------FIVE------
'GOODNESS! Ano ba ang gagawin ko?!?' sabi ni Kat sa sarili.
Hindi mapakali sa kinauupuan si Kat. Nasa driver's seat si Glen, nagmamaneho at katabi niya ito.
Napakatahimik sa loob ng kotse at maririnig mo lamang ang tunog ng makina.
Hindi na siya mapakali lalo na't amoy na amoy niya ang natural scent nito. Very manly.
Iyong tipong feel na feel niya na babae siya.
"So, how are you?" bigla nitong tanong na nagpagising sa natutulog niyang diwa.
"Ah... I'm---- I'm fine. Ikaw? 2nd year high school pa lang tayo noong last kitang makita. Kumusta ang buhay sa ibang bansa?"
"Good." tipid nitong sagot na nagpasimangot sa kanya.
"Ang laki na ata ng nabago sayo ah! Dati hindi ka nauubusan ng sasabihin, ngayon iisang word na lang."
Niliko ng binata ang manibela at diretso sa kalsada ang tingin.
"Lahat ng tao nagbabago."
"Ayan! Isa pa yan! Super serious ka na! Dati puro jokes at pang-aasar ang alam mo, ngayon puro kaseryosohan. Lagi ka pang nakasimangot. Gaano ba kamahal ang ngiti mo?"
Napailing ang binata.
"Ikaw, wala ka pa ring pagbabago."
"Oo naman. Maganda na ako noon, maganda pa rin ako ngayon." mayabang niyang saad.
Huli na ng mapagtanto niya ang kakapalan ng mukha.
Huminto ang kotse at tiningnan siya ni Glen.
"Kung madaldal ka noon, mas madaldal ka ngayon. Uhm, nandyan ka na." at inginuso nito ang harap ng bahay nila.
Ngumuso din ang dalaga at sinulyapan ang harap ng bahay. Nagdikit an kanyang kilay.
"Ba't ang dilim? Umalis sila?"
Nilingon muli ni Glen ang bahay nila Kat.
Naunang bumaba ang dalaga na sinundan naman ni Glen..
Pumasok si Kat sa gate at tinungo ang main door. Nakalock ito.
'Masyado pang maaga para matulog sila. Anong problema nila?' bulong ni Kat sa sarili.
"Ano na?" tanong ni Glen.
"Nakalock."
"Edi susian mo!"
"Hindi pa nga ako nagpapaduplicate ng susi! Kaasar naman! Baka naglibot sila, di man lang nila ako naisip. Lowbat pa naman ang cellphone ko. Di ko sila matext." nakanguso niyang saad.
Naaasar na bumuntong hininga ang binata tsaka kinapa ang cellphone sa bulsa. Aba! Lowbat din!
"Nagugutom na ako." reklamo pa ni Kat.
Wala sa sariling napahawak na din sa tiyan si Glen. Gutom na gutom na rin siya.
"Alam ko na! Uwi na lang tayo sa bahay mo!" masayang saad ng dalaga.
"Ha? Hu-huwag na. Magulo pa doon----"
"Ayos lang, tara, ipagluluto kita." at nauna nang sumakay muli sa kotse ang dalaga.
Sa isiping ipagluluto siya ni Kat, napapayag na rin ang binata.
Wala pang 30 minutes ay nasa bahay na sila ni Glen.
"Kitchen mo?" tanong ng dalaga.
Itinuro ng binata. Nagtuloy nga si Kat. Binuksan niya ang ref at nangalkal ng pwedeng lutuin. Sinundan siya ni Glen.

BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
Teen FictionA story of a high school sweethearts na nagkita ulit after a long time..