CHAPTER FOURTEEN

17 0 0
                                    

-------FOURTEEN-------

PAGPASOK nila sa loob ng bahay ay wala na ang ina ni Kat.

'Natulog na siguro.' sa isip ni Kat.

Nagpunta sila sa kusina at doon ay pinaghanda niya ng makakain ang binata. Nalipasan na siya ng gutom kaya di na siya kumain pa.

Umupo siya katapat si Glen at ipinatong niya ang mga kamay sa lamesa.

"Sorry ha? Madami kasi akong tinapos sa opisina kaya ginabi na ako. Nagyaya nga iyong mga kaibigan ko sa office. Inuman daw pero sabi ko next time na lang." saad nito at sinundan ng pagsubo.

"Sarap! Ikaw ang nagluto? Kumain ka na?" sunod-sunod nitong tanong.

"Ahm... tinulungan ako ni Mama na magluto." saad niya.

Nag-aalalang tinitigan siya ng binata.

"Something's wrong?"

Tinitigan niya rin ang binata.

'Kapag kaya sinabi ko ang problema, ano kaya ang magiging reaksyon niya? Makakaya ko kaya ang sasabihin niya halimbawang tanungin ko kung ano ba talaga ako sa buhay niya?' pagmomonologue ni Kat.

"Katrine?"

Tsaka lang napansin ng dalaga na nakatitig lang pala siya kay Glen.

"Ha? Ah... I'm- I'm sorry. Are you done? Gusto mo pang kumain?" at tumayo siya tsaka tinungo ang mga pagkain at nagsandok muli.

Maya-maya pa ay bumalik siya sa mesa at inilapag ang plato sa tapat ni Glen.

Natataka namang tinignan ng binata ang plato. Lalagyan iyon ng spaghetti ngunit imbes na spaghetti ang muling ilagay doon ay beef stroganoff ang naisandok ng dalaga.

Tinitigan din ni Kat ang plato at ilang segundo pa ang lumipas bago nito narealize na palpak ang ginawa nito.

"Ah... Sorry. Oh, Gosh." at kinuha niyang muli ang plato ngunit bago pa siya makarating sa lababo ay naharang na siya ni Glen. Inagaw nito sa kanya ang plato. Inilapag nito sa lamesa at tsaka siya kinabig sa likod. Tulalang nasubsob sa dibdib ng binata ang mukha ni Kat.

Heto siya, yakap yakap ng taong mahal niya. Masarap sa pakiramdam, ngunit para pa ring may kulang.

Naluluhang kumalas siya mula sa pagkakayakap ng binata. Balak niyang umalis ngunit pinigilan siya nito.

"Kat, what's wrong? Please, tell me." nakikiusap ang tinig ni Glen ng magsalita.

Pigil na pigil ang pagbagsak ng luha na tinignan niya sa mga mata si Glen.

"Ano ba talaga ako sa buhay mo?"

Natigilan si Glen. Tinitigan lamang ang dalaga.

"Kat..." tangi lamang nitong nasabi.

Lumunok muna si Kat bago yumuko. Nalaglag na kasi ang mga luha niya.

"Umuwi ka na." bulong niya.

"Kat, please------"

"Nakikiusap ako Glen, umuwi ka na." nakayuko pa ring saad habang tulo ng tulo ang kanyang mga luha.

Ni hindi siya nagtaas ng tingin. Narinig na lang niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Maya-maya pa ay ang pag-andar ng kotse nito.

Humahagulgol na napaupo na siya sa upuan. Kung pwede lang ay malunod na siya sa luha, mawala lang ang sakit na kanyang nadarama...

---------------------------------------------------------------------

KINABUKASAN...

"Belated!" napalingon si Kat at nakitang nakatayo na sa tapat ng table niya si Jansen. (A/N: Ka-officemate niya, at the same time, admirer)

"Thank you." nakangiti niyang saad at binalingan na muli ang ginagawa.

