CHAPTER THREE

36 0 0
                                    

------THREE------

"SANDALI nga lang eh!" nakabusangot na saad ni Kat.

"Dali kasi!" at nauna ng naglakad papunta sa gate si Marla.

"Dalian natin ha? Ipapaayos ko pa itong sapatos ko." saad niya habang may hawak na paperbag.

"Idispose mo na kasi! Ang daming sapatos diyan! Nagtitiyaga ka sa sapatos na iyan! Natanggal na ang takong, mahal mo pa rin!" nakangusong saad ng chubby niyang kaibigan.

"Eh sa paborito ko eh, dalian mo na ngang magdoorbell!"

"Sandali!" at dahan-dahang nagdoorbell si Marla.

Naghintay sila, mga limang minuto na ata ang nakakalipas, wala pa ring lumalabas.

"Ay, baka walang tao." bulong ni Marla.

"Kung magdoorbell ka kasi----" at nilapitan niya ang doorbell, tatlong beses at sunod-sunod niyang pinindot ito.

"Hoy, Ano ba!" saway sa kanya ni Marla. Ang tagal eh!"

" Manners Katrine, Manners. Parang di ka CPA niyan eh. Hindi lahat ng tao, kagaya ni Paul, kaya huwag mong kagalitan ang lahat."

"Shut up." nakasimangot niyang saad.

"Tao po, yuhoo! May tao po ba diyan?"

-----------------------------------------------------------------------------------------------

NAPAPIKIT si Glen. Sakit talaga ng ulo ang mga kapit-bahay.

"Wait Ma." saad niya sa kabilang linya.

Lumipat siya sa bintana at hinawi niya ang makapal na kurtina.

May dalawang babae na kumakatok sa kanyang gate. Doorbell pa ng doorbell.

Umalis siya sa kurtina.

'Sana naman maisip nila na baka umalis iyong may-ari ng bahay...' sabi ni Glen sa sarili.

"What's the matter hijo?" saad ng kanyang ina sa kabilang linya ng kanyang cellphone.

"Another neighbors. Ma, look what you have done! They are all making a big fuss about me living in this house alone." naiinis niyang saad.

" Then, why don't you let me stay there?"

Nanlaki ang mga mata ng binata.

"Ma, that's enough! I mean, this is enough! Pumayag na nga akong tumira ulit sa dati nating bahay kahit mas gusto kong mag condo dahil may privacy, sasamahan niyo pa ako dito? Ma, don't you get the point about me back here in the Philippines? I want some privacy. I want to be alone----"

"And you want to forget? Yes, I know your reasons but, my son, it is good to have some people around you. And I thought you like to live there? When you were a kid you enjoyed living there----"

"Ma, thank you but----"

Maraming tunog ng doorbell na naman ang narinig niya.

Napasulyap siyang muli sa bintana. Tsaka niya lang napagtanto na hindi niya pala naiayos ang pagkakabalik sa nahawing kurtina.

Ayun! Kitang-kita siya ng mga makukulit na kapit-bahay.

'Wala ng ligtas.' sabi ni Glen sa sarili.

"Ahm, Ma, I'll just---- I'll just call you later. Bye."

"Bye my son. Take care, I love you."

"You too." at nawala na sa linya ang boses ng kanyang ina.

Bumuntong hininga muna siya bago binuksan ang pinto. Nagtuloy siya sa gate tsaka binuksan.

"What can I do for you?" tanong niya.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon