CHAPTER SEVEN

19 0 0
                                    

------SEVEN------

UNTI-UNTING minulat ni Glen ang mga mata. Masama pa rin ang pakiramdam niya pero mas masama iyong kahapon. Pakiramdam niya mabibiyak ang ulo niya.

Umupo siya at nabigla pa nang mahulog ang bimpo mula sa noo niya. Nilibot niya ang paningin.

'Nasaan kaya siya?' sabi ni Glen sa sarili.

Nanghihina siyang bumaba sa kama. Nagtuloy siya sa komedor. Binuksan ang ref at uminom.

Wala ng laman ang ref niya, nagugutom pa naman siya.

Hanggang sa mapadako ang tingin niya sa lamesa. May nakatakip!

Bago niya pa buksan ang nakatakip ay napansin niya ang isang papel na may sulat. Binasa niya ito.

Good Morning!

Umuwi na muna ako sa amin para magbihis papasok sa trabaho. Pag may time ako, babalik ako sa bahay mo para macheck ko kung ayos ka na.

Magpahinga ka muna at huwag munang magtrabaho. Eat well!

P.S. Pag magaling ka na, mag grocery ka naman. If you need help, I'm always here. :) =KAT=

Binuksan ng binata ang nakatakip na pagkain.

Lugaw, may sinangag na kanin, hotdogs, scrambled egg na nilagyan ng mata, ilong at bibig gamit ang ketchup. May tubig din at sa tabi nito ang baso ng gatas at gamot.

Umupo siya sa silya at di na napigilan pa ang mapangiti.

-------------------------------------------------------

DAHAN-DAHANG pumipikit ang mga mata ni Kat. Ngunit iyong tipong babagsak na ang mukha niya sa keyboard ng kanyang computer, tsaka naman siya muling magmumulat ng mata at ipagpapatuloy ang pagtatype. Napansin iyon ng mga ka-officemate niya.

"Kat, bakit parang puyat na puyat ka?"

"H-Ha?"

"Inaantok ka na, alas kwatro pa lang."

Pilit iminulat ng dalaga ang mga mata.

"Ah... Ahm... Ano kasi......"

"Miss Hernandez."

Napalingon si Kat sa isa pang empleyado.

"Yes?"

"May naghahanap po sa inyo sa lobby."

Napakunot-noo ang dalaga.

"Si Marla?"

"Lalaki po. Glen daw po. Glen Yulo."

'OH GOSH!' tili ni Kat sa sarili.

Napalunok siya.

"Ahm, tell him that---- I'm--I'm coming."

"Sige po." at umalis na ito.

"Shoot! Ahm, powder, lipgloss. Ahm, ano pa ba?"

At matapos ang mabilisang retouch, nagtuloy na siya sa lobby.

There stood a very handsome man with his usual attire. Long sleeves polo na tinupi hanggang siko at slacks. May kakaiba rin sa itsura niya ngayon.

'Oh yes, he is smiling...' sabi ni Kat sa sarili.

"Hi." she said breathelessly.

"Hi. Pauwi ka na?" tanong nito.

"Yah... Napadaan ka? Magaling ka na ba?"

"I think so. Pero, siguro mas gagaling ako kung maraming stocks ng healthy foods sa bahay."

Napangiti ang dalaga. Nakangiti pero nagtataka.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon