CHAPTER FIFTEEN

21 0 0
                                    

-------FIFTEEN-------

HALOS paliparin na ni Glen ang kotse niya, makarating lang sa bar na sinabi kanina ni Marla. Kanina pa siya nag-aalala dahil hindi man lang nagtext o tumawag ang dalaga.

Mas lalo pang nadagdagan ang pag aalala niya nang tawagan siya ni Marla para sabihing hindi pa umuuwi si Kat at nag-aalala na ang pamilya nito.

Ngayo'y medyo narelieve siya nang malamang nasa bar lang ito. Iyon nga lang ay lasing.

Inaamin niyang kasalanan niya kung bakit nagalit ito sa kanya noong birthday nito. Mahalaga si Kat sa kanya, pero hindi niya alam kung mahal na ba niya ito o nagiging panakip butas lamang ito.

Parang pakiramdam niya, kapag nagmahal siya ng iba, habang buhay siyang uusigin ni Yanyll. Pakiramdam niya, kapag nagmahal siyang muli, masasaktan ulit siya.

Huminto ang kanyang kotse sa bar na sinabi ni Marla. Bumaba siya at nagtuliy sa loob. Madaming tao. Maingay.

'Nasaan kaya si Kat?' sabi ni Glen sa sarili.

Naglakad-lakad siya. Nakikisingit siya sa mga taong sumasayaw makadaan lang.

'Kat, where are you?' sabi ni Glen sa sarili.

Pagharap niya, ay meron siyang nabangga. Parang lasing ito dahil nawalan ito kaagad ng balanse. Kung hindi niya lang ito naalalayan sa bewang at likod ay paniyak na tutumba ito.

"Miss, are you o---- Kat?!?" nabigla siya. Si Kat na pala iyon.

Animo'y nakilala nito ang boses niya dahil bigla itong tumingin tsaka ngumiti.

Tinayo niya ito ng maayos tsaka inalalayang maaglakad.

"Kat!" Napalingon siya at nakita ang isang lalaki. Papalapit sa kanila.

"Who are you?" tanong niya dito.

"Jansen, I'm her officemate. And you?" tanong ng binata.

"Officemate? Ibig sabihin ikaw ang nagdala sa kanya dito?"

"Gusto lang naming mag-enjoy."

"Hindi mo ba alam na hindi siya umiinom? Look at her! Iuuwi ko na siya. Kat, gising." at inalog niya ang dalaga na nakahilig na sa balikat niya.

"Kat, wake up. Let's go home."

"No, I wont!!!" sagot nito.

"Lasing ka na!"

"I don't care!" at pumiksi pa ang dalaga ngunit gumewang din kaya inalalayan muli ni Glen.

"We're going home whether you like it or not!" at binuhat na niya ito palabas ng bar.

"Ano ba! Ayoko nga sabi eh!" at pinagpapalo niya si Glen.

"Bitawan mo ako! Sabing bitawan mo ako eh!"

"Ayan na!" ganti na rin ni Glen na nailapag na siya sa passenger's seat.

"Ayokong umuwi!" at lumabas siya sa kotse.

"Stop acting like a spoiled brat Katrine!"

"Bakit? Naiinis ka na?!?"

"Ano ba talaga ang problema mo ha?" galit ng tanong ni Glen.

"IKAW! IKAW!" at hinihingal na napasandal sa kotse ang dalaga. Nangingilid na rin ang mga luha niya. Parang pinalakas ng alak ang kanyang loob. Tinitigan lang siya ni Glen.

"Napapagod na ako Glen! Palagi na lang akong naghihintay! Palagi na lang akong umaasa. Hanggang kailan mo ba ako pagmumukhaing tanga?" umiiyak na niyang sumbat.

"Hindi kita pinagmumukhang tanga."

"Hindi nga ba? Ano ako? Gaga? Pumapayag na maging panakip butas lamang kasi hanggang ngayon, si Yanyll pa rin ang nasa puso mo!"

"Kat, alam kong malinaw sayo ang pinag-usapan natin noon na I'll try my best. Ginagawa ko ang makakaya ko. Pinipilit ko nang burahin si Yanyll sa isip at puso ko------"

"Pero hindi mo magawa." biglang singit ni Kat.

"Gaano ba siya ka-sweet sayo noon? Gusto mo, pagkwentuhan natin siya, sige, magkwento ka, makikinig ako-----"

"Kat, ano ba?!?"

"Eh parang ganito din ang labas ko diba? Kaibigan mo, mas close nga lang. Sige na. Magkwento ka na. Baka sakaling ma-ease ko ang pain na nararamdaman mo at mahalin mo na ako!" umiiyak na niyang saad.

"Kat, love is not trying to find out a person's past for the past does not include you!" sigaw niya.

Naghihinanakit na tinitigan siya ni Kat sa mga mata.

"By any chance ba, minahal mo ako?"

"I'm trying to do that." sagot ng binata.

Sarkastikong napangiti siya sabay iwas ng naluluhang mga mata.

"Huwag mo ng gawin. Pareho lang tayong mahihirapan." tsaka siya muling tumitig kay Glen. Sinalubong niya ang naghihinanakit ding mga titig nito.

"Masakit na eh. Akala ko hindi ako magsasawa. Akala ko hindi ako mapapagod na mahalin ka. Tama ka, love is not trying to find out a person's past for "Your" past does not include me..... And I will never be."

Pagkasabi doon ay naglakad na ang dalaga. Palayo sa taong mahal na mahal niya....

(N/P: Bakit nga ba mahal kita by Carol Banawa)

*Kapag ako ay nagmahal

Isa lamang at wala nang iba pa

Iaalay buong buhay

Lumigaya ka lang, Lahat ay gagawin...*

Napasandal sa headboard ng kama si Kat. Nakatingin siya sa ceiling. Hindi niya alam kung bakit siya nakatingin doon.

Maya-maya pa'y naramdaman na niya ang pagpatak ng luha niya sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata. Napapikit siya tsaka hinigpitan ang yakap sa stuffed toy na binigay ni Glen noong birthday niya.

*Bakit nga ba mahal kita?

Kahit di pinapansin ang damdamin ko

Di mo man ako mahal, heto pa rin ako

Nagmamahal ng tapat sayo.

Bakit nga ba mahal kita?

Kahit na may mahal ka nang iba

Ba't baliw na baliw ako sayo

Hanggang kailan ako magtitiis

O bakit nga ba, mahal kita?*

(A/N: 2 chapters nalang po at matatapos na itong No Ordinary Love... sana po magustuhan niyo yung ending.. Fast forward na po tayo nyan next chapter..)

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon