CHAPTER NINE

25 0 0
                                        

------NINE------

"MANONG bayad po." saad ni Kat sa tricycle driver.

Nang makababa ay tinungo niya ang gate at nagdoorbell. Maya-maya pa ay lumabas doon si Kurt at pinagbuksan siya ng gate. Ngiting-ngiti ang kapatid niya kaya nagtataka na siya.

"Anong meron?" Pagod niyang tanong. Kakagaling niya lang kasi sa trabaho.

"Wala."

Sinapok niya ito.

"Wala ka diyan! Eh ba't ngiti kang aso diyan?" tanong niya tsaka binuksan ang pinto ng bahay.

Nadatnan niyang nanonood si Karen sa sala. Humalik din siya dito.

"Sila Mama at Papa?"

"Nandoon sa kusina. Kasama iyong labidabs mong gustong magpaimpress."

"Ano?" taka niyang tanong.

"Wala! Ang chee-cheesy niyo!" usal ni Karen na animo'y nangangasim pa ang mukha.

Nagtuloy siya sa kusina.

"Ma, Pa----------------Glen?"

Nahihiyang ngumiti ang binata.

"Hi." saad nito habang may hawak na sandok.

"Anong---- ginagawa mo dito?"

"Peace offering."

"Sweet 'no anak?"

"Ma!"

"Maiwan muna namin kayo." saad naman ng kanyang ama.

Naitirik niya pataas ang kanyang mata.

"Ano naman ang ginagawa mo?" kunwari pagtataray niya.

"Nagpaturo ako kung paano magluto ng beef stroganoff. Balita ko paborito mo iyon."

"Patikim?" tanong niya na may taas-taas kilay effect pa.

Ngumiwi ang binata. Nangamot muna sa batok bago pinatikim sa kanya.

Syempre, bago bigyan ng hurado, kailangan may pasuspense effect muna.

"Sorry." saad nito na nagpahinto sa pang-aasar na binabalak niya.

"Nag sorry na rin ako kay mommy. Pasensya na kung lagi kitang nasusungitan."

Bumuntong hininga ang dalaga.

"Pwede mo na bang ikwento sa akin iyong sa States?"

"Ha? Ahm... Pwedeng huwag muna? Next time na lang."

Ngumuso ang dalaga.

"Ah, ano? Pwede na ba?" nag-aalangang tanong ni Glen.

"Paano ko pa masasabing medyo matabang kung inunahan mo na ako ng sorry?"

"Nasabi mo na nga eh..."

Napangiti ang dalaga.

"Kumain na nga tayo! Ma, Pa, Kurt, Karen, Kain na!" tawag niya sa mga ito.

Katahimik naman ng bahay pero ba't hindi siya narinig.

'Asus! Ang pamilya ko talaga! Hindi KJ.... he,he,he ;))))' sabi ni Kat sa sarili.

---------------------------------------------------------------------

"OH." at inabot ni Kat ang tasa ng tsaa kay Glen.

Nasa likod-bahay sila nila Kat. Nakaupo sila sa damuhan, nakatingin sa mga bituin sa kalangitan.

"Ang ganda...." bulalas ni Glen.

"Ko? Salamat!" masayang saad ni Kat tsaka tumabi sa binata.

Nakangiti namang sinulyapan siya ng binata. Humigop ng tsaa ang dalaga. Pagkababa sa tasa ay tiningnan niya rin si Glen na pareho niyang naka indian seat sa bermuda grass.

"Uhm, bakit?"

"Alam mo, gumanda ka nga." saad ni Glen.

"Weeh! Joke, joke, joke!" kwelang saad ng dalaga.

"Seryoso. Dati napakasimple mo. Hindi ka maghihikaw kung wala rin lang okasyon. Ngayon, simple pa rin pero I like it even more."

Napalunok ang dalaga. Napakalamig ng panahon pero bigla siyang nainitan at feeling niya, sobrang pula ng mukha niya. Idagdag mo pang titig na titig sa kanya si Glen. Matagal na sila sa ganoong posisyon hanggang sa siya na rin ang nagbaba ng tingin.

"Speaking of... Ahm, Ehem, childhood moments. Natatandaan mo pa ba yung pinangako mo noon?" tanong ni Kat para maiba na ang usapan.

Kumunot naman ang noo ni Glen.

"Pangako?"

Tumango ang dalaga.

"Naasar ka kasi sa akin dahil sinabihan kitang bakla. Nagalit ka, nagsulat ka sa papel at sinabi mo doon na hindi ka bakla at papatunayan mo iyon. After 10 years, pakakasalan mo ako basta ba single pa rin tayo. Remember?"

Lalong nagdikit ang kilay ng binata. Hanggang sa...

"Alright, I remember na. Napikon kasi ako sa iyo noon eh."

"Pero--- May balak ka ba talagang tuparin iyon?"

"Ha?"

"Single ka pa rin ba?"

Bumuntong hininga si Glen.

"Change topic."

Sumimangot naman si Kat.

"Why? Siguro may mahal ka doon sa States no? Ang kaso lang, ayaw niya sayo."

Unti-unting lumungkot ang anyo ng binata. Bumuntong-hininga ito ulit tsaka nagsalita.

"Tama ka... May mahal akong iba."

Si Kat naman ngayon ang nawalan ng ngiti sa mga labi. Parang piniga ang puso niya. Sobrang sakit!

"May mahal akong iba kaso lang---- Hindi na pwede." malungkot nitong saad.

Lumunok muna si Kat bago muling nagsalita.

"Ba-- Bakit?"

"Hindi na kami pwede pang magkita."

"Kung mahal mo siya, walang hindi pwede. Kung mahal mo siya, gagawin mo ang lahat!" naiinis at naluluhang saad ng dalaga.

Napangiti ang binata.

"May mga bagay na akala natin napakadaling solusyunan, napakadaling lagpasan. Kapag hindi tayo iyong nasa posisyon, napakagaling nating gumawa ng paraan. Pero kapag tayo na ang nakaranas, parang gustong sumabog ng dibdib natin kasi wala tayong magawa. Siguro habang buhay na na magkakaroon ng empty space sa puso ko."

Mahabang katahimikan. Kapagdaka'y......

"It's getting late. I need to go home. Good night Kat." at tumayo na ang binata.

Nakayuko pa rin ang dalaga. Kasabay ng pagtulo ng kanyang luha ang pag-ipon ng lakas ng loob upang magtapat sa binata. It's now or never! Tumayo din si Kat.

"Glen!"

Huminto ang binata pero nakatalikod pa rin.

"Nakakahiya mang aminin, pero high school pa lang tayo, mahal na kita. Hanggang ngayon, walang nagbago. Kung hindi kayang suklian ng babaeng minamahal mo ang pagmamahal na ibinibigay mo, hayaan mong ako ang gumawa nun. Hayaan mong ako ang magpuno ng puwang diyan sa puso mo." madamdamin niyang saad.

Dahan dahang humarap si Glen.

"Pero Kat---- Oo, gusto kita, pero baka hindi ko maibigay ang pagmamahal na gusto mo----"

"Maghihintay ako." naluluha niyang tugon.

"Ayaw kitang saktan."

"Kaya kong tiisin ang lahat para sayo."

Lumapit sa kanya si Glen. Gamit ang hinlalaki nito, pinahid nito ang kanyang luha.

"Ayokong mangako, Kat. But I'll try my best."

Nakangiting niyakap ng dalaga si Glen.

Mahigpit... Matagal...

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon