CHAPTER SIXTEEN

32 1 0
                                        

-------SIXTEEN-------

TWO YEARS LATER.....

"Reunion? Ay, Kainggit! Buti pa kayo may reunion!" naiinggit na saad ni Marla.

Nanganak na ito sa panganay nito. Si Edward. Isang cute at napakaguwapo niyang inaanak.

Nakaismid na binaba ni Kat ang invitation sa lamesa. Pinuntahan siya kanina ng mga high school friend niya dati para ibigay ang invitation ng reunion ng kanilang batch sa North Ville High School.

"Sama 'ko girl." saad ni Marla na kung umakto ay parang wala pang asawa at anak.

"Sige, sumama ka para ako na lang talaga ang left behind doon. Reunion iyon. Makikita ko ang mga dati kong kaklase and for sure may mga sariling pamilya na ang mga iyon tsaka successful!"

"Aba, successful ka na naman ah! May kotse ka na tsaka sariling bahay!" saad ni Marla na inilibot pa ang paningin sa kabuuan ng maliit ngunit maganda niyang bahay.

Kabibili niya lang dito sa bahay last year. Excited na kasi siyang bumukod kaya nang makaipon siya ay nilubos-lubos na niya. Ngayon ay masaya siyang naninirahang mag-isa. Maganda naman ang community ng Village nila. Tahimik at masaya. Napakabait din ng mga tao kaya wala na siyang problema.

"Hay naku, hindi ako pupunta." saad niya sabay kuha sa baso niya at uminom ng juice.

"May I know the reasons?" tanong ni Marla.

"Nasabi ko na sa iyo."

"Talaga lang ha? O baka naman may ayaw ka lang makita."

 Nakataas ang kilay na tinitigan niya ang kaibigan.

"Hay naku, Marla, Kung "Siya" rin lang ang dahilan, I wont make it a big deal. Past is past. Kaya ayokong pumunta sa reunion kasi tiyak na puputaktihin na naman ako ng mga ex-classmates ko na kesyo ba't wala pa akong asawa na kahit boyfriend man lang... I'm sick of it."

Makahulugang ngumiti si Marla.

"Ahhh, kaya ba hindi mo masabi-sabi ang pangalan niya?"

"Fine! Glen! Glen Rayver Yulo! Happy?"

"Not yet. Sabi mo kanina, past is past. Kung limot mo na talaga ang past, pupunta ka sa reunion ninyo!"

Napatayo si Kat sa kinauupuan.

"Marla, are you out of your wits? Hindi ako pupunta. NEVER!!!"

-----------------------------------------------------------------

"MABUTI naman at nakasama ka Katrine." saad ng ex-classmate niya dati na si Rina.

Kahit napipilitan ay ngumiti na rin siya.

"Syempre naman." tsaka na niya ibinaling ang tingin sa labas ng van na pag-aari ng isa pa sa mga kaklase niya dati, si Miguel. Isa nang attorney at asawa na si Ella, kaklase niya rin dati.

Hindi naman talaga siya dapat sasama, ang kaso, si Marla na bruha, nakialam na. Pinapunta siya nito sa isang salon. Pagdating niya doon ay wala pa ito. Dahil naiinip na siya ay inaccomodate na siya ng mga tauhan doon. Treat naman daw ni Marla na na-late dahil may inasikaso kuno.

Ayun, nawili siya. Hair spa, Foot and hand spa, may kasama pang massage. Iyon pala, ang bruha, nireready na ang mga gamit niya para sa reunion nila.

May meeting place sila at ang time ay 12:30 PM. Kaya pala pasado alas dose ay sinundo na siya nito at dinala sa meeting place. Nagulat pa siya ng mula sa compartment ng kotse ni Marla ay nilabas nito ang mga gamit niya tsaka pa siya sinabihan ng "enjoy!"

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon