(A/N: chapter one na po agad ah.. wala nang prologue. kasi parang eto na din yung prologue. enjoy!)
------ONE------
"PERFECT!" at sinabayan pa ni Marla ng palakpak ang sinabi.
Excited namang sinulyapan ni Kat ng sarili sa salamin.
Buong kagalakang umikot siya at tinignang muli ang repleksyon sa full body mirror.
Nakablack dress siya na hanggang tuhod.
Tube at medyo may silver silver something na designs ang dress na bagsak ang tela at medyo hapit sa slim niyang katawan.
"I'm sure sister, luluwa na ang mata ng boyfriend mo niyan!" tili ni Marla, ang bestfriend ni Kat.
"Huh! I'm so excited at the same time nervous. Baka--- Baka over naman itong itsura ko!" tukoy ng dalaga sa medyo light na make-up.
Ang buhok niya ay nakapusod. Meron lang konting strands ng buhok na kulot ang inilugay.
"Oks yan! I'm sure, once that your eyes met, he will do anything, pakasalan mo lang." pag-e-encourage pa ng loyal na high school friend, i mean since high school na friend ni Kat.
Magkasabay na napalingon ang dalawa nang may marinig na katok sa pintuan.
"Pasok" saad ni Kat.
Sumungaw ang ulo ng bunso niyang kapatid na si Karen.
"Nandiyan na si Kuya Paul, kausap sila Mama at Papa." nabobored nitong saad.
"Oh gosh! Site, ayos na ba?" tanong niya sa kapatid.
Nameywang si Karen at sinipat siya mula ulo hanggang paa.
"Saan ang awarding?" nang-aasar nitong saad.
Tumaas naman ang kilay niya. Sa lahat ng kapatid niya, si Karen ang pinaka kill-joy (KJ), palibhasa boyish. Mapang-asar din ito.
"Awarding ka diyan!"
"Eh mukha kang a-attend sa MMFF, nanalo ka ba?"
"Tse! Buti pang di na ako nagtanong sayo!" nakasimangot niyang saad.
Ngumiti naman si Karen at lumapit tsaka binunggo ang puwitan niya.
"Just kidding. You look great----"
"Hey! Wazzap?" biglang singit ng gitna sa kanilang tatlong magkakapatid. Siya si Kurt. Bigla itong pumasok sa kwarto.
"Hoy Kurt! For girls only lang ang na ito!" pagtataray kuno ni Marla.
"Asus! Wala ka nang magagawa 'te Marla. Nakapasok na ako, by the way---- hey! saan ang sagala?" dun lang kasi nito napansin ang ayos ng nakatatandang kapatid.
"Isa ka pa Kurt Ivan! Mga mapangkutya!" naiinis na namang saad ni Kat.
"Joke lang ate... Ganda mo nga eh. Ano bang special sa date na ito niyong mag jowa? Bakit ngayon ka lang nag-ayos ng ganyan?" takang tanong ng binata na pinakealamanpa ang black purse with a touch of silver design niyang purse.
"Oo nga ate, anong meron ngayon? Bakit parang napakabongga ng date na ito?" segunda naman ni Karen.
Ngingisi-ngising nagligpit ng mga gamit si Marla.
Bumuntong hininga naman si Kat.
"Because... I can feel it mga kapatid. This is the day--- I mean, the night na yayayain na akong magpakasal ni Kuya Paul niyo. I mean, for the past 5 years na naging kami, ngayon lang ako kinabahan na na-e-excite sa date namin."

BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
Fiksi RemajaA story of a high school sweethearts na nagkita ulit after a long time..