------TWO------
"AW, what the---?!?" at napalingon si Glen.
Sinundan niya ng tingin ang pagkalaglag ng isang bagay na walang dudang nakatama sa batok niya.
Kalalabas niya lang sa isang convenience store at pasakay na muli sa kotse ng may tumama sa batok niya.
Yumuko siya at pinulot ang bagay na nalaglag.
"A sandals?" at nagpalinga-linga siya.
Sa wakas at nahagip din ng kanyang tingin ang isang babae na nakatayo sa may di kalayuan.
Mukhang nag-aabang ng kotse, taxi or whatever. Sinuri niya ang babae.
Nakaside-view ito kaya hindi niya medyo maaninag ang itsura nito.
Nakablack dress ito, maayos naman ang buhok kahit medyo may mga ilang nangalaglag na buhok mula sa pagkakapusod.
May sandals ang isa nitong paa, ang isa ay wala.
'Walang duda, siya nga ang naghagis nitong sandals!' sabi ni Glen sa sarili.
Nilapitan niya ito.
"Miss"
Kaagad na nagpunas ng luha si Kat sabay lingon.
"Bakit?" mataray na tanong ng dalaga.
"Is this yours?" at iniangat ni Glen ang sandals.
Sinuri naman ito ni Kat. Tinignan niya ang suot na sandals tsaka bumalik ang tingin niya sa sandals na lumalawit na ang takong at hawak ng isang lalaki.
"Akin nga iyan. Bakit nasa iyo?"
Sarkastikong napangiti si Glen.
"You are asking me about that? Inihagis mo ito at natamaan ako." saad ng binata na ini-level pa sa mukha ng babae ang sandals na may lumalawit na takong.
Ngumuso si Kat at kinuha ang sandals.
"Sorry." tsaka niya muling isinuot sa paa.
Namamangha at the same time, nagtatakang tinitigan ni Glen ang babae na nagsimula ng maglakad papalayo sa kanya.
Iika-ika ito dahil sa sirang takong ng sapatos na sinuot nitong muli.
'Kung baliw ito, bakit ang ayos niyang manamit?' sabi ni Glen sa sarili.
Iiling-iling na namulsa ang binata at balak ng tumalikod ng makita niya ang pagkaout of balance ng babae.
Napasalampak ito sa kalsada.
Mabuti na lang at walang medyong tao sa lugar kung hindi, kahihiyan ang inabot ng babae.
Nag-aalangan siya kung tutulungan niya ba ito o hindi.
'Marunong naman siguro siyang tumayo.' sabi ni Glen sa sarili.
Ngunit ilang segundo na ay hindi pa rin ito tumatayo. Nakaupo lang ito sa kalsada at animo'y may malalim na iniisip.
Napatingin siya sa paligid. Wala ngang masyadong tao.
Baka mapano yung babae kung iiwan niya.
'Pero mukha naman siyang matino.' sabi ni Glen sa sarili.
Mga ilang minuto pa siyang nagnilay-nilay kapag daka'y nilapitan na niya ang babae.
"Miss... Miss, do you need any help?"
Suminghot ang babae at umiling.
Napabuntong hininga si Glen.
"Miss, nadudumihan ka na. Naka ayos ka pa naman. Baka mapagtripan ka dito. Tumayo ka na diyan."
BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
Teen FictionA story of a high school sweethearts na nagkita ulit after a long time..