------SIX------
"HOW'S the date?" malisyosang tanong ni Marla
Naglalunch silang muli sa favorite restaurant nila.
"Anong date?" tanong ni Kat habang hinihiwa ang steak.
"Duh! The "date""
Ngumuso si Kat at naalala iyong nangyari noong nakaraang araw. Mukhang nagalit si Glen sa kanya and since then, hindi pa sila nagkikitang muli.
"Wala 'yun."
"Anong wala 'yun? Ibig sabihin wala pang spark na naganap?"
"Eh anong gusto mong mangyari aber?"
Si Marla naman ngayon ang ngumuso.
"Edi napunta lang sa wala ang plano ko." sabay subo.
Uminom muna si Kat bago muling nagsalita..
"Anong plano?"
"Ha? ah... W-Wala."
"Marla?"
Napangiwi ang dalaga.
"T-tinext ko sila Mama at Papa mo na magkunwaring umalis or whatsoever para kapag dumating na kayo ni Glen,walang tao sa bahay tapos sakto pang wala kang susi so......"
"So?!?!? Alam mo bang nang dahil doon------"
"Ano? Anong nangyari?" excited na tanong ni Marla.
"Wala! Bruha ka talaga!"
"May nangyari no? Nagkiss na ba kayo? Kwento naman!"
"Tse! Magtigil!"
---------------------------------------------------------------------
BUSY sa pagcocomputer si Kat nang tumunog ang kanyang cellphone.
"Hello?"
"Sistah."
Napakunot ang noo ng dalaga.
"Sino ito?"
"Si Marla."
"Bakit parang iba ang boses mo?"
"Sinisipon ako. and worst, tinatrangkaso."
"Ano? Nagpacheck-up ka na?" puno ng pag-aalalang tanong niya.
"Oo. Sabi ng doctor dahil sa pabago bagong klima. Pahinga lang daw ang kailangan."
"O sige, magpahinga ka na----"
"Sis, favor naman oh. Kelangan kasi ni Sir Glen yung report ko tomorrow. Pero mukhang hindi ko kayang pumasok. Diba day-off mo ngayon?"
Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga.
"O tapos?"
"Sis, ipapahatid ko na lang yung report ko sa kapatid ko tapos ikaw na ang magbigay kay Sir... Please?" May pagkangongo pa nitong pakiusap.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi.
'Naku naman!' sabi ni Kat sa sarili.
"Sis?"
"Tsk, ano pa ba ang magagawa ko. Ipahatid mo na dito at nang madala ko kaagad kay Glen. Madami pa akong gagawin."
"Thank you sis."
"Welcome. Pagaling ka ha?"
"Uh, Bye." at nawala na ito sa kabilang linya.
Tumayo siya at tinungo ang closet. Nanghagilap siya ng isusuot. Maya-maya's isang jeans at blouse ang napili niya.
BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
Teen FictionA story of a high school sweethearts na nagkita ulit after a long time..