KATHRYN'S POV
"IKAW NANAMAN?!" Sigaw ko sakanya. Bakit sa dinami-dami ng tao, SIYA PA? Hay nako.
"Uy! Hi, Miss Sungit! Bakit andito ka? Stalker ka 'no?" Sabi niya pa. Stalker?! Ako?! ABA'T.
"Ang kapal talaga ng mukha mo. Ako? Magiging stalker mo? HUH. No way."
"Oh? Eh anong ginagawa niyo sa pamamahay namin?"
"WALA!" Tumawa si Juls sa tabi ko. Naka-limutan 'kong andito pala siya.
"Sorry sa kasungitan nitong bespren ko ha. PMS siguro." At tumawa silang dalawa. Nakaka-inis na 'to ha. Hinablot niya sakin yung cookies at ibinigay kay Dayn-Dan-DANIEL! Ayun nga. "Ayan, sayo na 'yan. Ako nga pala si Julia. Nice meeting you. Tara na, bes." And umalis na kami sa harap ng demonyong yun.
DANIEL'S POV
HAHAHAHA, Ang sarap talaga inisin nun. Cookies? Para saan naman 'to? Inamoy ko. Uy, parang masarap 'to ah. Kinain ko at himala na-ubos ko. Bihira lang akong maka-ubos ng pagkain 'no. Pinatong ko sa kitchen counter yung container at umakyat na ko sa kwarto ko. Mag-gagabi na.
*TOK TOK*
"Pasok po." Sabi ko. At pag-bukas ng pinto, si Manang Lela pala. "Ano po yun?"
"Kakain na daw po kayo, sir." Ah, ayun pala.
"Sige po, bababa na po." At bumaba na ko. Pag-baba ko nakita kong nasa dining table na si Mommy at si Daddy. "Good evening, Mom, Dad." Habang kumakain kami,
"So what do you think of our new house, DJ?" Tanong ni Daddy.
"Okay naman po siya." Sabi ko. "Maganda dahil may kukulitin na ko." Binulong ko lang yung last na sinabi ko.
"Ano yun, 'Nak?" Tanong ni Mommy. Narinig niya ba?
"Ah, wala po."
"Ah, okay. Sige kain ka pa." Mabuti nalang hindi niya narinig or else magagalit yun kasi hindi niya gustong may kinukulit ako. Pagka-tapos nun nag shower na ako at nag bihis ng pan-tulog at humiga na sa bed ko. Hay, hindi pa ko inaantok. May klase pa bukas pero parang mag-pupuyat yata ako ngayon. Inisip ko si Kathryn, maganda naman siya, simple, chakto lang yung height-AISH. Ano ba 'tong iniisip ko? Maka-tulog na nga.
KATHRYN'S POV
Andito ako ngayon sa veranda ko, at dahil nasa katapat lang ng bahay namin yung kina-daniel, nakikita ko pa yung ilaw niya na naka-bukas. Hindi pa siya tulog? Napa-isip ako, ba't nga ba ako inis na inis sakanya? Eh yung ginawa lang naman niya ay tinawag niya 'kong "Miss Sungit" pero yun lang. AH! Nang-aasar siya! Tama, yun nga. Para akong baliw na kinukumbinsi yung sarila ko, eh wala naman talaga. Ewan ko ba pero kapag nakikita ko yung itsura niya, naiinis ako. Ano bang problema ko?
(A/N: THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE. EHEM.)
HAHAHAHAHAHAHAHA, nakaka-tawa ka talaga, Author. Note the sarcasm.
Tama na nga yang kaiisip ko kay Daniel na yan. Matutulog na ko! Hmp.
DANIEL'S POV
The next morning...
"Today is gonna be the day
That they're gonna throw it back to you
By now you should've somehow
Realized what you gotta do
I don't believe that anybody
Feels the way I do, about you now.." Ang aga-aga, may tumatawag? Sinagot ko.
"Dini-distorbo mo yung tulog ko. Sino ka ba ha?" Dire-diretso 'kong sabi ng hindi man lang tumitingin sa caller ID.
"Brad, bumangon ka na diyan. 8:00 na. Late ka na naman." Si Seth pala. Psh. Eh ano naman ngayon? Eh sa naantok ako eh.
"K." Pinatay ko na at bumangon na ko. Ano pa nga ba magagawa ko. Pagka-tapos ko, dumiretso na 'ko sa school.
"Mr. Padilla. Second day of school, LATE." Pag-dating ko sa classroom yan agad yung bumungad saakin.
"Why do you even care kung late ako?" Bulong kong sabi.
"Ano yang sinasabi mo, Mr. Padilla?" Ay, bingi.
"Wala po, Ma'am." At umupo na ko sa upuan ko. Napansin 'kong naka-tulala lang si Kathryn. Gulatin ko nga. "HOY!" Bulong ko na pasigaw. Labo. Pero ganun nga.
"AY KABAYO NA BULAG!" Pft- Ano daw?
"MS. BERNARDO, may problema ba?" Patay.
She glared at me. "Wala, ma'am." Pagka-tapos nun, the bell rang at tumakbo na ako palabas. Bumili ako ng pagkain at pumunta na sa table ng barkada ko. nag-kwentuhan lang kami atsaka ko napag-desisyonang mag-libot muna sa school. Hanggang sa napadpad ako sa garden..
KATHRYN'S POV
Pinahiya ako sa buong klase. Grabe talaga yung mokong na yun. Lunch na pero hindi pa ko gutom kaya andito ako ngayon sa garden. Hindi ko nga mahagilap si Juls eh. Ewan ko kung saan pumunta. Naka-higa lang ako dito sa ilalim ng puno ng may naring akong yapak ng tao.. I think? Parang eh. Nagulat na lang akong may nang-bato sakin.
"WHAT THE FU-" Hindi ko na natapos pa yung sasabihin ko ng makita ko kung sino yung nang-bato. Pati ba naman dito? "Anong ginagawa mo dito?" Kalmado kong sabi. Himala yun ah. Ewan pero magiging mabait ako ngayon sakanya.
"Ikaw, Kathryn ha. Ka-babae mong tao, ganyan ka kung mag mura." Saway niya. Pake-alam niya ba. Nag-roll nalang ako ng eyes. Silence. Hanggang sa, "Pwede ba kitang tawaging Kath?"
"Uh, I guess." Sagot ko naman. Parang bigla akong nag-iba? Diba dapat naiinis ako sakanya? Ba't ganito?
"Pwede bang mag-tanong?"
"Nag-tatanong ka na nga diba? Pero, ano yun?" Na curious ako bigla.
"Bakit ba parang inis na inis ka sakin?" Ah, yun lang pala. Simple lang,
"Ewan. Sa totoo lang, hindi ko din alam."
"Edi kung ganon, let's do it again. Hi, I'm Daniel. Nice to meet you." He smiled and offered a handshake. Oo nga naman.
"I'm Kathryn. Nice to meet you too." I smiled back and accepted the handshake.
"Friends?"
"Friends."
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Uy, friends na sila oh. :))) Sana po na gustuhan nyo kahit short update lang. Vote po kayo kung nagustuhan ninyo. Thanks! :* Ay, oo nga pala guys, chinange ko yung cover. At chinage ko rin pala yung Table of Contents.. Yun lang, bye. :))) Kath giving Daniel the cookies (kahit na sinabi kong si Julia ang nag-bigay) at the side --------->
BINABASA MO ANG
YOU CHANGED MY LIFE (KathNiel)
Teen FictionSi Kathryn ay isang babaeng hindi naniwala sa love. Ngunit nung dumating si Daniel sa buhay niya, nag-karoon ng spark sa kanilang dalawa.. magkaka-tuluyan kaya sila kahit na may humadlang? O pipiliin nilang sumuko na lang?