Stellar Academy
School of Magic
By: JeRein_14✴ ✴ ✴
Chapter 18: Ability
Alli's POV
Hindi ko binanggit o sinabi kina Jella yung tungkol sa meeting ko kasama ang Elites. Ayokong pagmulan ng bagong issue. Sinabi ko na lang na may tinanong si HM sakin tungkol sa nangyaring insidente sa pool. Buti na lang hindi na sila nagtanong pa o pinush pa ang subject na yun.
It's been a week since that meeting. Hindi ko na ulit nakita o nakausap yung Elites o si Aries simula nun. Hindi na rin ako nagtaka kasi paniguradong busy yung mga yun. Given that they're the star section of our batch and is known as descendants of actual Gods. Masasabi kong normal na ang lahat. Except the fact that I can slightly manipulate water. Not out of the ordinary, I know..
Nadiscover ko to habang naliligo ako isang araw makalipas ng meeting. Habang nakababad ako sa bath tub, nirereplay ko yung mga nangyari nung nakaraang araw. I was so deep in thought. Inaalala ko kasi ang lahat ng pangyayari. From the near death scene with the shark to the meeting with the Elites. Andaming ganap sa span of two days na yun. Mukhang official na Descendant na talaga ko ni Neptune. Naalala ko tuloy yung mga moments na kaharap ko yung pating sa ilalim ng tubig. Yung parang panandaliang nakontrol ko yung tubig para mailayo sa kin yung shark. Maybe.. Just maybe..
Nagconcentrate ako nun. Nagfocus ako sa tubig. Sa calmness at peacefulness na dala nito. I tried to envision it following my commands. Mariing tinitigan ko yung tubig. 30 seconds.. 1 minute.. 3 minutes.. 5 minutes.. wala pa ring nangyayari. Susuko na sana ako nun. Itinaas ko yung kamay ko para isuklay sa buhok ko, kasabay nito ang paglutang ng small portion ng tubig. Sa gulat ko, nawala ng tuluyan ang concentration ko, kasabay ng pagbagsak ng tubig. I tried it again. It took me another 20 minutes to actually do it once more.
Simula nun, nagstart na kong magpractice. During my night baths, inaabot na ata ako ng mahigit isang oras sa banyo para lang mag-ensayo. After classes naman, nagpapalusot ako kina Jella para pumuslit sa library at manghiram o magbasa ng libro tungkol sa Water ability/manipulation. I've been practicing on my own for a week now. Walang nakakaalam tungkol sa improvement ko. Not my roommates, not the Elites, HM, not even Aries. Hindi ko alam kung bakit ko ito tinatago. Siguro dahil ayokong maging pabigat sa kanila. I don't want to burden them with me. Mapride na kung mapride pero ganun talaga ako. Sasarilinin ang problema kesa i-share sa ibang tao. Feeling ko kasi pag ganun, dinadamay ko sila sa problema ko. Ayoko ng ganun.
As of the moment, I can control water for a maximum of 10 minutes straight. Kaya ko itong pagalawin o pasunudin gamit ang daliri ko. Yun pa lang yung naaccomplish ko. But that's better than nothing, right? Siguro yung mark na nag-appear sa wrist ko ang nagpagising or nagfully trigger ng ability ko. Speaking of which, yung gem na natanggap ko, ginawa ko itong kwintas. Araw-araw ko itong sinusuot, tinatago sa loob ng blouse ko. Yung mark naman, hindi siya mahirap itago. Since mahaba naman yung coat ko, hindi ito visible. Just to be careful, I also wear a wrist band over it.
Ito kasi bilin sakin ni HM. Hangga't maari daw, walang pwedeng ibang makaalam tungkol sa pagiging Royal Descendant ko. Pinanghahawakan niya yung conclusion na merong spy sa school. He believes that I was threatened because I was seen close to Aries and Zero. (Tch. As if..) Hindi dahil sa pinaghihinalaang isa ako sa 77th Generation. Sa bagay, the enemies would do everything just to break their targets. Kahit pa man damay sila ng inosenteng tao. He concluded that the spy tried to hurt me because I was close to them, not due to the fact that I'm related to Aries. Sa palagay niya, hindi ito alam ng spy. Na kambal kami. Which was a good thing.
Though, How was that a good thing?! May nagtatangka sa buhay ko at mabuting bagay pa rin?! Yung totoo?!
Tuesday ngayon. Sa mga oras na to, nasa Literature Class ako. Tungkol sa isang tula ni Edgar Allan Poe yung topic namin. Hindi ko lang alam ang title since I dozed off the second our teacher started the lecture. Iniisip ko pa rin kasi yung tungkol sa water ability ko. Ito na nga kaya ang pinaka-ability ko? Kung tutuusin, maaari naman. Sabi ni Aries, may connection daw sa tubig ang abilities namin since descendant daw kami ni Neptune. Ice and Storm Manipulation and kanila. Posible nga bang water mismo ang akin? Wow. Opposite kami ni Aries kung nagkataon. Opposite with major similarities. Solid and liquid. Magkaiba kami ng ugali dahilan para madalas kaming mag-away. Despite that, isang klase ng dugo lang ang dumadaloy samin. Given that we came from the same family, blood line and all. What more, kambal kami. Twins that are polar opposites. How ironic, right?
"Ms. Quartz? Are you still with us?" Agad naman akong napatinggin sa teacher namin. Laking gulat ko nung narealize ko na lahat ng mga kaklase ko nakatinggin rin sakin. Shitzu lang. Nakakahiya! Nahuli nila kong nagdadaydream!
"Y-Yes, m-ma'am.." hiya kong sagot. Tama naman, di ba? Talaga namang kasama nila ko! Maka'are you still with us', hindi naman ako umalis! I'm still physically here! Hindi nga lang kasama yung mental, hehehe..
"Then would you kindly give us a qoute from Edgar Allan Poe?" Oh, fuckaging tape! Wait.. may alam pala ako!
"I'm a writer. Therefore, I'm not sane." Sabi ko. Mukhang nagulat naman yung teacher ko. Akala niya siguro di ko masasagot! Bestfriend ko kaya si Pareng Edgar! Close kami niyan eh!
"C-Correct. You can t-take your seat." My lit teacher cleared her throat, motioning me to seat. Nag-mental dance ako sa saya. Buti na lang hindi ako napahiya! Thank heavens, sobrang idol ko si Edgar Allan Poe!
Through out the class, panay ang tinggin sakin ni Ma'am. Gusto ata ulit akong hulihin at ilagay sa hot seat. Syempre nakinig na ko. Ayokong maranasan ulit yun. Kainis kasi! Bakit kasi nun ko naisipan magdaydream! Nahuli pa tuloy ako!
∞★♛★∞
It's been a long time!!
Please follow me,
Read,
Comment or PM,
And vote!
Love lots,
★JeRein_14
BINABASA MO ANG
Stellar Academy (School Of Magic)
FantasyStellar Academy A School of Magic By: JeRein_14 ✴ ✴ ✴ Description: Isa lamang siyang normal na babae. At least yun yung pagkakaalam niya... Lahat ng paniniwala niya, biglang nagbago ng dahil sa isang aksidente at sulat. Sa isang iglap, naglah...