------THIRTEEN------
"ABA!" at nakataas ang kilay na dinial muli ng dalaga ang number ni Glen. Hindi na ito nagring.
"Aba naman!"
"Hoy! Napano ka?" takang tanong ni Kurt.
Nasa sala sila at nanonood. Siya naman ay kadarating lang galing sa trabaho.
"Hindi na nga nagtetext, hindi tumatawag, pinatay pa ang cellphone!" naiinis na saad ng dalaga.
"Eh bakit demanding ka? Girlfriend ka ba?" patutyang saad ni Karen.
"Gusto mong makatikim ng takong ha, Karen?" at inambahan niya ito ng kanyang sandals.
"Sila Mama at Papa, Kurt?"
"Nasa kwarto, nagsosolo."
"Eeeewww!" magkapanabay na saad nila Karen at Kat.
"Sabihin ninyo may pupuntahan lang ako ha?"
"Saan?" tanong ni Kurt.
"Syempre sa pantasya niya!" hirit pa ni Karen.
"He! Palibhasa inggit!" at natatawa na siyang lumabas ng bahay.
Pasado alas siyete na iyon ng gabi. Nagtricycle siya at nagpahatid sa bahay ni Glen.
Nakailang doorbell na ang dalaga ngunit wala pa ring nagbubukas samantalang nakasindi na ang ilaw sa bahay at nasa garahe na ang kotse ng binata.
Naghintay pa siya ng mga ilang minuto. Maya-maya ay tinulak na niya ang gate. Ito'y bumukas. Nagtuloy siya sa pintuan at kumatok. Nang matagal tagal pa rin ay binuksan na niya.
"Glen." tawag niya dito.
Nagtuloy siya sa kusina at nakita ito sa barside ng kusina. Nakayuko at animo'y tulog.
"Glen, Glen, gising!"
Umungol lang ito. Lumapit siya at naamoy ang amoy alak nitong hininga.
"Glen, pwede ba gumising ka!" at hinampas niya ito.
Sa sobrang lakas ata kaya ito gumising at lasing siyang tinitigan.
"Hindi ka pumasok sa trabaho kasi naglasing ka. Anong problema mo?!?" naiinis niyang tanong.
Hindi siya nito pinansin. Natulog ulit. Naiinis na nagpunta sa lababo ang dalaga. Kumuha ng isang basong tubig. Nilapitan ang binata tsaka binasa.
Sa sobrang lamig ay napatayo ang binata at mukhang nahimasmasan.
"What's your problem ha?" galit nitong saad.
"Ikaw ang may problema! Bakit ka naglalasing?"
"It's none of your business okay?!?"
Nabigla ang dalaga at tinitigan ang galit na mga mata ng binata.
"Ano bang nangyayari sa iyo?"
"Just leave me alone at wala tayong magiging problema."
"Bakit hindi mo sabihin sa akin? Ano bang nangyari? May maitutulong ba ako? Ano?"
Napaupo ang binata at nakapikit na hinagod ang buhok.
"Just leave me alone." medyo mahinahon na nitong saad na mas lalong nagpabigat sa nararamdaman ni Kat. Lalo siyang naluha.
"Ano ba ang nagawa ko? Ano bang mali sa ginawa ko?"
Naiiritang tinignan siya ni Glen.
"What are you talking about?"
"Glen, sabihin mo lang kung ayaw mo na. Hindi iyong ganito kasi nahihirapan na ako. Hirap na hirap na ako!" at tumulo na ang luha ng dalaga.
BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
Teen FictionA story of a high school sweethearts na nagkita ulit after a long time..