CHAPTER FOUR

30 0 0
                                    

------FOUR------

"MORNING Ma!" saad ni Kat habang abala sa pagluluto ng almusal.

Pupungas pungas na nilapitan siya ng kanyang ina.

"Oh, anong meron at ang aga mong nagising?"

May nilagay si Kat sa kaserola at hinalo.

"May pasok ako sa trabaho." masaya niyang saad.

"Oh, Eh diba ako naman ang tagaluto ng almusal ninyong magkakapatid?"

Binuhos ni Kat ang niluto sa tupperware.

"May dadalhan ako ng almusal." kinikilig niyang saad.

"Oh, sino iyan? Si Paul?"

"HINDI AH!" nanlalaki ang mga matang saad niya.

"Si Glen po. Iyong classmate ko dati."

Umupo sa silya ang kanyang ina.

"Napaka espesyal naman niya."

"Siyempre po! Oh, Ma, alis na ako. Ihahatid ko lang ito tapos diretso na ako sa trabaho."

"Mag-ingat Katrine."

"Opo." at humalik na siya sa ina.

Nagmamadaling lumabas na siya ng bahay. Medyo papasikat pa nga lang ang araw.

Sinulyapan niya ang relo at nakitang alas sais (6 AM) na.

Masaya siyang naglakad. Actually, nag-iipon pa siya ng pera pambili ng kotse kaya nagcocommute lang siya.

Malayo layo rin ang lalakarin niya. Excercise na rin!

Alas siyete (7 AM) na nang makarating siya. Tagaktak ang pawis niya lalo na't naka office uniform siya.

Tumitindi na rin ang sikat ng araw. Masakit na rin ang paa niya dahil sa sapatos niyang de takong.

"Sa susunod nga magta-tricycle na ako!"

Pagod na pagod na nagdoorbell siya.

------------------------------

Nagbubutones ng polo si Glen ng mapaigtad siya sa tunog ng doorbell. Nagsalubong na naman ang kilay niya.

Sinilip niya mula sa bintana ng kwarto niya ang tao sa gate. Babae ito.

'Kunwari tulog pa ako.' sabi ni Glen sa sarili.

Tumapat muli siya sa salamin at sinuot ang relo.

Nagdoorbell na naman ang babae.

Pumikit siya at nagtitimpi.

Inayos niya ang belt at medyo nagtagal-tagal pa sa harap ng salamin.

Nang wala ng nagdoorbell, sumilip siyang muli at nakitang wala na ang babae.

Hinablot na niya ang kanyang Amerikana at pati ang susi ng kotse.

Bumaba siya sa hagdanan at nagtuloy sa garahe.

Nang mailabas niya sa garahe ang kotse, bumaba siyang muli upang isarado ang gate.

Natigilan siya nang makita ang isang paper bag kinuha niya ito at binulatlat.

May note. Binasa niya.

"AFTER 10 YEARS, NAGKITA NA NAMAN TAYO... WELL, WELCOME! I'M HAPPY NA BUMALIK KA ULIT DITO. MAGUSTUHAN MO SANA IYONG GINAWA KO.

P.S. SENSYA NA...

~KAT :)))"

Kunot noong kinuha niya ang tupperware tsaka binuksan.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon