CHAPTER EIGHT

27 0 0
                                    

------EIGHT------

"GLEN... Glen Yulo. Kat's boyfriend."

Napanganga ang dalaga at ibinaling ang tingin sa nakangiting si Glen.

Halatang nabigla si Paul at matagal pa bago nagrehistro ang tipid na ngiti.

"Oh, nice to meet you. Glen Yulo... Sa inyo ba ang Yulo Advertising Agency?"

"Yes."

"Wow." at ngumiti na ng maayos si Paul. Hindi man mahahalatang bading.

"Well, nice to meet you Glen. Kat, nice to see you again."

"Ah..." tangi lamang na sabi ng dalaga dahil shock pa siya.

"Bye." saad ni Paul.

"Bye." saad naman ni Glen sabay sakop sa kamay ni Kat.

"Let's go Babe." saad nito na talagang pinarinig kay Paul na paalis pa lang.

Ilang beses napalunok ang dalaga. Nanlamig ang buo niyang katawan. Napakalakas ng tibok ng kanyang puso na parang gustong kumawala sa kinalalagyan.

Nilingon ni Glen si Paul at ng mawala na sa paningin ay binitawan na rin niya ang malamig na kamay ng dalaga.

"Bakit mo iyon sinabi?" sa wakas ay nahagilap niya din ang kanyang tinig.

Napalingon sa kanya ang binata.

"Ang alin?" at tinungo nito ang bread section.

"Na... Na boyfriend kita?"

Tinitigan ng binata ang tinapay tsaka nilagay sa push cart.

"Ahh.. 'Yun ba? Di ba pinagpalit ka? Edi ngayon mabibigla siya kasi ipinagpalit mo na rin siya. Hindi ka naman mapapahiya sa akin. Tignan mo't kilala niya ang Agency ko."

"P---Pero, di naman... Di mo naman kailangang gawin iyon eh." medyo pabulong na saad ni Kat. Pakipot effect.

"Di ka ba masaya? Kita mo yung itsura niya nung sabihin kong boyfriend mo ako? Parang nanghinayang."

'Ano ka ba!' saad ng isip ni Kat. 'Syempre masaya! Pero, duh! Oo, nanghinayang nga si Paul, nanghinayang kasi di na siya mapupunta sa iyo! I mean, di ka na pala mapupunta pa sa kanya! 'Yun yun!' Bumuntong hininga ang dalaga.

"O, dahil pinang-ganti kita sa ex mo, ipangluto mo ako sa bahay." saad ng binata na seryoso pa kuno.

'Hay naku, ang loko! Akala na panghiganti ako! Kung alam mo lang na bading ang ex ko. Anyways, bakit ko ba sasabihin ang totoo eh nag eenjoy na ako ngayon... Shocks! Ipagluluto ko siya... KINIKILIG AKO!!!' sabi ni Kat sa sarili.

"Sure, basta ba ikaw... nanginginig pa." masayang saad ng dalaga.

"Ha?" kunot-noong tanong ng binata.

Ngingiti-ngiti na lang na napailing si Kat.

--------------------------------------------------------------------------

NAGTATAKANG napasulyap sa bahay niya si Glen.

'Alam ko pinatay ko lahat ng ilaw bago ako umalis... Bakit nakasindi lahat?' takang tanong ni Glen sa sarili.

"May katulong ka na?" pansin din ni Kat habang tinatanggal ang seatbelt.

Nakababa na si Glen at akmang bababa na rin ang dalaga nang pigilan siya ng binata.

"Wait. Stay there. Sisilipin ko muna ang bahay." at pumasok na nga ang binata.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay bumalik na ang binata kasunod ang isang may edad ng babae ngunit halata pa rin sa itsura ang kagandahan.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon