MYSTERIOUS SOMEONE'S POV
Akala niyo nawala na ako 'no? Pwes, I'm still here and I'm planning on my revenge.
Akala nina Kathryn at Daniel, happy ending na sila? HUH. I won't let that happen.
Hinding hindi sila pwedeng maging masaya hangga't nabubuhay pa ako.
DANIEL'S POV
Hindi ko kasama si Kath ngayon. At alam niyo kung sino ang kasama niya? Yung bestfriend niyang pangit. Hindi si Juls ha.
Ayun nga eh. Nakaka-irita. Kung tinatanong niyo kung nasaan ako ngayon, nandito ako sa library sa school. Gumagawa ng project kasama si Miles. Siya kasi yung partner ko.
Si Kath naman at si Khalil yung magka-partner. Badtrip nga si Ma'am eh. Nang-aasar. Tch.
"Hoy! Daniel! Nakikinig ka ba? Sabi ko dito natin ilalagay yung information sa gilid. Okay ba 'yon?" Nagulat ako ng bigla akong yugyugin ni Miles. Tumango lang ako na parang wala sa sarili. "Siguro iniisip mo nanaman si Kath 'no? Tinamaan ka na talaga."
"Tinamaan na talaga." Sabi ko at nakita ko namang parang nag-iba ang itchura ni Miles. "Miles, okay ka lang?"
"Huh? Ah, oo naman. Sumasakit lang tiyan ko." Sabi niya at hinawakan niya yung tiyan niya.
"Ganon ba? Gusto mo bukas na lang natin gawin 'to? Itetext na lang kita."
"Sige. Salamat. Mauna na ako." Sabi niya at kumaripas ng takbo. Parang sumasakit nga yung tiyan niya. Hahaha.
Dinala ko na yung project namin at umuwi na. Itetext ko na lang bukas si Miles kung saan kami mag-kikita.
KATHRYN'S POV
"HAHAHAHAHA! Ang baliw mo." Tawanan lang kami ng tawanan dito ni Lil. Halos hindi na nga namin matapos tapos yung project namin. Paano ba naman kasi si Lil, tawa ng tawa. Nahahawa tuloy ako.
"Ikaw nga rin diyan eh. Dapat sayo ikulong sa mental." Sabi niya at tumawa nanaman kami hanggang sa may marinig akong malakas na boses ng isang lalake na kilalang kilala ko.
"Parang nag-sisiyahan yata kayo ah. Part ba yan ng pag-gawa ng project niyo?" Sabi ng boyfriend kong seloso. Lumingon ako sakanya.
"Eh si Lil kasi." Sabi ko habang pinipigalan ang tawa ko.
"Eh si Lil kasi." Pag-susunod ni DJ sa sinabi ko at dumiretso siya sa sofa at umupo don.
"Ano bang problema mo?" Sabi ko sakanya.
"Wala naman. Balik ka na don. Tapusin niyo na yung PROJECT niyo." Sabi niya habang diniinan talaga yung 'project'. Tsk tsk.
"Sandali lang Lil ah." Sabi ko kay Khalil at tumango naman siya. Hinila ko agad si DJ papuntang kusina. "Ano ba? Mag-aaway nanaman ba tayo?"
"Bakit? May sinabi ba akong mag-away tayo? Ikaw lang naman diyan eh." Sabi niya na may halong pambabara.
"Anong ako? Nag-susungit ka nanaman eh!" Sabi ko at tinalikuran ko siya. Bumalik na ako sa sala.
"Ano yon?" Tanong ni Lil.
"Wala. Sige, ano na yung ilalagay natin?" Pag-iiba ko ng topic.
Naramdaman kong lumabas na si DJ. Hmp. Hindi man lang nag-paalam. Bahala siya.
DANIEL'S POV
BINABASA MO ANG
YOU CHANGED MY LIFE (KathNiel)
Teen FictionSi Kathryn ay isang babaeng hindi naniwala sa love. Ngunit nung dumating si Daniel sa buhay niya, nag-karoon ng spark sa kanilang dalawa.. magkaka-tuluyan kaya sila kahit na may humadlang? O pipiliin nilang sumuko na lang?