CHAPTER SEVENTEEN-EPILOGUE

32 1 0
                                    

--------SEVENTEEN--------

HINDI alam ni Kat kung saan pupunta. Ang mahalaga ay ang makalayo siya. Lakad takbo ang ginawa niya. Maya-maya ay may humila na sa kamay niya.

"Kat, let me explain."

"Get off me!"

"Kat!"

"Get off!" at pilit na nagpumiglas ang dalaga.

"Kat!" at hinawakan na ni Glen ang dalaga sa magkabilang balikat.

"MAHAL KITA!"

Buong lakas na tinanggal ni Kat ang mga kamay ni Glen.

"Mahal? Tapos ano? Sasaktan mo na naman ako kasi mare-realize mo na mahal mo pa rin si Yanyll? Ganoon ba?!?" at tumulo na ang luha ng dalaga.

"Kat, makinig ka naman muna oh! Mahal na kita. At oo, tanga na ako! Tanga ako kasi narealize ko lang iyon nang mawala ka na. Buong akala ko ay si Yanyll pa rin ang nasa puso ko pero nasa isip ko na lang pala siya. Kasi ikaw na ang nandito." at tinuro ng binata ang tapat ng kanyang puso.

Nagpunas ng luha ang dalaga.

"Glen, tama na. Hindi ko na kayang maghintay."

"Kat, hindi ka na maghihintay. Ano ba ang kailangan kong gawin para maniwala ka? Gusto mo akong saktan? Sige lang, dali! Maniwala ka lang sa mga sinasabi ko!"

Kinuha ni Glen ang kamay ni Kat tsaka nito kinontrol at itinatama sa pisngi nito.

"Sige, sampalin mo ako! Samapalin mo na ako!!!" at tumuo na ang luha ng binata.

Napahagulgol na rin si Kat.

"Kat, mahal kita. Ikaw ang nagpabago sa buhay ko. Napakalaki ng pagsisisi ko noong hinayaan kitang mawala sa akin at hindi ko na hahayaang mangyari pa iyon ulit. Wala na akong pakialam sa nakaraan. Ang mas mahalaga sa akin ay ikaw."

Hindi na napigilan ni Kat ang sarili. Lalong tumulo ang mga luha niya. Dandahang pinahid niya ang mga luha ni Glen.

"Kahit kailan, hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo."

Napangiti si Glen. Hinuli ang kamay ni Kat tsaka hinalikan ng punong-puno ng pagmamahal. Matapos iyon ay niyakap niya ang dalaga. Mahigpit, matagal.

Sinulit nila ang mga panahon na sila'y nagkahiwalay...

------------------------------------------------------------------

AFTER NINE MONTHS.....

"Hmmm, after 10 years kaya, napano na tayo?" tanong ni Kat habang nakasandal sa dibdib ni Glen.

Nakaupo sila sa buhanginan sa beach ni Glen. Ang beach kung saan naganap ang reunion.

"Malay mo magkaapelyido pa rin tayo... At hindi lang after 10 years kundi after forever and ever!"

"AMEN!" singit ni Kat.

Ngumiti si Glen at lalong hinigpitan ang yakap kay Kat.

"I love you Mrs. Yulo."

"I love you too.." masayang saad ni Kat.

"Maiba ako, natandaan mo ba iyong araw na nagbreak kayo ni Paul?" tanong ni Glen.

Napakunot-noo siya. Naikwento na kasi niya kay Glen na nagbreak sila ni Paul noon dahil umamin itong may puso itong babae.

"Oh, bakit?" nagtataka niyang tanong.

"Natandaan mo ba nung hinagis mo yung sandals mo noon? May sinungitan kang lalaki." nakangisi nitong saad.

"Oh...?" maya-maya ay nanlaki ang mga mata ni Kat.

"Ikaw yun? Ikaw yung nahagisan ko ng sandals tsaka yung nasungitan ko?"

"Ahuh!"

"Sorry Daddy!!!" at nagpeace sign pa siya. Tumawa naman si Glen.

"Nasa akin pa nga iyong sira mong sandals."

"Di nga?!?"

"Oo!"

"Ay! Nakakahiya!"

"'Sus! Kiss mo na lang ako." at iminwestra nito ang pisngi.

Ngumiti si Kat tsaka kiniss ng matunog si Glen sa pisngi.

"Isa pa." saad ni Glen.

Ginawa naman ni Kat hanggang sa paulit ulit na niyang ginagawa.

Kiniliti siya ni Glen at napahiga sila sa buhangin. Nakapatong si Glen sa kanya.

"Gusto kong dugtungan iyong sinabi ko noon." saad ng lalaki tsaka hinaplos haplos ang mukha ni Kat.

"Sinabi mo noon? Ano yun?"

"Love is not trying to find out a person's past for the past does not includes you. Only the present involves you..."

"Anong dinagdag mo doon?"

"Ha? Edi, only the present involves you, syempre pati future diba?" at kumindat pa ito. Ngumiti si Kat.

"Yihee! Sobrang cheesy ng mister ko!!!"

"Ah, ganoon ha!" at kiniliti pa siya nito lalo. Lalo naman siyang tumawa.

Nang mapagod ay pinagdikit ni Glen ang noo nilang dalawa. Nakapatong pa rin ito kay Kat na nakahiga pa rin sa buhangin.

Nagtitigan sila. Maya-maya ay nakakalokong ngumiti si Glen. Pinadaanan niya ng maliliit na halik sa buong mukha si Kat.

Huminto ang maliit nitong halik sa tungki ng ilong ng babae. Masuyo nitong tinitigan si Kat.

"I love you." bulong nito.

"Mas mahal kita." sagot niya.

Marahang pinagsalikop nito ang kanilang mga labi. Marahan ngunit punong puno ng passion. Animo'y bawat oras ay wala silang sinasayang. Parang wala silang pakialam kung may makakita man sa kanila.

Lumalim pa ang mga halik ni Glen na nagsimula nang maglakbay ang mga kamay nito sa katawan niya. Tinugon naman iyon ni Kat at pumulupot na ang mga kamay niya sa batok nito.

Bumaba ang halik ni Glen sa panga niya pababa sa kanyang leeg na nagdulot sa kanya ng kakaibang kiliti.

Dahil pareho nang wala sa sarili, hindi na nila namalayan na natanggal na pala ang damit pang-itaas ni Glen at sinisimulan na nitong tanggalin ang damit ni Kat.

Mabuti nalang at humangin. Naramdaman tuloy ni Glen na giniginaw siya. Huminto ito at tumingin sa paligid. Papalubog na ang araw at lumalakas na ang hangin.

"Ituloy na lang natin ito sa kwarto." pilyong saad ni Glen.

Ngumit si Kat.

"Sabi mo eh." at napatili na siya nang bigla siyang buhatin ng lalaki at patakbong tinungo ang kanilang kwarto. Sabay silang nagtawanan...

---------WAKAS---------

(A/N: sana po ay nagustuhan ninyo ang short story na ito.. salamat po sa lahat ng readers!!! mhuah!)

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon