own use. In order to do so, they'll have to kill us." Napakanganga na lang ako dun. Kill us?! Papatayin nila kami?! Fudge! Kala ko sa teleserye at stories lang sa wattpad nangyayari ang ganito?!
"Aanhin n-nila yung mananakaw nilang magic?"
"To take over Majika, of course." Ok. Pwedeng time out muna? Hindi pa ko nakakaget-over sa mga naunang revelations, dinadagdagan pa niya. Pagpatung-patungin ba?!
"How do you even know all this?!"
"Mr. Orlando was forced to tell us when me and our brother were almost kidnapped on our first month here. Buti dumating yung ibang taga Elites in time para mailigtas kami. Sinabi niya samin lahat-lahat. May hinala nga siya na susunod ka samin dito pero di namin inaasahan na ganito kabilis. Pano mo nga pala nadiscover yung ability mo, Alli?" Napayuko na lang ako sa tanong niya.
"Hindi ko pa alam ability ko. Napunta ako dito kasi may nagtrigger ng so-called 7th sense ko. Meron ka ba nun, Aries?" Gulat niya kong tininggnan. Mukhang di niya alam yung tungkol dun. Baka naman kasi hindi 7th yun?
"Of course. Si Kuya meron din. Actually, lahat ng Royal Descendants kayang gamitin yun. Gift din ng Gods satin." Ano ba yang royal-royal na yan? Hello?! Mas gusto ko ang coke at RC!
"Sino pa ba yung ibang 77th Generation ng Royal Descendants na yan?"
"Yung mga kaklase ko. Taga 3-Planets. Siyam lang kami sa klase. Lahat, member ng isang Guardian type, Noble Family. Pinagsama-sama kami para mas safe. Luckily, halos magkakaedad lang kami. 2 of them needed to skip a grade just so they could be with us."
"I've been meaning to ask. Anong ability mo?" Kanina ko pa siyang gusto itanong, actually. Medyo nadistract lang ako sa Noble at Descendants thing.
"Doesn't my alias ring a bell?" Isa pa yun sa gusto kong itanong sa kanya! Bakit sa dinami-dami ng pangalan sa mundo, yun pa? Teka..
"Ice ang ability mo?!" Wow. Bagay na bagay sa attitude at personality niya. Grabe. Cold as ice.
"Yeah. I can control and manipulate ice and snow at will. Si Kuya Arc naman, Storm Manipulation. Kaya niyang kontrolin ang lahat ng elemento ng bagyo; water, lightning/thunder, wind and clouds. As you noticed. Lahat may connection sa tubig, given that we were blessed by the God of the Sea. Kaya asahan mong ganun din iyo." Grabe. Nakakaexcite naman! Ano kayang magiging ability ko?!
~••~
"Ayos ka na, Alli?" Tanong sakin ni Jella pagkaupo ko sa assigned chair ko sa room namin. Ilang na ilang ako kanina habang naglalakad. Biruin mo, lahat ng estudyante, at teacher, nakatinggin sayo! Hindi mo alam kung dahil sa pagkamangha o inggit. Hanggang dito sa classroom, maraming mata pa rin ang nakatinggin sakin! Bulagin ko kaya kayo?!
"Y-Yeah.." tipid kong sagot. Medyo nasa shock pa rin kasi yung utak ko. Andami kong nalaman sa isang oras na yun. Yung totoong pagkatao ni Mama, Magic Association, Dark society, Nobles at Descendants. Fuckaging tape lang! Ang hirap i-sink in lahat!
"Grabe ka, girl! Ang haba talaga ng hair mo! Una si Zero! And now, si Prince Ice?! Ano bang secret mo, ha?! Bakit ang indemand mo sa princes ng school?!" Napangiwi naman ako sa lakas ng boses ni Lynne. Gusto ko ata masuka. Kami ni Aries?! Yuck! Mas gusto ko pang pakasalan yung aso namin!
'Remember, Alli. Don't let anyone know we're twins. Not just yet, at least. We need more time to prepare. Hindi pa handa ang Academy sa isang digmaan.'
Yun yung mga huling salita sakin ni Aries bago niya ko iniwan kanina. Kainis lang! Pano ba to?! Hindi ko pwedeng sabihin sa mga kaibigan ko ang tungkol samin ni Aries! Patuloy nila kong aasarin sa kanya! Urgh! Yuck lang!!
∞★♛★∞
Please follow me,
Read,
Comment or PM,
And vote!
Love lots,
★JeRein_14
BINABASA MO ANG
Stellar Academy (School Of Magic)
FantasyStellar Academy A School of Magic By: JeRein_14 ✴ ✴ ✴ Description: Isa lamang siyang normal na babae. At least yun yung pagkakaalam niya... Lahat ng paniniwala niya, biglang nagbago ng dahil sa isang aksidente at sulat. Sa isang iglap, naglah...