------TWELVE------
"TIKMAN mo nga." saad ni Kat tsaka iniangat ang kutsara upang matikman ni Glen.
"Mmm, perfect! Gsling mo talagang magluto. Ganyan magluto si Mama ng kare-kare."
"Hehe, Tentyu." masayang saad ng dalaga.
Nasa bahay siya ni Glen at nagluluto ng favorite dish ng mama ng binata. Darating kasi ito.
"Anong oras darating si Tita?"
Sinipat ng binata ang relo.
"Parating na yon."
Saktong may bumusina sa tapat ng gate.
"There she is." saad ni Glen tsaka lumabas.
Natataranta namang naghain na si Kat.
'Gosh, paano kaya ako haharap? I mean, paano kaya ako ipapakilala ni Glen? As a friend? Girlfriend? O Special someone ulit?' saad ni Kat sa sarili.
Napabuntong hininga siya.
'Asa ka pa. Pwede ba Kat, huwag mo na siyang pangunahan. Sabi niya, ita-try niya kaya huwag kang ambisyosa!' saad niya sa sarili.
"Hello!" bungad ni Mrs. Yulo na nagpalundag sa kanya.
"Ay! Tita!" at masaya siyang yumakap dito.
"I'm glad you're here Kat." saad ng ginang.
"Thank you po. Kamusta po ang biyahe?"
"Tiring... So, ipinagmamalaki ni Glen na nagluto ka raw ng masarap na kare-kare."
Nahihiyang napasulyap ang dalaga sa nakangiting si Glen.
"Ay, nakakahiya naman po. Syempre po the best pa rin ang inyo."
"Sus... Maiba ako, ano na bang meron ha? Wala ba kayong balak sabihin sa akin?" puno ng kahulugan na saad ng ginang.
Namumulang napasulyap sa ibang direksyon ang dalaga.
'Shocks! sabi ko na nga ba eh...' sabi ni Kat sa sarili.
"Ahm, Ahem.." at tumikhim si Glen.
Nabigla na lang si Kat ng akbayan siya ng binata.
'Oh gosh! Ano? Ano kaya ang sasabihin niya? 'Ma, this is my girlfriend' or what? C'mon!' sabi ni Kat sa sarili.
"Ma, let's eat. Lalamig na iyong niluto ni Kat. Right?" at sinulyapan siya ng binata.
Napanganga si Kat. 'Ouch...'
"Hay naku, kayo talaga. Sige na nga. Let's eat." saad ng ginang at umupo na.
"Tara." at masayang inalalayan siya ng binata paupo.
Bumuntong hininga ang dalaga.
'Ang sakit talagang umasa...' sabi niya sa sarili.
At kahit gusto na niyang umiyak ay pinilit niya pa ring ngumiti.
'Kaya ko to!'
---------------------------------------------------------------------------
"HEY, are you okay?" tanong ni Glen sabay abot ng soda kay Kat na nakasalampak sa bermuda grass.
Gabi na at nakatingin sila sa mga bituin.
Tumango ang dalaga at nilagok ang inumin.
"Si Tita?" tanong niya.
"Ah, nag-eenjoy sa panonood. Busog na busog din sa niluto mo."
Ngumiti ang dalaga ngunit tipid lamang.
"Hey, something wrong?" nag-aalala ng tanong ni Glen sa kanya.
"Ha? Wala."
"Napagod ka ba?" concern nitong saad.
Tumitig siya sa binata. Imbes na sabihin ang totoong dahilan ay tumango na lang siya. Ngumiti si Glen at kinurot ang tungki ng kanyang ilong.
"Ang cute cute mo pala kapag napapagod."
Kumunot ang noo ni Kat. Tipong nagtatanong ng "bakit?"
"Kasi namumula yang ilong mo at parang teary-eyed ka... Ang cute cute mong tignan." masayang saad ni Glen na titig na titig sa kanya.
Naco-conscious na yumuko ang dalaga.
'Shoot, nahalata na pala niyang naiiyak ako...' sabi ni Kat sa sarili.
"Ahm... Ganito talaga ako pag pagod." palusot niya na nakayuko.
"Come here."
Nag-angat ng tingin si Kat at nilingon ang binata. Nakahiga na ito sa bermuda grass at iniunan ang kanang kamay.
"Ha?" tanong niya.
"Come here, humiga ka dito para ma-refresh ka."
Kinikilig siya pero mabigat pa rin ang kanyang loob.
"'Wag na. Uuwi na rin ako niyan."
Hinawakan ng binata ang kamay niya.
"Halika na. Ihahatid naman kita mamaya eh."
Bumuntong hininga siya tsaka humiga at iniunan ang kaliwa nitong braso. Pareho silang nakatitig sa mga bituin sa kalangitan.
"Are you okay?" tanong ni Glen.
"Yah." saad niya habang dinadama ang lamig ng bermuda grass at init ng katawan ni Glen na nasa tabi niya.
Napangiti siya ng maramdaman ang labi ng binata na dumampi sa buhok niya. Napapikit siya.
'Kung sanang alam ko kung ano na ang nararamdaman mo para sa akin, kumpleto na sana. Hanggang kailan ba ako maghihintay?' sabi ni Kat sa sarili.

BINABASA MO ANG
NO ORDINARY LOVE
Teen FictionA story of a high school sweethearts na nagkita ulit after a long time..