I wish life was this easy - 20

247 5 2
                                    

KATHRYN'S POV

"Bye, Mom! Punta na po ako sa park." Sigaw ko kay Mom na nasa kitchen.

"Sige, 'Nak. Ingat ka." Sabi niya at lumabas na ako.

Papunta na ako ngayon sa park. Nag-lakad na lang ako, malapit lang naman kasi yung park dito sa bahay namin eh.

Nandito na ako sa park. Time check: 2:30 pm. Oh, ang aga ko pa pala. Sheesh.

30 minutes pa. Sana naman maaga siya dumating para hindi na ako mag-hintay.

3:00 pm na, wala pa siya. Sabi ko 3:00 pm sharp. Hindi ba niya naintindihan? Tss.

1 hour has passed..

Isang oras na. One freaking hour na akong nandito sa park. 4:00 pm na. Dadating pa ba 'yon? Siguro.. Mag-hihintay ako..

2 hours has passed..

5:00 pm na, wala pa rin. Ano na kayang nangyare don? Isang oras pa. Isa na lang at aalis na ako dito. Pag hindi pa siya dadating.. Ewan.

3 hours..

Okay. That's it. 6:00 pm na. Aalis na ako dito. I gave him a chance and he blew it.

DANIEL'S POV

Gumising ako at pag-dilat ko ang dilim. Saan ako?

Bumangon ako.

*BLAG*

Aray. Bakit ako nandito sa ilalim ng kama? Wtf?

Lumabas ako at hinawakan ko ang ulo ko. Basa.. May dugo?

Sh-t. Ano ba ang nang..yare?

Naalala ko na. May pumuk-pok pala sa ulo ko kagabi.

Kagabi? Ibig sabihin kagabi pa ako dito naka-higa?

At paano naman ako napunta sa ilalim ng kama ko? Gulong gulo na talaga ako.

Tumingin ako sa labas ng bintana ko. Gabi na? TEKA!

F-ck. Ngayon na pala ako mag-eexplain kay Kath! Tumingin ako sa relo na pinaka-malapit saakin at pag-tingin ko 6:30 na!

Sabi niya 3:00 sharp! Pakshet. Hindi ko naabutan! Nag-madali akong bumaba at lumabas sa bahay habang tuma-takbo ng mabilis.

Pag-dating ko dun, wala na.. Wala ng tao sa park.. Umalis na siya..

Siyempre.. Galit nga siya saakin diba? Ba't naman niya ako hihintayin? Diba?

Ikaw na, Daniel Padilla. Ikaw na ang pinaka-malaking tanga sa buong mundo.

Pupuntahan ko siya sa bahay nila.

Nag-lalakad ako papunta sa bahay nila Kath ngayon. Massakit pa rin yung ulo ko.

Dumudugo pa nga eh kaso pina-pabayaan ko kasi mas importante si Kath sa aakin.

Ang dugo pwede lang punasan yan at mawawala agad pero si Kath pag nawala saakin, hinding hindi ko na pwedeng makuha ulit.

Nandito na ako ngayon sa bahay nila at nag-doorbell ako.

Saktong-sakto pag-bukas ng pinto bigla akong nawalan ng malay. Ang huling narinig ko nalang ay..

"Jusko! DJ!"

KATHRYN'S POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko ng marinig ko si Mommy.

"Jusko! DJ!" Sigaw ni Mom. DJ? Nandito siya?

YOU CHANGED MY LIFE (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon