------TEN------
MASIGLANG bumangon si Kat kinaumagahan. Maaga siyang gumising, nagluto ng almusal, pagkatapos ay naligo. Pasado alas sais, papunta na siya sa bahay ni Glen.
Nang makarating, nagdoorbeel siya. Maya-maya lang ay lumabas na doon si Glen na naka uniporme papasok sa trabaho.
"Good morning!" masiglang saad ng dalaga para pagtakpan ang pagkailan na nadarama niya.
"Morning!"
"Breakfast oh."
"Uh... Nag-abala ka pa. Come in." at pinatuloy nga siya nito.
Nagtuloy sila sa kusina at inilipat sa bowl ang niluto niyang sopas.
"Kain tayo." yaya ng binata.
"No, it's yours. Masarap?"
Humigop ng sabaw ang binata tsaka tumango.
"Perfect. Thank you."
Tiningnan ng dalaga ang wristwatch.
"Uhm, paano, mauna na ako. Bye."
"Ha? Ihahatid na kita." saad ng binata.
"Papasok pa ako sa trabaho."
"Kaya nga. Hatid na kita tutal pareho lang iyong dadaanan natin."
"Pero kumakain ka pa." nahihiyang saad ni Kat.
"Ayos na. Nakakain na ako kahit konti. Let's go?"
Ngumuso ang dalaga.
"Hey? It's fine. C'mon." at inakbayan na siya ng binata.
Animo'y lumulutang sa langit ang dalaga.
'Ow yes! This is it! Buti na lang umamin na ako... Oh Gosh! I'm so happy talaga!!!' sabi ni Kat sa sarili.
-------------------------------------------------------------------------
"HOY bruha! Bakit parang ang saya mo ha? Ay, oo nga pala, nakalimutan ko na M.U. na pala kayo ni Mr. Fantasy mo, kelan pa kasi?" tanong ni Marla habang ngumangata ng mangga na isinasawsaw sa alamang.
"Last week." saad ni Kat na parang nagde-day dream pa.
"Gosh Marla, ang sarap pala talagang magmahal. Everyday parang heaven... Laging naka high."
Kumagat si Marla ng mangga at umasim pa ang mukha.
"Pero ayos lang ba sayo na may ibang mahal iyong si Mr. Fantasy? Na, kayo nga pero hindi kayo?"
Sumimangot si Kat.
"Ano ka ba! Kaya nga ittry nya diba? Mapapag-aralan niya rin na mahalin ako! Bakit ba kontrabida ka diyan?"
"Friend, hindi sa kontra ako. Ang akin lang, baka sa bandang huli, ikaw ang masaktan." saad nito na sinisipsip pa ang buto ng maasim na mangga.
Si Kat naman ang nangasim.
"Aba, kanina ka pa lumalangot ng mangga ah! Saan mo ba galing iyan? Di ka naman mahilig diyan ah?"
Umirap si Marla.
"Eh sa gusto ko eh. Parang ang sarap-sarap!"
Kumunot ang noo ni Kat. Parang ilang araw pa lang silang hindi nagkikita ni Marla pero parang lalo itong tumaba. Dati chubby lang, ngayon, lobo na!
"Hiyang ata sayo ang pagkakasakit ah. Ang taba mo!"
Matapos sinupin ang isang buto ay binalingan naman ni Marla ang isa pang hilaw na mangga. Maya-maya ay huminto ito.
BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
Teen FictionA story of a high school sweethearts na nagkita ulit after a long time..