Stellar Academy
A School Of Magic
By: JeRein_14✴✴✴
Chapter 25: Morning Visit
Alli's POV
It's been a hellish week. 7 freakin' days na kong physically, emotionally and mentally tired. Sunday na ngayon at para akong lantutay na gulay kung makahiga sa kama ko. Since weekend nga, ibig sabihin may 10am-6pm training session ako kasama si Zayne. One week na kong nag-eensayo and happy to say, ang laki na ng naimprove ko. Kung ikukumpara sa pagseself train ko noon, halos dumoble ang bilis ng progress ko pagdating sa pagkontrol ko ng tubig. In just a span of 6 days, i now got the hang of controlling my own element. Tipong kaya ko na siyang kontrolin at hulmahin sa ano mang hugis na gustuhin ko.
In fairness, magaling magturo si Zayne. Sa ilang oras na pagtatraining namin tuwing gabi, ang dami ko ring natutunan. He even told me that i'm ready to learn more complicated spells. Defensive and offensive. Worth it naman ung paghihirap ko kahit papano. Yung page-endure ko sa pangbubully ng mga school mates ko at walang humpay na pakikipagtalo sakin ni Zayne. And before you ask, yes. Nagpapanggap pa rin kaming couple. Nakagaan naman sa trabaho ko yung napili naming style. Love-hate Relationship. Tipong away-bati. Hindi sila naghihinala sa tuwing nakakasalubong nila kami na nag-aaway since akala nila yun yung way namin ng pag-eexpress ng feelings namin. Yuck. Di nila alam, actual fights at asaran yung nakikita nila. That we actually want to rip each other's head off. No acting required.
In my friends eyes and perspective, ang cute daw naming tingnan. Nakakakilabot lang isipin. Urgh. They ask such silly questions.
"How do you feel about Zero?" Tanong sakin ni Lynne isang beses.
"A very strong feeling." Tugon ko.
"Ayyiieeh-"
"A very strong feeling of hatred and loathe that will later on lead to a desire of killing him off, feeding him to my pet tiger, sacking his remains the throwing it in the very middle of the Pacific Ocean for the sharks to find." Tinigilan na nila ko nun. Mukhang natakot ko ata sila. I knew i went overboard but I don't really care. At least they stopped pestering me about Zayne.
Nakahiga ako ngayon sa kama ko, nakatingin lang sa ceiling. It's only 5 minutes past 8 kaya marami pa kong oras maghanda para sa training namin mamaya. Tch. Hanggang ngayon ang sakit pa rin ng katawan ko dahil sa mga pinagagawa sakin ng bwisit na devil na yun. He orders me to do 100 push-ups, sit-ups and jumping jacks for warm-up lang yun. Tas kahapon, pinagbabato niya ko ng fire ball. He said it was part of my training. That one's ability is mostly hone and developed by near death experiences. Grabe. Ang dami ko kayang burn marks. I'm telling you. That guy doesn't have any sense of control!
"Alli? Gising ka na ba?" Sabi ni Jella habang kumakatok sa pinto ko. Huh? Ano kayang kailangan niya? We don't usually wake each other up tuwing weekends. Madalas kasing late kami bumangon ni Lynne kaya hindi na nagbobother si Jella. She just cooks us breakfast and let us sleep in.
"Yeah?" Tawag ko sa kanya. Binuksan niya yung pinto at sumilip, a sly smile on her lips. Teka.. Anong meron?
"You should wash up. Someone's waiting for you at the living room." Umalis na siya matapos nun. I froze. Sinong nandito para sakin? Halos ngumisi si Jella kanina. Wait. Baka si Devil yun! She only makes that face when she's teasing me about him! Shitzu! Nagmadali akong tumakbo papuntang banyo para mag toothbrush at mag-ayos ng sarili. Mamaya na lang ako maliligo bago ako umalis para magtraining. Nakajogging pants at black sando na pinatungan ko maroon knitted sweater lang ako pero hinayaan ko na. Kung si Zayne nga yun, wala na akong pakealam kung mukha akong manang o bruha. I don't really care kung mapangitan siya sakin. I'm not really trying to impress the guy.
Lumabas na ko ng kwarto ko. Tulad ng inaasahan ko, si Zayne nga. Nakaupo siya sa sofa habang nagcecellphone. Hindi ko siya binati. Dumiretso ako sa may kusina at naupo sa lamesa para kumain ng almusal. Mukhang masarap yung niluto ni Jella.. Kumuha na ko ng bacon, omelet at hotdog at nagsimulang kumain. Wwaaahhhhh. Ang sarap! Sa pagnamnam ko ng pagkain, di ko namalayan na may umupo na pala sa tabi ko. Nung napansin ko na tumabi nga sakin si Zayne, nakita kong kumakain na siya. Aba't ang kapal rin ng mukha nito.
"Sinong may sabing pwede kang kumain?" Mataray na tanong ko sa kanya. Hindi niya man lang ako tiningnan. Nagpatuloy lang siya sa pagkain.
"Sino rin bang nagsabi sayong huwag mo kong pansinin?" Siya pa ang galit? Sa pagkain niya lang siya nakatingin. Tch. Mabulunan sana to. Ang takaw!
"Sino ba kasing nagsabi sayong puwede kang pumunta dito?! Ni hindi ka man lang nagpapaalam sakin!" Paghihimutok ko.
"Sino bang may sabi na dapat magpaalam sayo para makapunta sa dorm niyo? The last time i check, you don't own this place." Aba't humihirit pa!
"Sino bang may sabi na inaangkin ko?"
"Sino bang may sabing bawal ako dito na parang pagmamay-ari niya yung lugar?"
"Sino ba kasing nagsabi na pumunta ka dito? You're obviously not welcome!"
"Sinong may sabi na hindi? Your roommate welcomed me. She even offered me drinks."
"Sino bang—"
"Isa pang 'Sinong may sabi', sisipain ko kayo palabas. Ang kulit niyo ha!" Nagulat kami ni Zayne nung biglang may umawat sa pag-aaway namin. Nilingon namin yung nagsalita. Si Jella. She was standing on the other end of the table, glaring at us. Should have seen this coming. Hindi kasi morning person si Jella. Mas mainitin ang ulo siya pag umaga. Si Lynne naman, nakasilip samin sa may living room. Mukhang nagising namin siya since may 'bed hair' pa siya. Nakangisi ito at nagpipigil ng tawa.
"Sorry." Bulong ko at nagpatuloy sa pagkain. Hindi naman umimik si Zayne. From the corner of my eyes, i saw him smirking. Tch. May gana pa tong tumawa?! Sa inis ko, tinapakan ko yung paa niya. He winced and glared at me na agad kong sinuklian.
"Humanda ka sakin mamaya. You're dead." He whispered. Agad akong namutla sa sinabi niya. Shitaki Mushrooms! Lagot ako sa training namin mamaya!
∞★♛★∞
It's been a long time!!
Please follow me,
Read,
Comment or PM,
And vote!
Love lots,
★JeRein_14
BINABASA MO ANG
Stellar Academy (School Of Magic)
FantasyStellar Academy A School of Magic By: JeRein_14 ✴ ✴ ✴ Description: Isa lamang siyang normal na babae. At least yun yung pagkakaalam niya... Lahat ng paniniwala niya, biglang nagbago ng dahil sa isang aksidente at sulat. Sa isang iglap, naglah...