KATHRYN'S POV
Kasama niya pala si Miles? Ni hindi niya man lang sinabi saakin?
Kaya pala hindi siya nag-tetext mula nung kaninang umaga ay dahil may kasama pala siyang iba.
Pinag-mamasdan ko lang silang dalawa sa malayo. Si Miles ang clingy! Parang hindi niya alam na may girlfriend yung lalakeng nilalandi niya.
"Cha, okay ka lang ba?" Tanong ni Khalil na kanina pa pala ako tini-tignan.
"Of course. Bakit hindi naman ako magiging okay?" Sabi ko na naka-smile pa.
Tinignan niya lang ako at bumalik sa pag-kain niya.
Binalik ko ang tinngin ko sa kanilang dalawa pero nung tinignan ko, wala na sila. Tch.
"Tara na, Lil." Sabi ko at hinila na si Khalil.
"Huy! Kumakain pa ako! Cha naman eh!" He whined like a baby.
"Tumahimik ka nga. Wala ako sa mood. Mag-drive ka na." Sabi ko habang naka-upo na sa upuan ng sasakyan niya. Napansin kong hindi pa rin umaandar ang sasakyan. Tinitignan pala ako ni Khalil na parang baliw ako sa kanya. "Bilis."
Nung sinabi ko yon, dali dali niyang ipinanadar yung sasakyan at nag-drive na siya.
DANIEL'S POV
Kakauwi ko lang galing sa Mall. Masaya din pala kasama si Miles, eh. Ang dami kong ngang tawa kanina.
Itetext ko na sana si Kath na galing ako sa Mall, pero na-unahan niya ako. Binuksan ko yung message niya.
From: Kathbabe
Come outside. Let's talk.
Parang kinabahan ata ako sa text niya. Ano kaya ang meron?
Kumuha ako ng jacket aat lumabas na, nakita ko siyang nasa labas ng bahay nila kaya pumunta ako don.
Hahalikan ko sana siya sa pisngi niya ng bigla siya umiwas at umupo sa tapat ng bahay nila.
May problema ba siya?
May problema ba kami?
"Kath? May problema ba?" Sabi ko.
"Wala naman." Sagot niya pero hindi tumitingin saakin. Binabato niya yung mga bato sa harapan niya.
"Wala naman pala eh. And about sa kahapon, sorry pala at nag-selos ako ha."
Hindi siya nag-salita.
"Kath? Ano ba talaga ang probema? Ba't hindi ka nag-sasalita?"
"Alam mo ba yung feeling na makita yung boyfriend mong may kasamang iba?" Sabi niya bigla at nagulat naman ako.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo at sumigaw. "Oh, come on! I know you know what I'm saying!"
Napatayo naman ako.
"Hindi talaga kita maintindihan, Kath. Ano ba yon? Sabihin mo na lang, please?"
"Huh." She smirked. "Yung may kalandian yung boyfriend mo at sa kaibigan mo pa sa school? Alam mo ba kung ano ang feeling na makita mo yun?"
Doon na nag-sink in sa utak ko yung sinabi niya. Nakita niya kami ni Miles sa Mall. Sh-t. Ang tanga mo, Daniel! Ba't ka kasi pumayag don sa sinabi ni Miles na wag itext si Kath?! Ugh!
BINABASA MO ANG
YOU CHANGED MY LIFE (KathNiel)
Teen FictionSi Kathryn ay isang babaeng hindi naniwala sa love. Ngunit nung dumating si Daniel sa buhay niya, nag-karoon ng spark sa kanilang dalawa.. magkaka-tuluyan kaya sila kahit na may humadlang? O pipiliin nilang sumuko na lang?