Napahinto lang siya nang may itapat itong mga bulaklak sa mukha niya. Nagtaas siya ng tingin.

"Pasensya na, ito lang maibibigay ko." at inilapit pa nito lalo ang isang bouquet ng rosas papunta sa kanya. Napangiti siya lalo.

"Thank you ulit. Pasensya na kung hindi ako nakapagtreat."

"No problem. May gimik kami mamaya. Kasama ang ilan nating ka-officemate, sama ka na."

"Ha? Ah, kasi-----"

"Sige na. Treat mo na sa amin ang pagsama mo, okay?"

"Ahm... sige."

"Alright!" at masaya na itong nagpaalam pabalik sa sarili nitong lamesa.

------------------------------------------------------------------------

"WOOOOH! Belated Happy Birthday Katrine!!!" at nagcheers silang magkaka-officemate.

Mabilisang nilagok ng dalaga ang alak at napangiwi siya sa mainit na likidong animo'y gumuhit sa lalamunan niya. Hindi pa naman siya umiinom.

Nagpunta sila sa isang bar. Maingay at maraming sumasayaw.

"Let's dance." saad ni Jansen.

"What?" tanong niya dahil hindi sila magkarinigan.

"Dance!" sigaw na nito.

"Ah... No thanks. I'll just sit here." sigaw din niya.

Napatangu-tango na ito at tumayo tsaka sumali sa mga kaofficemates na sumasayaw na. Ang resulta, siya lang ang naiwan sa mesa. Tinignan niya ang mga inumin.

'Bakit puro alak? Wala bang juice? Pero... Kung gusto kong malimutan ang problema, dapat mag-alak ako. Sa pagkakaalam ko kasi hindi nakakalasing ang juice. Pero kung maglalasing ako, nakakahiya! Baka magkalat ako.' sabi ni Kat sa sarili.

"Whatever!" bulalas niya sa sarili tsaka nagsalin ng alak sa baso niya. Mabilisan niya ring nilagok.

Nagsalin muli siya pero this time, sinimsim na lang niya. Animo'y ninanamnam ang mapait na lasa ng alak. Tulad ng lovelife niya, BITTER.

-------------------------------------------------------------------------

"ARE you okay?" nag-aalalang tanong ni Jansen.

"Yah. Yah... I'm just... f-fine." ngunit maging sa pagbubukas ng pintuan ng banyo ay hindi pa niya magawa. Gumegewang siya at para na siyang adik. Tinulungan siya ng binata na buksan ang banyo at pagkapasok niya ay iniwan na siya.

Gumegewang na tinungo niya ang lababo. Tinitigan niya ang repleksyon sa salamin.

"Hoy, Katrine! Bhakit ba ang bhoba bhoba mo? Ha?" at dinuro niya pa ang sariling repleksyon sa salamin.

"Tanga!" at hinampas niya ang salamin.

"Tang-----" hindi na niya natuloy pa dahil nagsuka na siya.

Naghugas siya ng mukha at sinaman na niya ang kanyang buhok. Medyo nahimasmasan siya.

Napaigtad pa siya ng tumunog ang kanyang cellphone sa loob ng bag. Kinuha niya ito.

"Hello."

"Kat? Where are you? Are you drunk?" boses iyon ni Marla.

"Hmm... Nah! Not that drunk!"

"Where are you? Kanina ka pa kino-contact nila Tito at Tita pero hindi mo sinasagot ang phone mo. What's the matter? Where are you?"

"Why? You're coming? Huwag na, baka mapaanak ka pa ng wala sa oras." at tumawa siya ng nakakaloko.

"Nasaan ka nga?"

"Sa bar. Yung, yung medyo malapit doon sa office ko? Doon nga ba iyon? Ay ewan!" at tumawa siya ulit.

"All right. Hintayin mo si Glen."

"Who?"

"Bye."

"Marla! Marla!" at tinignan niya ang screen ng cellphone. Nakakaloko siyang ngumiti tsaka muling lumabas ng gumegewang gewang sa banyo.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon