Chapter 7: Gym Class

242 13 1
                                    

Stellar Academy
School of Magic
By: JeRein_14

✴ ✴ ✴

Chapter 7: Gym Class

Alli's POV

It's been a week since i started school here at SA. Medyo humupa narin ang tsismis tungkol sakin. Ilan na lang ang lumilingon sakin sa tuwing dumadaan ako. Wala na rin akong naririnig na nagbubulungan. Pero ang pinakapinasasalamat ko ay hindi na ko muling kinausap o pinagbantaan ni Lilian. What more, hindi ko na rin uli nakita si Zero. Buti na lang..

Kaso nakakainis pa rin. Ni hindi man lang ako tinulungan ng lalaking yun. Speaking of which, hindi ko na talaga siya nakita uli. Weird.. Napasok pa ba yun? Bakit hindi ko siya nakikita sa campus? Teka, ano nga bang grade niya?

"Alli! Gym na next natin!" Sigaw ni Lynne. Nagulat ako sa lakas ng boses niya.

"Eh? Teka.. may PE pala tayong subject?" Takang tanong ko. Nilabas ko yung sched ko para icheck. True to her words, meron nga. May Physical Education pala sa school na to? Ang dami kasi nilang dinagdag na klase kaya akala ko magbabawas sila ng minor academic subjects tulad ng PE o Music. May spell casting, potion making, mastery of ability, combat training, at iba pa. Tch. Kala ko ligtas na ko. I really hate PE.. Don't get me wrong, though. Athletic talaga ako. I've been studying Taekwando, Karate, Aikido and Judo since i was 7. Pinilit ako nina Mama nung bata pa ko, eh. Kakailanganin ko daw sa hinaharap. Labag talaga sa kalooban ko nung una, pero sa pagtagal ng pagtratraining ko, i came to love the sport. Ang dahilan lang naman kung bakit umayaw ako sa PE ay dahil ginamit to ng mga bully para saktan ako noon. Cliché man pakinggan pero sa tuwing naglalaro kami ng dodge ball or volleyball, ako palagi target.. ginawa pa kong human target practice. -_-

"Tara na sa locker room. Magpapalit pa tayo ng PE uniform." Tumango na lang kami ni Lynne sa sinabi ni Jella. Nilikom ko na yung gamit ko bago sumunod sa kanila palabas ng room. Nagpunta kami ng locker room at agad nagpalit ng uniform. Simple lang yung PE namin. White shirt na may logo ng school at hanggang tuhod na blue jogging pants. Matapos namin magpalit ay agad kaming pumunta sa Gym. Nandun na rin yung mga kaklase namin pati Teacher.

"Ok, Class. Gather up! I have a few instructions.." bati samin ni Mr. Castro. Pinaupo kami sa gitna ng malaking gym. Grabe. Feeling ko nasa Olympic Games kami sa ganda at laki ng gymnasium. Sa left side, may average side na volleyball court. Sa right naman, may basketball court. The space in between( where we are currently sitting) is divided into three courts. The first one was for badminton, the second or the middle was vacant while the third one was for gymnastics. All-in-all, may limang court dito sa loob ng gym. Wow. May nakita rin akong soccer field at track and field sa may likod ng highschool building. Tapos, balita ko may Olympic size na pool sa may college building. Grabe ang SA sa pagspoil ng mga athletes nila..

"Psst! Lynne. Jella." Pabulong kong tawag sa dalawa kong kaibigan.

"Huh?" sabay nilang tanong.

"Bakit vacant tong gitnang court?" Takang tanong ko sa kanila. Nacurious kasi talaga ako.

"Ah, kasi allotted talaga ang space na to para sa tuwing nagkaklase, nagbibigay ng instructions or pag nag-aannounce ang teacher." Napa'ah' na lang ako sa explanation ni Jella. Well, that explains it.

"Pero, bakit nandito ang taga-ibang section?" pahabol kong tanong nung nadapo sa pintuan ng gym ang mata ko. Nakita ko kasing pumapasok ang taga kabilang section. NakaPE din sila tulad namin.

"Joint class kasi ang PE. May tatlong sections ang third year. 3-Canis Major, 3-Canis Minor at 3-Planets or much known as the Elite Section. Kaso, kahit na joint class to, hindi pa rin kasali ang Elites. May special classes kasi sila." Teka? Ngayon ko lang ata narinig yun ah.

"Elite section?"

"Lahat ng year level merong Elite Section. Sila yung pinakamalalakas sa batch nila. Since may 4 years ang highschool, ipinangalan sa kanila ang mahahalagang terms sa space such as 1-Stars, 2-Galaxy, 3-Planets at 4-Sun. The remaining sections were all named after constellations." Wow. Pati pala pangalan ng sections, may meaning pa.

"Teka, bakit nga ba inspired sa outer space ang school na to?" Actually, matagal ko ng gusto malaman kung bakit. Nahihiya lang ako magtanong.

"Huh? Well, bukod sa mahilig sa astrology ang founder ng school, may hidden meaning pa yun. The Universe is an endless mystery. We don't know how big or what else is beyond our Galaxy. We don't even know where it came from or when it started. Much like Magic. Hindi natin alam kung saan ito nagmula or nagsimula. For the founder, Magic and the Universe is much alike. Both full of mysteries that are just waiting to be discovered." Napakanganga na lang ako sa sinabi ni Jella. Literal. All this time akala ko trip-trip lang yung pangalan at theme ng school.

"Seriously? The-"

"Listen up, Students!" Di ko na natuloy ung sasabihin ko kasi biglang nagsalita yung teacher namin. Mukhang magsisimula na siya. Magkahiwalay ang dalawang section na nandito ngayon. Nasa left side ung section namin while sa right yung kabila. Napansin ko rin na kabilang sa kanila si Lilian at yung mga barbies niya. Nako naman..

"Normal routine na lang muna tayo ngayon. The boys will play basketball while the girls will play volleyball. Canis Major vs. Canis Minor. Dapat lahat makapasok sa court. I will be listing the players. In the end of the game at may kahit isang hindi nakapaglaro, disqualified ang team niyo kahit na kayo pa ang panalo. Am i clear?" I groaned. Great.. Malamang sa malamang, ako ang magiging target ni Lilian. Hindi ko rin kilala ang mga tagaMinor. Baka may hidden grudge yung iba sa kanila sakin dahil sa rumor na yun. Urgh! Sana makalabas ako sa gym na to ng buo at buhay!

"There will only be three rules. Using your ability isn't allowed, no cheating and display sportsmanship. " nagdisperse na lahat matapos ung instructions ni Mr. Castro. Nagpunta kaming mga babae sa left side kung nasaan ang volleyball court while the boys went to the right. Nagsisinungaling ako pag sinabi kong hindi ako kinakabahan. Hindi naman sa takot ako sa bola. Magaling naman ako umilag at marunong naman magreceive at spike kahit papano. Sa players sa kabilang team ako kinakabahan. Possible nga na makalaro kaming lahat. 21 students lang ang bumubuo sa section namin. 9 lang ang babae. Sa Minor, 10 naman. Thank God hindi ako kasama sa first 6. Naupo ako sa tabi ng court kasama sina Lynne para manood. Atleast magagawa kong obserbahan ang kalaban bago pa man ako maglaro.

Pumito na ang referee at agad nagsimula ang first set. Kasali sa first 6 ng Minor si Lilian. And wow lang ha. Ang galing. Siya yung first na nagserve at nakahawak ng bola. Overhead yung ginawa niya. Shitaki Mushrooms lang! Ang bilis! Dahil sa speed ng bola, walang nakareceive ng tira niya. Grabe. First point goes to Canis Minor.

The game went on like that. Si Lilian talaga yung nagdala sa kabilang team. Napalunok na lang ako sa kaba. Wwaahhhh.. Ayoko na tuloy maglaro! Pupuntiryahin ako ng plastic barbie doll na yan!

"Substitution! Ms. Madrid out. Please take her place Ms. Quartz." Inaanak ka nga naman ng ninong mo. Ayoko pa pumasok! Kalhati pa lang naman ng First Set.

"Goodluck, Alli.." bulong sakin ni Jella sabay tapik ng balikat ko. Nadrain naman lahat ng kulay sa mukha ko. Fudge lang! Ako nga!

∞★♛★∞

Please follow me,

Read,

Comment or PM,

And vote!

Love lots,
★JeRein_14

Stellar Academy (School Of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon