CHAPTER ELEVEN

32 0 0
                                    

------ELEVEN------

SA RECEPTION....

Sa hotel mismo na pag-aari nila Oscar ginanap ang reception. Maraming bisita na parang nasa upper class talaga. May tumutugtog na live band.

Kasalukuyang kainan at talagang pang sosyal ang mga nakahain. Matapos ang kainan ay nagpatawag ang emcee para sa traditional na sapuan ng garter at bouquet.

Ayaw man ni Kat, para sa kaibigan ay nakisali na rin siya.

Sa di malamang kadahilanan, nang ihagis ni Marla ang bouquet ay saktong sa mukha niya tumama na naglanding sa kanyang palad.

Palakpakan ang mga bisita. Hindi alam na napipikon na siya dahil sa malakas na pagkakatama sa kanyang mukha ng bouquet.

"What can you say Ma'am, nasalo niyo ang bouquet!" kwelang tanong ng lalaking emcee.

"It's... Fun." at kimi siyang ngumiti.

"Alright, and now for the garter, hindi po siya sasaluhin ng mga gentlemen. The lucky man will be chosen by our beautiful lady here..."

"Ha?" at napasulyap siya sa mga kabinataang nakatayo na.

Puro gwapo, pero nag-iisa lang ang nakapukaw ng atensyon niya. Si Glen na simple lang na nakatayo at nakangiti sa direksyon niya.

"Alright Ma'am, kindly wear your blindfold."

Nang dahil doon ay napukaw ang naglalakbay niyang diwa. Kinuha niya ang binibigay sa kanyang blindfold tsaka niya sinuot.

"Ok Ma'am, I will assist you so don't worry. We're going to start. Are you ready?" tanong ng emcee na may kasabay pang hiyawan at palakpakan sa audience.

"I think so." saad niya.

"Ok Ma'am. There are, ahm, 20 gentlemen here. They are all wearing amerikana suit which are divided into two colors. The cream and black color of americana. Which do you like most?" saad ng emcee.

"Black!"

"Cream!" saad ng audience.

'Syempre black... Ganoon yung kay Glen eh...' saad ni Kat sa sarili.

"Black." saad niya habang naka blind fold.

"Alright! Gentlemen who are wearing cream americana, I'm sorry but you are eliminated."

"So Ma'am, there are only 10 left. Which do you prefer? The tall one? or the... uhm, let's say, taller?"

Tawanan ang audience. Ang iba naman ay nagpalakpakan.

'Shocks! Sino ba? Oo, matangkad si Glen pero, siya ba ang pinakamatangkad o ano? Bakit kasi di ko tiningnan kanina?' saad ni Kat sa sarili.

"Ahm... Tall--- Taller?"

"Alright! So, the taller guys. Oh! There are only two left Miss----?

"Kat." ninenyerbyos nyang saad.

"Miss Kat... Huh! Torn between two lovers ha?" anang emcee na nagpatawang muli sa audience.

'Ano kaya? Na eliminate na kaya si Glen?' saad ni Kat sa sarili.

"Okay, gentlemen, please go to Miss Kat's right side and another gentlemen to the left side. Dito po Miss Kat, you are going to choose. It's either your left or your right. Who knows diba? So kung sino man ang mapili mo, siya na ang partner mo... for the dance, na gagawin natin after the newlywed's dance.. So, are you all guys excited?"

"YES!!!"

"Okay Miss Kat, to the left or to the right?"

"LEFT!!!"

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon